|| 13 || [Revised]

1.1K 36 2
                                    

Okay, to make things clear here, I removed the whole launching drama part between the main characters. Who knows? Might be planning something bigger.

- Vultures

----

Chapter 13: Purple

Steven's Point Of View

After the launching a few days ago, everything started to change. Lahat ng madaanan mo sa kalsada, sa mga malls, sa school, kahit saan iisa lang ang pinaguusapan; Fantasy Burst Online.

Everyone knows about the game, even the adults know about it. Ever since na ma-launch ang laro, marami na ang nabago, everyone is playing the game, at lahat ng madaanan mong game stores? Punuan, lahat handang magbayad ng kahit na magkano basta makakuha ng kopya ng laro.

Now that I think about it, nagpadala nga pala si dad ng premium game packages sa amin na naging beta testers ng laro. I haven't opened the box yet, at masyado kasing hectic ang schedule ko these past few days that if I were to play the game, baka mahirapan na akong makahabol sa karamihan.

I'm on my third period class today at antok na antok nanaman ko dulot ng pagpupuyat to finish my projects.

I yawned as I made my way to my seat nearest to the window at the back of the classroom. Nandoon na si Sabrina at abalang abala nanaman sa pagkakalikot ng kaniyang cellphone.

Nilapitan ko siya at maingat na tinapik ang balikat, catching her attention as she almost jumped out of sheer surprise.

"Ack, son of a---Steven!" Bulalas nito, Hindi makapaniwalang nakatitig saakin at halatang gustong gusto na ako nitong sapakin.

"Chill out! Tinapik lang naman kita ah" sabi ko rito sabay ng paghakbang palayo sa kaniya to make sure that I would be safe from her and her rather powerful punches.

"Wag ka kasing manggulat" bulong nito bago naupong muli sa puwesto niya at inayos ang makeshift stand ng phone niya sa desk. Sumilip naman ako ng bahagya sa likuran niya to check what she was doing, only to find her watching videos of people streaming stuff like their own point of views while playing FBO, events and such.

A smile could be seen on her face, lalo na ng lumabas ang isang lalaking may stylish na purple na buhok sa malalaking gates ng arena na siyang venue ata ng isang event.

Kumakaway pa ito sa mga players na nanonood sa game, may malapad at hambog na ngiting namumutawi sa kaniyang labi. The player made their way to the center of the field, as a sword materialises on his back, a two handed sword.

Mas lumapad pa ang ngiting suot suot ni Sabrina ng lumabas naman ang kalaban ng naturang player. It was a rather bulky man wearing barbarian clothes, yung tipong kagaya ng suot ng mga Romans, ganoon.

Iwinasiwas nito ang dala dalang malaking axe sa ere sabay ng paghiyaw ng pagkalakas-lakas na tila ba gusto niyang punitin ang invisible barrier na humahadlang sa kaniya upang tuluyan ng malapitan ang kalaban.

A couple of HP bars appeared on the space above the stadium, both sides bearing 1000 points with photos of both players and levels. In the middle of it is a timer which was currently at 00, waiting for the fight to begin.

Fantasy Burst Online [ HIATUS ]Where stories live. Discover now