Last na 'to, Promise! P2

4.4K 105 5
                                    


JHOANA POV

"Jho,  are you with me?  May problema ba? " tanong ni Marci sakin.

"Ah.. Wala.. Wala.. Sorry. " pilit ang ngiting sagot ko.

He smiles.

Pinilit kong ubusin ang inorder nitong pagkain for us,  at pagkatapos ay pumunta na kami sa sinehan.

Maganda ang movie pero hindi ako makapagconcentrate sa panunuod.

"Thank you for this day,  Jho. " marci habang nasa kotse niya kami at pabalik sa Ateneo.

"Thank you rin. " sabi ko.

Nanliligaw si Marci.  Bet ko naman siya eh.

Nung una,  nagtataka pa ako kung bakit ayaw ni Bea kay Marci kasi mabait naman siya at responsable.

And then she confessed her feelings.

She's jealous. And maybe envious.

And i thought she was rude because of the thought na baka mabawasan ang time ko para sa kanya.

"Wait,  why are we here? " gulat kong tanong nang mapansin na mapansin kung saan kami patungo.

Di ko na naisip kung paano niya nalaman ang request ni Bea.

Madilim na rin.  Siguro 7:30 na rin.

"Wag mong iwasan ang problema." Nakangiting sabi nito na lumingon pa sakin. 

"Pero pinag iisipan ko pa ang magiging desisyon ko." Kontra ko

At isa pa,  hindi pa ako ready na makaharap ulit siya.

"Paano kung sa kakaisip mo,  huli na pala?  Paano kung kailan handa ka ng sagutin ang mga katanungan,  huli na pala?  Sumuko na siya?" Seryosong sabi nito.

Inihinto nito sa gilid ang sasakyan saka hinarap ako.

"Jho,  bestfriend mo si Bea---"

"Bestfriend pa ba kung minahal niya ako ng higit pa roon? "

"Hindi maiiwasan iyon. "

"Pero kayang pigilan. Hindi niya ba naisip na masisira ang pagkakaibigan namin?"

"Naisip niya na iyan pero mas pinili niyang magtake ng risk.  Jho,  alam mo kung gaano kahirap magtago ng nararamdaman."

"Ganun ba kadaling isakripisyo pagkakaibigan namin para lang sa nararamdaman niya sakin? "

Ngumiti siya.  "Hindi ako si Bea para masagot iyan.  Kaya ihahatid kita sa kanya. Miss Jho De Leon. "

Napaingos ako sa tinawag nito.

Miss Jho De Leon

"Jho! "

Hindi ko pinansin pagtawag sakin ni Bea.

Nakakainis siya. Kakaayos ko lang ng closet niya nung umaga dahil wala akong magawa, pero pagsilip ko ulit kanina,  ang gulo gulo!

"Jho!  Sorry na! "

Dumiretso ako sa kitchen at naabutan roon si Jia and Gi na nagluluto.

"Jhoana De Leon!!! "

"Oy,  patahimikin mo kapatid mo.  Hahaha! " buyo ni Gi

"Bahala siya sa buhay niya. Tss. "

"Pero bet niya maging kapatid si Bea.  Haha! " jia

"Eww!  Ayokong magkaroon ng kapatid na sobrang kulit at sobrang gulo. " sabi ko

"Bakit?  Iba ba gusto mo? " nakangising tanong ni Gi.

"Anong iba? " curious kong tanong saka dumuwit ng fishball.  Hahaha!

"Hoy,  merienda yan" jia nung mapansin niya ginawa ko.

"Jhoana De Leon. " pumasok si Bea saka umupo sa katapat ko.

"Tigil-tigilan mo nga yan.  Ayaw kitang maging kapatid." Pagtataray ko.

"Ayaw mo?" Umakto pang nagtatampo si Bea.

Lumapit naman si Gi saka may binulong na kinangiti ni Bea ng malaki na halos ikawala ng mga mata niya.

"Anong kalokohan na naman yan? " tanong ko. Sinipa ko pa paa nito sa ilalim.

"Ouch! Ouch naman Beh!  Sorry na."

"Okay na saking bestfriend ka dahil kapag kapatid baka paboran ka nila mama at Tita. " sabi ko.

"Pero para sakin,  ikaw si Jhoana Louisse Maraguinot De Leon. Ang pinakamamahal ni Isabe Beatriz Paras De Leon. "

Natuwa pa ako nun dahil mahal niya ako.

"Sige na,  baba na.  Mas mahalaga parin ang kaligayahan mo." Untag ni Marci sakin.

Nakahinto na pala yung car at nasa Ateneo Field na kami. Pinagbuksan niya pa ako kaya napilitan akong bumaba.

"Miss na nang lahat ang kaclingyhan niyo.  At miss na ng lahat ang makita kayong masaya sa isa't isa. Make me proud,  Miss De Leon. " sabi nito saka ginulo buhok ko.

Sumakay na ulit ito at iniwan ako roon.

Huminga ako ng malalim saka tinanaw ang paligid.

May mga light posts naman kaya hindi gaanong madilim at isa pa,  maliwanag ang buwan at maraming bituin.

Hinanap ko siya at nakita ko namang nakaupo ito sa damuhan.  Nakatalikod sakin.

Hindi ko alam pero inilabas ko yung phone ko saka kinuhan siya ng picture.

Baliw ako no? Tss.

May problema na nga eh kung ano-ano pa inuunang gawin.

Naglakad na ako palapit rito.  Ilang dipa pa ang layo ko pero naaamoy ko na pabango nito.

Lakas talaga gumamit. Tss

I miss her scent.

Tumikhim ako para ipagbigay ang alam ang presensya.

Mabilis naman itong lumingon at agad napatayo nung makita ako. Nagulat pa ako nang bigla niya akong hilahin at yakapin ng napakahigpit.

Then i hear her sobs.

Pinaiyak ko na naman siya.

"Thank you... Thank you... " paulit-ulit na bulong nito.

Hindi ko alam kung bakit siya nagpapasalamat.

Dahan dahan ko namang itinaas ang mga kamay ko saka ipinalibot sa katawan nito.

It feels great to be in her arms again. My safe haven.

Di ko alam kung gaano kami katagal na magkayakap sa gitna ng field.  Basta,  para sakin it was the best moment.

↖(^▽^)↗↖(^▽^)↗↖(^▽^)↗

Pabitin!

Be like Marci! 

Coz he's mabait talaga.

Bati na kaya sila?

I Just WannaWhere stories live. Discover now