TWCIASA #53: I'm your...

Start from the beginning
                                    

"Zandra?" 

Umatras ako ng paabante siya sa akin. Nakatitig lang ako sa mukha niya.

"Who are you?" Nakakunot ko tanong. Hindi ko kilala ito pero kilal niya ako. Pamilyar ang itsura niya pero hindi ko alam kung saan. Nakita kong pumapatak ang mga luha sa mga mata niyang katulad ng sa akin. 

Walang lumalabas sa bibig ko. Siya ang may-ari ng lugar na ito. Ang pinag-aaralan ko ay kanya. Ang daming katanungan ang pumasok sa isip ko.

"Kamusta ka na Zandra?" Tanong niya. "I'm sorry. Na pinili namin na lumayo sa inyo para sa kaligtasan niyo. Sana maintindihan mo ko Zam. Malaki ka na." Nakangiting sabi niya.

Her voice is very familiar.

"What are you talking about? I don't even know you. Anong piniling lumayo? Sino ka ba?" Nakakunot ang noo ko. Yung ngiti niya ay biglang nawala.

"Alam kong galit kayo samin ng Daddy mo. Kasi iniwan namin kayo ng ilang taon. Ginawa lang namin yon para hindi kayo madamay sa gulo namin. Patawarin mo ko." 

"Mawalang galang na, hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi kita kilala." Nagulat pa siya ng bahagya at may magbabadyang luha sa mata niya. Nangunot ang nood niya at tumungin sa mga Agent na nasa loob. Nakanganga lang sila sa sinasabi ng babaeng ito at hindi makapagsalita.

"I-I-m your...Mom.." Nagsipagunahan na ang mga luha niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

No, No... No!

"My parents are died. What are you saying?!" Tumaas na ang boses ko dhil hindi talaga ako makapaniwala sa sinasabi niya.

"Listen, Zandra---"

"Don't call me that! How did you know me?! Pinaimbestigahan niyo ko ha?! Tago ang pagkatao ko! Hindi pwedeng may malaman kayo!"

Napakagat siya sa labi at marahang humagulgol.

"I know you, you're my daughter. Dalawa kayo." Napanganga ako.

"You're my Zandra Adira Maureen. My Zam. and Zane Inna Naureen. My Zin." Napaatras ako. How did she know my true name! My whole name! Biglang tumigil ang lahat lahat sa akin. 

 "W-What's your name?" Naiiyak na tanong ko. Pangalan lang ang alam ko pero hindi ko kilala ang mukha nila.

"I'm Zaraniah Grayson Yuin." Napatakip siya sa mukha niya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Omygod! You've grown! You're so beautiful, my daughter. I'm sorry. I'm sorry!" Naiiyak na sabi niya. Agad niya akong niyakap na napakahigpit. Nakatulala lang ako ng niyayakap niya ko.

She's my Mom...

She's not dead...

May nanay kami ni Zin...

"Bakit ako pa ang pinadala sa demonying University na yon?" Ayan agad ang pumasok sa isip ko. Siya ang may-ari ng Corin Agency. Siya ang mapakana ng paghihirap ko.

"Dahil alam kong kaya mo, kaya mong bawiin ang pinaghirapan ng Lolo at Lola mo." Sabi niya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Alam mo ba ang pinagdaanan ko? Hindi nga ko sigurado kung mabubuhay ba ako o hindi. Sariling mo anak ang pinain mo don?!" Napipiyok na sabi ko. Hindi ko matanggap na bakit ako!

"Ang school na pinasukan mo...






ay sa ATEN. Tayo ang may-ari ng paaralang ninakaw sa atin at gusto kong maibalik ang school na yon."

Para akong lumubog sa kinatatayuan ko ngayon. Sa amin? Pano nangyari yon? 

Yung nakita ko ba sa lumang library? 

Telmo University...

"Anong former name ng school na yon?" Masiguro kong tanong. 

"It's Telmo University owner ng Lolo at Lola mo na sa side ng Daddy mo na si Crisanto Telmo and Lilian Telmo." Nalubog ako sa kinatatayuan ko. So yung nabasa ko sa library ayon yun? Kami ang may-ari?

"Ilang years na namin pinaglalaban iyon ng Daddy mo sa mga kamay ng mga Livingston dahil ninakaw nila ito sa lakas ng panig nila. Papatayin nila kami at idadamay nila kayo kapag hindi kami tumigil na kunin iyon sa kanila. At lumayo kami sa inyo. Hindi maintindihan iyon ng Lola mo ang nasa isip niya na iniisip lang namin ang mga sarili namin. Nangako kami ng Daddy mo na babawiin namin iyon sa kamay nila. Kaso namatay ang Daddy mo. So, I built the Corin Agency."

"Namatay si Daddy?" Gulat kong sabi. 

"Oo. Binaril siya ng Tatay ng mga Livingston." Napipiyok na sabi niya. Napigil bigla ang hininga ko ng malaman iyon lahat. Bumugso ang galit ko na bumalik doon.

"Kalaban ng pamilya natin ang pamilyang iyon. At may naisip na akong plano. Kaya tama na. Magpahinga ka na lang. Hinding hindi ka na babalik sa lugar na iyon. Hinding hindi na, Zam." Napapikit na lang ako. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ang hindi na pagbalik sa lugar na iyon. Siguro ay kailangan ko na din siyang kalimutan. Kalimutan lahat. Ang mahalaga ngayon ay nakalaya na ako at wala ng panganib sa puso ko.

***

May nagbabasa pa ba? HAHAHA. 

DON'T FORGET TO FOLLOW, VOTE, AND COMMENT! THANKS A LOTTTT!

-J e y v i d i v i

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Where stories live. Discover now