Matches Burn

3.7K 118 8
                                    

BEA POV

"Whoa! Dito tayo?" Gulat kong tanong kay Mia.

Nasa Manila Yatch Club lang naman kami at nasa harapan kami ng isang yate. May nakaantabay na agad saming magsasakay roon.

"Yap! Im just glad Tito owns one kaya naman naisip kong maging romantic. Date sa yate." Nagwink pa siya sakin na kinatawa ko.

"Ikaw talaga. Di naman ako mapili. Kahit nga sa isawan lang date natin o kaya sa Manila Bay ay okay na sakin. Gumastos ka pa." Sagot ko.

Ooops! Don't go there! Sabihin mo lang,  wag na lalawak pa isipan!

'Yeah. Thanks.' Piping sagot ko.

"Eh! Minsan lang naman to. So,  Bea the Bae,  will you be my first date in a yatch?"

Ngumiti naman ako rito. "Sure my lady." Sagot ko. Inilahad ko ang kamay sa kanya na tinanggap naman nito.

Inalalayan naman kami ng isang staff roon o baka yung sailor namin.

Pumasok na kami. Itinour pa kami hanggang sa makarating sa ilalim kung saan naroon ang nagmamando ng yate.

Syempre,  first time kaya sinulit namin. We tried driving the yatch for a little while then we went to a room.

"This is great!" Sambit ko.

Kumpleto ang gamit.

"In the future,  gusto ko ring magkaroon ng yate tapos mag i-island hopping ako." Ani Mia.

"Id love to have one too." Komento ko.

"Ano naman ipapangalan mo sa yate kung sakali?"

"Kailangan pa ba yun?" Tanong ko.

Ibinagsak namin pareho ang kalahati ng katawan namin sa kama. Nasa lapag pa rin yung mga paa namin.

"Oo! Marami kaya nagpapangalan sa mga yate."

"Hmm... Bea of Lions. Pwede na siguro yun." Sagot ko. "Ikaw?"

"Hmm,  wala pa akong naiisip. Saka na siguro kapag nagkaroon na ako. Para iwas asa."

"Lol Mia!"

Tumawa lang din ito.

"Bei,  sana maging yate nalang yate ako." Sabi nito.

Napakunot noo ako. "Bakit?"

"Para makuha ko ang pangalan mo."

I burst out laughing. "Akala ko kung ano na! Corny! Haha!"

"Corny daw,  tawa naman siya." Nakangiting sagot nito.

"Para akong yate at ikaw ay dagat." Banat ulit nito.

"Bakit?"

"Kasi ginawa ako para sayo lamang."

Napahawak ako sa ulo ko at natawa nalang. "Tama na Mia. I never thought you were this so corny. Haha!"

"Pagbigyan mo na ako. Ngayon lang to. Haha!"

"Okay,  okay! I'll spare this night for you. Pero wag kang magagalit o magtatampo kung tawanan man kita." Nakangiting nilingon ko siya.

Lumingon din ito. "Lagi mo nalang akong tinatawanan,  pwede bang seryosohin mo naman ako?"

Maski ito ay di napigilan ang pagbungisngis.

"Baka hindi mo na ako pakawalan kapag sineryoso kita." Sagot ko

"Freeing you would be the last thing i will do. But i will never do.  Not now,  not tomorrow or in the near future." I felt her hands clasp on mine.

I Just WannaWhere stories live. Discover now