But freaking damn, Rekta became my shelter for years. Sobrang nakakaipit din pala ang lahat ng nagawa ko kapag naiisip ko ngayon, may parte sa akin na nagsasabing selfish ako at ayaw pakawalan si Rekta noon at meron ding parte na nirespeto ko ang kagustuhan ni Em.

We really need to talk. I'll make it right.

Sana ay makatulong pa rin ako sa kanya na mahanap si Em, alam ko naman kung nasaan si Em pero hindi ko na sigurado kung sasabihin niya pa rin kung saan siya lilipat dahil sa nangyaring nakita niya si Rekta sa Greece ay malamang iniisip niyang sinabi ko kay Rekta na naroon siya.

Nakatulog ako ng umagang iyon at nagising ng alas sais dahil sa paggalaw ni Cali, ganoon rin. Isang oras lang ang naidlip ko. Pero kahit ganoon ay hindi ko naman naramdaman na kulang ang tulog ko.

Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Nabungaran ko agad ang mukha ni Cali, nakatagilid siya para matitigan ako. Ang kanyang kamay ay nakatukod sa sentido niya habang nakatingin sa akin.

Halos mangamatis ako sa pula dahil sa pagkahiya. Nagkatinginan kami ng ilang segundo at para na akong malulunod dahilan ng pag-iwas ko ng tingin.

He chuckled huskily.

"Someone called you."

Nanlaki ang mga mata ko at muling napaharap sa kanya.

"Sino?"

"I don't know, unknown number. Hindi ko nasagot dahil nawala rin." he declared.

Napasinghap ako. Kukuhanin ko na sana ang cellphone sa gilid pero hinila na ako ni Cali para yakaping muli. Napahagikgik ako sa kiliti ng kanyang paghinga sa aking leeg.

"I'm fucking in love..." he whispered on my neck, he planted sweet kisses.

Napanguso ako at napapangiwi dahil sa kiliting dala ng kanyang labi. We've kiss a lot, pero hindi pa rin nababago ang pakiramdam noon sa akin.

Nakakakiliti pa rin at nakakakuryente, my heart would beat faster everytime he kissed me. Masyadong kakaiba ang epekto ni Cali kumpara sa mga oras na iba ang humahalik sa akin.

Ramdam ko iyon, kapag iba ang humalik ay kabado ako at takot kay Cali. Naiisip ko na siya lang dapat ang gumagawa noon sa akin.

"Cali," I gently called, humawak ako sa kanyang buhok at marahang hinaplos iyon.

"Hmm?" he hummed.

Ang init ng kanyang paghinga sa leeg ko ay napakasarap sa pakiramdam, lalo na at malamig ang buong silid.

"Uuwi na ako."

Napahinto siya sa paghinga at paghalik sa leeg ko, umahon siya mula roon para matitigan ako. Kunot ang noo niya at nalilitong tumingin sa akin.

"Maaga pa." he drawled huskily.

"E, kailangan ko ng umuwi. Huwag mo na rin akong ihatid, pwede naman akong bumalik mamaya kung ayos lang?" I said shyly.

Iyon lang ang naisip kong sabihin para hindi siya mag alangan at mag-isip ng kung ano sa pag-alis ko.

Knowing Cali, he wants assurance. Kaya babalik na lang ako mamaya para ipagluto siya ng tanghalian, sa ngayon ay si Rekta ang kailangan kong kausapin muna.

Hindi ko magagawa iyon kung kasama si Cali sa apartment, baka mag isip na naman siya na nobyo ko si Rekta.

His lips pursed, he looked away and snaked his arms around my waist again. Pabagsak na humiga siyang muli at tumulala sa ceiling. Mukhang may iniisip.

Isla Verde #4: Too Far AwayWhere stories live. Discover now