"A-ano--Oy Charmaine Felice Caballero! Pinagsasasabi mo dyan? Walang gusto sa'kin yung lampang yun no!"

"Sus. Ewan ko kung denial ka ba o bulag o manhid."

Sasagot pa sana si Maggie kaso natigil kaming dalawa kasi biglang may nagsalita ulit.

"Charmaine..." Lumingon ako at nakita si Aaron na nakangiti sa di kalayuan. "Kanina pa kita hinahanap." Lumapit pa siya sa'min ni Maggie. "Nagyayaya yung mga kaibigan namin sa perya sa may Pulong Buhangin. Sama tayo?" Ewan ko kung bakit pero hindi ko gusto yung tunog nung 'tayo' ni Aaron. Kelan pa nagkaron ng 'kami' at para bang iisa na yung desisyon namin at kung nasan yun isa, dapat nandun rin yung isa?

"May perya na ulit sa Pulong Buhangin?" Nagtatakang tanong ni Maggie.

"Oo, malapit na yung pyesta doon eh." Tinignan ulit ako ni Aaron. "Tara, Cha?"

Wala naman akong gagawin sa bahay at sa totoo lang, mangungulit lang sa'kin yung kapatid kong si Kael, kaya okay lang sa'kin sana na sumama kina Aaron. Kaso kung mga kaibigan niya yung nagyayaya... nandoon rin si Zeke sigurado. At hindi pa ata ako ready na kausapin siya.

"Sorry, Aaron. Ikaw na lang. Uuwi na ko eh."

Mukhang nadisappoint si Aaron sa sinabi ko pero agad naman siyang ngumiti ulit. "Ganon ba? Hatid na kita."

"Di na. Sama ka na dun sa friends mo. Kaya ko namang umuwi mag-isa."

Tumawa si Aaron at di makapaniwalang tumingin sa'kin. "No way, Cha. Nililigawan na kita ngayon at bilang manliligaw mo, kailangan kong siguraduhin na makakauwi ka ng ligtas. Ihahatid kita sa inyo, no buts." Dinampot ni Aaron yung bigay niyang stuff toy sa'kin at kinawayan si Maggie.

"Uhh, sige Maggie, una na kami." Paalam ko kay Maggie. Kumunot yung noo niya at para bang tinatanong niya ko kung sigurado ba ko sa mga ginagawa ko kaya nginitian ko na lang siya.

"Sige, Cha. Bukas na lang."

Habang palabas kami ni Aaron sa school, ilang beses akong nabangga ng kung sinu-sino dahil na rin sa lutang talaga yung pag-iisip ko. Kaya naman hinawakan ni Aaron yung siko para maalalayan ako at maiiiwas kung may makakabangga ulit ako.

Naghintay ako. Konting kilig o konting spark dahil sa pag-aalaga ni Aaron sa'kin ngayon pero kahit konti, wala. Tinitigan ko yung mukha niya. Nakangiti siya ngayon at aaminin kong maganda yung ngiti ni Aaron pero hindi ko mapigilang hanapin yung paglitaw ng dimples sa mga ngiti niya, na wala naman. Hindi ako kinikilig sa ngiti ni Aaron dahil wala siyang dimples, di tulad nung kay Zeke.

Ugh, Zeke na naman!

"Cha, aalis pala ngayong weekend kaya baka di muna ako makapagparamdam sa'yo, sorry." Paalam ni Aaron habang naghihintay kami ng tricycle sa labas ng school. "Kahiya, kakasimula ko pa lang manligaw sa'yo tapos missing in action agad ako."

Mukhang guilty si Aaron sa sinasabi niya sa'kin. Gusto kong sabihin sa kanyang okay lang, wala naman talaga akong pakialam kung umalis siya, pero syempre di naman ako ganun kasama. 

Chasing Mr. Right [Complete]Where stories live. Discover now