"Oo, Shell! Tanungin mo 'yon, sigurado akong isa iyan sa binatilyong nakakaalam ng lugar na iyon!"

Damn it!

"Sige, Ate. 'Yon lang ba ang itatanong ko? Huwag mong ibababa ang tawag, Ate. Lalapit lang ako para magtanong." nahihiyang sambit ko.

"I couldn't get it, why did we had to commute when we have service?" muli sa matigas na ingles, nilingon ko na agad iyon para matingnan.

Hindi naalis ang tingin sa akin noong lalaking nakatinginan ko, nadagdagan pa ngayon ang mga mata sa akin at apat na sila. Iyong iba ay abala sa kani-kanilang usapan.

Huminga ako ng malalim, lahat ng hiya sa aking katawan ay isinantabi ko bago lumapit sa kanilang gawi na ilang hakbang lang naman ay narating ko.

Nanlaki ang mga mata noong nakatingin sa akin, umayos sila sa pagkakatayo bigla at tumikhim para kunwaring wala sa akin ang kanilang paningin.

Busangot ang mukha ng isang lalaki na nakatingin sa kanyang cellphone, siya iyong nagsasalita sa matigas na ingles kanina pa kaya sa kanya ako dumirekta para magtanong.

"Dude." marahang dinunggo siya ng isang katabi habang nakatingin sa akin. "Did you fool some girl?"

Shit! Lahat naman pala inglesero!

"What!?" the boy with smug face, hissed.

I bit my lower lip when he lifted his face and met my gaze, his smug face slowly turned into a confused expression while looking at me. Tumaas ang kilay niya at sumulyap sa mga kasama.

Halos mangamatis ako sa pula dahil sa kanyang itsura sa malapitan. His air is screaming arrogance and angst even though he has cold eyes. Higit na matangkad siya at maikukumpara ko ang kanyang taas kay Cali. Ganoon din ang pangangatawan na mas bata lang ng konti kay Cali.

"Yes?" he asked hoarsely.

Mas lalo akong kinabahan dahil sa lalim at kapal ng kanyang boses. His friends gasped softly while eyeing me with curiosity. Lumunok ako at pinilit ngumiti, his thick perfect eyebrows furrowed.

"Magtatanong lang sana,"

The boy beside him immediately pushed him a bit to faced me, this guy looks playful. The smirk on his face is telling me not to play around. Kaya tumikhim ako at nagseryoso.

"What is that, Miss? You can freely ask and I'd answer it correctly and clear." he chuckled.

I was hesitant to talk to him, muli kong nilingon ang lalaking isa na nakatitig sa akin ngayon. Suminghap ang nasa harapan ko dahil sa pag-iwas ko sa kanya at muling nagbigay daan sa tinitingnan ko.

"Rekta, answer her." he frowned and pushed the arrogant looking boy named Rekta again.

Huminga ako ng malalim, I avoided his eyes. Tumingin ako sa kanyang dibdib na may nakasulat na pangalan na maliit sa kanang bahagi. Accidentally, I read his name, Reion Hontiveros.

"Uh, itatanong ko lang sana kung ano ang sasakyan patungong Celestina? Bago kasi ako at ngayon lang nakarating dito, I don't know the places..." mahina kong sambit.

"Oh! I know that!" sambit ng isang lalaking unang tumingin sa akin kanina.

Lumiwanag ang aking mukha at nilingon siya. Nakakahiya ang aking balat sa kanilang mga kutis mayaman.

"I know that..." Rekta mumbled coldly that I turned to him again. "Stop playing around, asses. She's new here,"

Nilingon niya ako pagkatapos magbigay ng warning look sa kanyang mga kaibigan, kumunot ang noo ko pero winala na rin para makinig sa kanya.

Isla Verde #4: Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon