|| 16 || [Revised]

967 30 0
                                    

Alright. I'll hold off the revisions here for the day. The rest shall be posted soon enough.

- Equisionn

----

Chapter 16: Seriously, What is going on here?

Steven's Point of View

It's Saturday, the supposed day kung kailan ko susunduin sa airport si Eliza. I can't wait, actually kung kaya naman maaga aga akong nagising kaysa sa alarm ko at maagang naghanda to make sure na hindi talaga ako malalate sa pagdating niya.

As I was fixing my hair, nakarinig ako ng mga mahinang pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Kaagad ko namang sinabihan na pumasok ang kung sino mang kumakatok sa labas at tsaka ipinagpatuloy ang pag aayos ng buhok.

It was Ashley, my sister who knocked on my door. Nakataas ang isang kilay nitong tinitigan ako habang tuloy lamang ako sa gjnagawa sa harap ng salamin ng makalapit na ito.

"May lakad, kuya?" Tanong nito na ikinangiti ko naman. Oh right, Hindi ko papala nasasabi sa kaniya ang tungkol kay Eliza. Great. It slipped my mind.

"Uhh yeah, I totally forgot to tell you. Sorry." Sagot ko naman dito ng matapos na ako sa pag aayos ng buhok ko tsaka mabilis na tumitig sa kaniya with an apologetic look on my face. "Why, is something the matter?"

"May usapan ang barkada, kuya. It looks like you're going to be busy though, so kami na lang nina Ate Christa ang pupunta" sabi pa nito bago ito naglakad papalapit saakin at inabot ang collar ng damit ko to fix it habang may mapaklang ngiti sa kaniyang labi.

Right. I'm losing time for them. Masyado na akong nagiging busy kay Eliza but the fact that they're always here and she's not at sa buong summer vacation ko lang naman siyang makakasama ay isa ng magandang rason upang magfocus muna ako sa kaniya kaysa sa kanila. They're not going anywhere, right?

"I'm sorry. Hindi talaga ako makakapunta. Promise, Ash, I'll make it up to you next time." ani ko naman rito na ikinatango lang niya. I have a bad feeling about this. Hindi na ito nakakatuwa.

" Okay then, see you later kuya." walang ganang sagot ni Ashley sabay ng paglabas ng kwarto ko. Napabuntong hininga na lamang ako ng dahil doon.

----

Ashley's Point of View

Fantasy Burst Online
Floor 1
Starting City

"Is everyone here?" tanong ni Kuya Tristan habang ang mga kamay ay nasa bewang niya at tinitigan pa kaming isa-isa na tila ba naghehead-count pa.

"Yeah, except for Steven, that is." sagot naman dito ni Ate Christa na nakatayo sa gilid ko habang magkakrus ang mga braso at mayroong hindi maipintang ekspresyon sa mukha.

I sighed. Lahat na ata rito ay sumasama ang mood dahil sa kung ano anong pinaggagagawa ni Kuya Steven. Wala namang masama sa pagiging busy sa ibang mga bagay and I know we shouldn't be mad at him for wanting to do things on his own pero hindi lang naman namin maiwasang hindi mag alala sa kaniya, plus namimiss ko na rin ang Kuya Steven ko.

"Alright then. Let's go. May bago akong nakitang quest na pwede nating tapusin ng magkakasama." sabi pa nito bago napabuntong hininga. Siguro ay nagtatampo na rin siya kay Kuya Steven.

Fantasy Burst Online [ HIATUS ]Where stories live. Discover now