|| 36 || [Revised]

Start from the beginning
                                    

" Nice work! " bulalas ng Arcanist sa kaniya habang nakataas ang palad nito, at may malapad na ngiti sa labi. Labis naman itong kinagulat ni Christa, na tumango lang dito bago sumugod na muli sa susunod na kalaban. Naging malungkot ang ngiti sa labi ni Eliza pagkatapos, ngunit sumunod din naman siya sa dalaga na maliksing nakikipaglaban sa mga mala-punong monsters na iyon. Kung hindi siya nagkakamali ay Treeance ang pangalan ng mga ito.

" Fireball! " mahinang sabi niya bago itinuro ang isa nanamang Treeance sa malapit, kung saan isang may kalakihang bola ng apoy ang tumama at nagliyab. Upang sundan ang ginawang atake ay umikot siya ng 180° na nakalikha ng isang arko ng apoy, ginamit at ipinadala niya ang ginawang atake as a projectile, na mabilis na tinahak ang pagitan niya at ang kalaban na humati dito sa gitna. Mabilis siyang naglabas ng tatlong magkakasunod na mga bola ng mahika at umatake pa ng isa nanamang Treeance ng matapos iyon.

Sa kabilang banda naman ay walang habas ang ginagawang pag-atake ng mga myembro ng Robust Punks, malalakas at mapwersang mga skill ang pinakakawalan nila patungo sa mga golem na kanilang mga katunggali. Kaunti man ang mga ito ay doble naman ng dami ng iba pang mga kalaban ng players ang mga HP nito. Higit ding malalakas ang bawat pagwasiwas ng mga batong kamao ng mga ito at hindi sila kayang tapatan ng ordinaryong sandata lang, halimbawa ay mga espada.

Humiyaw rin ng malakas ang kanilang lider na si Killian at itinaas pa nito ang matipunong braso habang nagsasalita. " Anong pangalan natin?! "

Mabilis at malakas na hiyaw rin ang naging tugon ng mga kamyembro niya sa guild. " We are the Robust Punks! "

Tumalon ito at walang pag-aalinlangan niyang ihinampas sa braso ng isang Golem ang mabigat niyang martilyo na ikinahiyaw ng huli, matapos na magawa niyang basagin ang batong braso nito. "Correct! Ipakita natin sa mga ito na tayo ang tatapos ng larong 'to, maliwanag?! "

Isa muling sigaw ang umalingawngaw mula sa dereksyon nila, tanda ng naging pagsangayon ng bawat isa sa kaniya. Mas lalo tuloy siyang ginanahan na igihan pa ang pakikipagbuno sa mga malahiganteng mga bato na ito.

Malalakas at malabarbaro man ang hiyaw ng mga katabing players ay nanatili naman ang katahimikan sa panig ng Dazzling Prestige na kalmadong kalmado sa kabila nanaman ng malaking bilang ng myembro na nawawala sa kanila sa bawat atakeng pinawawalan ng mga kalaban na tila mga Venus flytraps ang hitsura. Isa muling mabilis at manipis na galamay ang kapagkuwan ay bumulusok sa pagitan ng isang makapal na linya ng mga Paladins na parte ng naturang Guild. Hindi inasahan ng mga naturang players ang naging atake, at isa-isa silang inubos at pinulbos ng kalaban.

Umuyam ang kanilang lider na si Kane sa nasaksihan, at saka kalmadong tinahak ang pagitan niya at ang may kalakihang kalaban sa gitna ng field na iyon. Bigla na lamang niyang iniangat ang kaniyang braso na may hawak sa kaniyang napakahabang sandata at halos walang effort na ihinampas ang napakatalim na dulo niyon sa kalaban ng limang ulit. Mapusok, mabilis, at halos hindi iyon nasundan ng mga natitirang players na nakapalibot sa kaniya. Manghang pumalakpak sila sa ginawa ng kanilang lider, na hindi naman pinansin nito, sapagkat abala ang sarili sa panonood sa dalawang lalaki na nakikipagbuno sa hindi mabilang na mga forest ogres.

Matatalim ang mga pangil at teinga ng mga ito at hindi man sila maliksi, ay lubha ring malakas ang kanilang mga atake. Gayunpaman ay hindi ito iniinda ng magkaparehang mga binata, na ang isa ay walang pag-aalinlangan na sumugod sa mga Ogre na nasa paningin niya, swinging his dual swords in X patterns as swiftly as he's able to. Ang bawat atakeng galing sa kaniya ay nakapagdudulot at nag-iiwan ng mga projectiles na siyang nagiging saksi sa liksi ng naturang binata.

Fantasy Burst Online [ HIATUS ]Where stories live. Discover now