Hindi naman ako bubuhayin ng mga napapanuod ko, kaya hindi ako nagka interes manuod lalo na ng mga tsismis tungkol sa ganyang mga tao.

Si Myla, hindi na nakakataka. Fan iyan ng mga modelo at mahilg manuod dahil wala namang ginagawa sa kanila, mag-isang anak siya kaya hindi rin pinupwersang tumulong.

"Sayang! Batang nagkaanak!"

Humalakhak si Dixie.

"Nadinig ko ang kwento noon sa pinsan ko," Aniya. "Naging nobyo niya pala noon ang star player din ng La Riva sa basketball! Kilala n'yo na 'yan, syempre! Sino bang hindi?"

Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi niya, kumunot agad ang noo ko.

Of course! Spiral Roscoe...

Hindi ko siya nakilala dahil sa pagiging star player ng basketball o MVP, kilala ko siya dahil naghahari ang kanilang pangalan dito sa Isla Verde. Mga Roscoe ay kilala dito kahit hindi pa man nakikita ang lahat sa kanila.

I haven't seen Spiral Roscoe yet, pero siya kasi ang putok na pangalan sa mga Roscoe na narito sa Isla Verde dahil nga nag-aaral sa publikong paaralan ng La Riva noon. Siya din ang nangangalaga ng kanilang hacienda dito sa La Santa.

Roscoe have their own name and power everywhere here in Isla Verde, what more sa ibang lugar pa?

"Spiral?" gulat na tanong nila. "Oh my gosh! Hindi nga? 'Di naman mayaman Asthreya, 'di ba? Paano?"

Ngumiwi si Dixie.

"Nakwento lang sakin, hindi ko alam kung totoo. Pero naging sila ni Spiral at alam ng lahat doon ang relasyon nila dahil mismong si Spiral ang lumalapit at nagpapansin sa kanya."

Nakinig din ako. Curious naman kami lahat. Napangisi ako dahil sa paghihintay nila sa bawat salita ni Dixie, nakatitig lang sila roon at tahimik.

"Naging sila, mukhang seryoso naman daw sa isa't isa dahil umabot ng ilang buwan. Not until when Asthreya went to Manila to study..." lumungkot si Dixie.

"Ha? Ano? Pabitin!" sigaw ni Nelly.

Kumunot ang noo ko, bumalot ang kaba sa akin sa 'di malamang dahilan. Hindi ko alam kung bakit apektado ako sa buhay ng Maynila at natatakot ako... anong nangyari?

"Ayun! Asthreya met Zoriel, doon sila nagkakilala habang sila pa ni Spiral Roscoe. She cheated on Spiral, hanggang sa pinagpalit na niya si Spiral para kay Zoriel. Alam mo 'yon? Ang sad ng ending?"

Nanlaki ang mga mata namin, nagsinghapan pa ang iba dahil sa nalaman.

I cannot believe it! What? She cheated? Bakit? Paano? Paano niya nagawa ang ganoon? Hindi ako makapaniwala na babae pa ang may kakayahang gumawa noon.

Ngumiwi at umiling si Dixie, nagpatuloy sa pagsasalita dahil sa aming reaksyon.

"Talagang disappointed ako kay Asthreya, hindi ko akalain na magagawa niya ang ganoong bagay kay Spiral Roscoe. Idol ko siya sa paglalaro dahil magaling, pero mas magaling palang maglaro sa lalaki."

Shit! Asthreya must be choking now! Kagulat-gulat talaga ang ginawa niya.

Hindi lang ako makapaniwala dahil parang masaya naman sila at umabot pa ng buwan, kung matapobre ang pamilya ni Spiral ay dapat hindi na sila umabot pa ng ilang buwan.

And news flash: She cheated! She! Siya! Si Asthreya pa ang gumawa ng ikakasira. Maiintindihan ko kung si Spiral dahil baka sa pamilya niya ang problema, ganoon.

Isla Verde #4: Too Far AwayWhere stories live. Discover now