Kabanata 8: The Dark Secret

Start from the beginning
                                    

"Hay! Fine! Sumama ka sa amin. Kainis, lagi ka na lang nakakalibre ah!"

Napayakap ako sa kanya with super thank you. Galing ko talagang mang-uto! Haha. Ang bad girl ko ata hehe. Pero gutom talaga ako. Lahat gagawin ng taong gutom. ^_^

------

Nica's POV

Nakita kong nagsilabasan sina Junie and company sa resto namin. Wala naman akong magawa kaya sumunod ako. Pumunta kami sa Petrius. Pumasok na rin ako at umupo sa may area na kita ko sila. Grabe lang ng mga sumunod na eksena! May mga palaka! Pero mas nagulat ako sa ginawa ni Junie. That was a first! I felt proud for my best friend. I think she's gradually changing. Mukhang binabago ng mystery guy ni Junie ang kanyang mga pananaw sa buhay. Sino kaya talaga ang lalaking yon? Nakaka-excite naman. I want to meet him and tell him my deepest gratitude sa transformation na ginawa niya kay Tseb. 

Natapos ang makabagbag-damdaming eksena. Lumabas si Junie, medyo napatulala ang mga members niya. Sinundan ko siya kaagad. Tinawag ko siya kaya napahinto siya sa paglakad.

"Tseb! Congrats! That wasn't your usual thing ah. That's new!"

"Tseb, did I do the wrong thing?"

"No Tseb. I think that's the best thing you've ever done since you created your club."

Medyo tear-eyed na si Junie. I hugged her. 

"Ako nang bahala kay Charlie. Ipapaintindi ko sa kanya yung ginawa mo."

"Thanks Tseb. I think I should go, baka masundan pa ako ni Charlie."

"Sige Tseb. Ingat ka ha!" Then I kissed her on her cheeks.

Ayun, umalis na si Junie. Nakita ko naman si Charlie na lumalabas ng Petrius. Tumingin muna siya sa paligid then he ran to the other side of the road. Sinundan ko siya. Ang loka, takbo nang takbo! Tapos pa-linga linga pa siya sa ibang sides kaya di niya napansin ang pader sa may harap niya. Boooogsh! Sakit ah! Pero hindi ako naawa sa kanya. Natawa pa ako.

"Haha! Teh, watch your steps. Ayan tuloy hahahaha!" 

"Heh! Bwiseeet, nang-asar pa. Kita mo ng nasaktan na ako, pinagtawanan mo pa ako," sabi niya na sobrang naiinis sa akin. Hawak-hawak niya ang mukha niyang medyo nasaktan sa pagsalpok niya sa pader. Buti naman galos lang, hindi naman nasira ang perfect niyang ilong. Kaasar na baklang to, mas maganda pa ang nose sa akin! Tss.

Napatitig ata ako ng matagal sa kanya. The next thing I knew was staring at his puppy eyes.

PUPPY EYES!

PUPPY EYES!

PUPPY EYES! MY WEAKNESS!

Automatic tuloy na nag-blush ang pisngi ko. Siyempre di ko nakita, naramdaman lang. Kasi naman eh. Ewan ko ba, pag nakikita ko ang mga lalaking tumitingin sa akin na may pagsusumamo, nadudurog ang puso ko. I felt my knees are melting down. Gas Abelgas naman oh!

"Hahaha! Musta naman ang pagbblush mo?" ang lokang ito, sabi na nga ba inaasar lang ako.

"Asar kaaaa! Hmpf! Sasabihin ko pa naman din kung nasaan si Junie," medyo disappointed kong pagkakasabi. Best actress in a pretending role! Haha. Joke. >.<

"Talaga? San nga ba nagpunta ang beloved president namin?"

"Ayoko nga! Inasar mo ako eh."

At ayun na naman ang ginawa niya. Hay. Sinabi na ngang mahina ako sa mga ganung tanawin. Haaaaaay buhay parang life! Pero in character pa rin ako sa pagiging best actress ko.

The Papabol Angel Who Won My Heart (COMPLETE!)Where stories live. Discover now