"Hmm?" Tanong niya. Niyakap ko siya bigla. Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya.

"Ayoko matulog dito. Gusto ko sa tabi mo."

______________

Entice's POV

Yakap yakap ko ang unan ko sa paggising ko. Minulat ko ang mata ko. "AHHHHH!" Sigaw ko. Nagising bigla si Taehyung.

Hala, ginawa ko siyang unan. "Bakit? May sunog ba!?" Sigaw niya bigla. Kinabahan lang ako. Bakit kasi akap akap ko siya?

"Nakakainis ka! Sabi ko magharang ng unan sa gitna eh!" Sabi ko. Nagpout lang siya at nagtago sa ilalim nang unan. Nagsigh nalang ako.

Tumayo na ako pero pinigilan ako ni V. "Tulog pa tayo!" Wika niya.

"Hindi pwede. Maghahanda ako ng breakfast para kay Leo at Storm." Sagot ko naman.

Iniwanan ko siya magisa sa kwarto at bumaba. Naghanda ako nang makakain ng mga bata.

"Hello, Tita." Bati saakin ni Storm at binuksan ang ref para kunin ang gatas niya. Kahit maliit palang si Storm, matalino nayan.

Sinalinan niya nang gatas yung baso niya. "Upo na. Maghahain na si Tita." Sabi ko. Nakarinig ako ng tawa sa hagdanan.

Si Taehyung at Leo pala. Sabay sabay silang umupo sa harap nang lamesa. "Oh, kain na." Wika ko.

Nilapag ko na ang mga pagkain sa lamesa. "Mommy! Let's eat!" Sigaw ni Leo. Umiling lang ako.

"Aalis si Mommy eh, kaya maliligo na ako." Sagot ko. Kumunot ang noo ni V. "Bakit? Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Kela Miranda, nandun parin ang mga pulis eh." Wika ko. Kumunot naman ang noo ni Storm.

Napatigil siya sa pagkain. "Tita, ok lang po ba ang lahat?" Tanong niya. Nagkatingin kami ni Taehyung. I don't like this.

Baka maapektuhan ang mga bata. "Storm, everything is good. Just eat." Sabi ni V. Hindi nalang ako kumibo.

______________

Bumaba na ako at nagsuot nang sapatos. Lumapit saakin si V. "Entice, sasama ako." Wika niya.

"Sino ang magbabantay sa mga bata?" Tanong ko.

"Pupunta dito si Taeyeon Noona, kasama yung pamangkin ko."

Kinuha ko ang bag at car key ko. "Goodbye, Kids. I love you both." Sabi ko. Kumaway lang sila.

"Ako na muna ang magmamaneho. Magpahinga ka." Wika ni V. Hindi nalang ako kumibo. Tahimik akong sumakay sa kotse.

Nagulat nalang ako ng hinawakan ni Taehyung ang kamay ko.

"Malalagpasan rin natin to. Walang sukuan, Love." Sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Tumingin ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi.

I want him more, i just want to kiss him. Alam niyo yung feeling nayon?

Hindi yun Byuntae ah! Wag kayong ano! Biglang tinigil ni Taehyung ang kotse kaya napahawak ako sa dibdib ko.

"Sorry. Haha!" ani Taehyung. Kinabahan ako dun ah. Hinatak niya bigla ako.

Nagulat nalang ako nung hinalikan niya ko. "Aishwjbshs! Taehyun skagwizhwu." Wika ko.

Tinulak ko siya ng mahina. "Sorry, di ko na natiis." Sabi ni Taehyung.

"Okay lang, haha. Lika na nga, wag kang ano." Sabi ko habang pinipigilan ang tawa ko.

May naisip lang ako. ;)

Hindi yun yung iniisip niyo!

________________

Pumasok kami sa bahay ni Miranda. Nakita ko agad si Jasmine na kinakausap ang mga Police.

Umiiyak naman si Tita at Tito. "Jasmine." Tawag ko. Lumapit kaagad siya saamin.

"Guys, hindi siya body ni Miranda." Bungad niya saamin. Kumunot naman ang noo ni Taehyung. Huh?

Hindi yun katawan ni Miranda? "Ano?" Tanong ni Taehyung. Nalilito rin ako eh.

"She's not dead. Hindi bangkay ni Miranda yun."

Married to Kim Taehyung | Kim Taehyung X Readerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن