|| 7 ||[Revised]

1.7K 45 3
                                    

Chapter Seven: Celebration

Steven's Point Of View

Agad na nalog out ako ng laro at muling nakabalik sa real world pagkatapos ng isang araw na napuno lang rin ng pakikipagbuno sa isang boss sa loob ng laro.

Napabuntong hininga ako habang unti unting bumabalik sa memorya ko ang mga nangyari, maging ang biglaang pagsulpot ng archer na lalaking iyon sa loob ng boss room.

Could it be na nauna ito saamin sa loob at naghihintay lang ng makakasama niyang lumaban? Hindi siguro, kasi sa itsura naman niya, it seems like he's more than capable of defeating the boss in his own.

Muli akong napabuntong hininga bago naisipang tumayo na sa aking higaan at gawin ang daily routine tuwing matatapos ang beta, ang pagrereport ng stats kay dad, at ang pagchecheck sa vitals naming mga testers isa isa.

Pagkatapos ng after tests today, lumabas na ako ng napakalawak na kwartong iyon only for testing the game at agad na dumiretso sa elevator pababa na ng building.

Bawat madaanang empleyado ng Ashton ay yumuyuko sakin at nagbibigay galang, I just gave them a small smile as I got myself inside the elevator. Nakakatuwa lang na kahit medyo nabad trip ako dahil sa lalaking archer na yon in game ay nagawa naman akong pangitiin ng mga tauhan ni dad. Hm! What a wonderful start of the day.

*Ding!*

Agad na nagbukas na muli ang pintuan ng elevator na nakakuhang agad ng atensyon ko as I was a bit busy checking my new chat messages from messenger galing sa mga classmates ko na naghahanap sakin, asking why I was absent for the past few days.

Ibinaba ko muna ang cellphone ko, at nilagay sa bulsa bago ako naglakad palabas ng elevator kung saan ang lobby ng Ashton sa ground floor ang siyang bumati sakin.

That was then the time na maalala ko si Christa, and the successful boss fight kanina. Napangiti na lang ako ng isang ideya ang gumuhit sa utak ko. I will celebrate this victory with her today! Then I'll get to know her more, at ng malaman ko din kung bakit parang I found myself really drawn to her kahit sa palagay ko ay ngayon lang talaga kami nagkita.

Lumabas ako ng building kung saan nakapark ang kotse ko na bigay sakin ni dad for transportation here and there, at bilang isang regalo na din from him as thanks for helping with the game's beta test. Alam kasi ni dad that I am fond of motorbikes and cars, kaya siguro ganon.

Naglakad ako patungo sa kotse ko at naisipang doon na lang hintayin ang orange haired na babaeng yon while replying to my classmates.

Classmate 1 : So Steve..ano na? Ilang araw ka na absent ah

Classmate 2: Yep, and its a bit bothering me as well...

Sabrina; Jeez, give him some space will you? Parang nawala lang ng ilang araw makapagdrama ah

I tried supressing a chuckle from my lips ng mabasa ang reply ni Sabrina, my bestfriend sa mga chats ng mga classmates ko sa groupchat namin.

Seriously, hindi talaga ako nabibigong pahangain ng babaeng to sa pagiging masungit sa iba at protective bestfriend sakin. Para na tuloy akong nagkaron ng older sister sa kaniya.

Maya maya lang ay muli akong napasulyap sa may labasan ng Ashton, checking for any signs of Christa at napangiti ng makitang palabas na siya dito, alone.

Fantasy Burst Online [ HIATUS ]Where stories live. Discover now