Hindi naman mawawalan ang mundo ng ganoon, lahat ng bagay ay may hadlang. Lahat ng bagay na hindi bagay ay hahadlangan, kaya ngayon ay wala akong ibang pangarap kundi ang makapagtapos muna ng pag-aaral.

I would give my grandparents a life they should have and I will be successful, gusto kong maabot ang pangarap na iyon hindi para sa sarili ko kundi para sa pamilya ko at kay Cali... hindi kami nababagay hangga't wala akong napapatunayan.

Bakit kaya kailangan, mayaman sa mayaman? Kung ganoon, kailangan ko munang yumaman para maging para sa kanya?

Si Cali ay tapos na sa pag-aaral kaya wala siyang ibang kailangan patunayan at hindi naman ganoon sila Nanay at Tatay para kailangan pa na may mapatunayan sa kanila bago maging bagay sa akin.

"Hoy! Ano na, babaita?" Myla elbowed me.

Papalabas kami ng Los Santa ngayon, kakatapos lang ng aming klase. Excited na akong lumabas para kay Cali pero hinila ako ni Myla agad sa isang puno bago lumabas ng Los Santa.

Kumunot ang noo ko.

"Bakit?"

She looked uneasy, pakiramdam ko ay meron siyang hindi sinasabi sa akin na ayaw niyang sabihin pero parang nagiguilty siya.

Kayang kaya kong basahin si Myla sa isang tingin lang, hindi kami matalik na magkaibigan kung hindi ko iyon alam at halata.

Umiling siya bigla at ngumiti. She slapped my cheek soflty and pinched.

"Blooming mo, e! Gwapo ni Cali, bagay kayo. Kaya ikaw, huwag kang makikinig sa mga naririnig mo, huh!"

Ngumuso ako. "Ano iyon, Myla? May iba ka pang dapat sabihin?"

Hindi kapani-paniwala ang biglaang pag-iiba niya ng mood, e. Pakiramdam ko meron pang iba o ako lang nakakaramdam noon?

"Naku! Wala! Iyon lang, gusto ko lang sabihin na maging masaya ka lang kay Cali at huwag mong papansinin ang kahit sino." she smiled.

Napangiti na din ako, umangkla siya sa braso ko at hinila na ako papalabas ng gate ng Los Santa. Gumala agad ang tingin ko kung saan madalas si Cali, sa isang waiting shed iyon sa gilid.

Nakita kong pinagkakaguluhan siya ng limang estudyanteng babae roon. Ang ibang nadadaan naman ay panay lang ang tingin sa kanya. Nakita ko ang tipid niyang pagtango sa mga iyon.

Even he's just wearing his simple clothes, he can make the girls drool around. Kahit natatamaan lang siya ng tingin ay paniguradong magbabalik iyon ng mata sa kanya.

"Gosh! Kita mo 'yan, Shell! 'Wag mong papakawalan 'yan." ani Myla habang nakasimangot sa mga iyon.

Kumunot ang noo ko.

"Hayaan mo lang sila, Myla. Hindi naman nila hinalikan si Cali." natatawang biro ko.

Agad naman akong natagpuan ng mga mata ni Cali, para bang alam niya ang saktong oras na lalabas ako. Ngumiti ako sa kanya, his lips curved. Nakiraan siya sa mga babae para lapitan na ako.

Sumunod ang tingin ng mga iyon sa kanya, nakita ko ang bulungan agad ng iilan roon pero hinila ako ni Myla para mawaglit ang tingin ko roon. Pinandilatan niya ako.

"Baliw sa'yo si Cali, huwag mong pansinin 'yang mga babaitang iyan. Mga inggit lang." she hissed.

"Wala naman akong sinabi, ah?" giit ko, natatawa. Apektado pa talaga siya sa mga iyon kesa sa akin, e.

Ngumuso ako sa kanya at huminga ng malalim.

"Hi, Myla." he greeted Myla beside me bago nagtuko ng tingin sa akin. "How's your day?"

Isla Verde #4: Too Far AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon