"Hindi ko alam, hindi ko naman naexperience." iling ko.

He closed his eyes tight and chuckled.

"You're so dense. Si Wayne, ano sa tingin mo ang ginagawa? Iyong pagpunta niya sa inyo tuwing umaga hanggang hapon, iyong mga pagyaya niya sayong kumain sa labas? Ano 'yon sa tingin mo, Shell?"

"It was a friendly gesture, Ran."

Siya ang best friend ni Wayne, palagi pa rin silang magkasama tuwing nakikita ko pero agad akong umiiwas para hindi makita ni Wayne. Miski siya ay umiiwas na, hindi na siya nagagawi sa amin tuwing umaga gaya ng dati.

He shook his head. "No, Shell. We'll never be best friends for nothing. Of course I know his every move. Alam ko ang mga galaw ni Wayne at hindi iyon sa pagkakaibigan."

Napangiwi agad ako. Ayaw kong pag usapan ang bagay na iyon dahil nahihiya ako sa maaring maramdaman ko. Ayaw kong ayawan si Wayne pero may iba akong gusto. I don't want to hurt a friend like him.

"Ran, hindi pwede." marahang iling ko. "Magkaibigan kami ni Wayne."

Bumuntong hininga siya.

"Alam ko naman 'yon, Shell. Well, wala na akong magagawa diyan." humalakhak siya. "Pwede ba kitang ihatid sa inyo mamaya? Gusto ko kasing maglakad,"

Napakunot agad ang noo ko. The playful curve on his lips never left while looking at me, ako na mismo ang umiwas at bumuntong hininga.

"Ayos lang naman, kasabay natin si Myla. Maglalakad kami at pupunta sa falls para maligo."

"Oh? That's great! Hatid ko na lang kayo roon, kayong dalawa lang ba o kasama ang mga iyan?" nginuso niya ang mga naglalaro.

Napailing ako habang natatawa. Mukhang babae talaga itong si Ran, kunwari pang maghahatid pero ang pakay talaga niya ay ang mga babae. Hindi ko alam kung nagkaroon na ba siya ng seryosong relasyon o...

My chest tightened remembering what Cali told me about his relationships that he didn't take seriously. Is he a playboy? Kung ganoon ay hindi talaga siya mag aalangan na ibasura lang ako kung hindi ako kakagat sa kanya.

Damn, sumisikip ang dibdib ko sa sariling naiisip. Ngayon naiisip ko na wala silang pinagkaiba ni Ran, pareho silang mapaglaro sa mga babae. Pinagkaiba lang ay mas obvious ang kay Ran at kay Cali naman ay pasimple.

Sabay-sabay kaming lumabas nila Myla kasama ang mga teammates niya sa volleyball, lahat sila ay napagpasyahang sumama sa amin sa falls para makaligo na rin dahil pawisan sila. Habang papalabas kami ay puro tawanan lang dahil sa pag-aasaran nila Dixie at Tina.

"Ayan kasama si Ran, oh! Naku! Gagana ang pagiging swimmer ni Tina niyan!"

"Hindi kamo dahil aarteng malulunod 'yan para mailigtas ni Ran!"

Nagtawanan sila. Napapailing si Ran sa aking tabi habang natatawa rin sa panunuya nila kay Tina. Panay ang irap ni Tina dahil sa pagkahiya, pulang-pula ang mukha.

"E, kaso, kaso! May dahilan talaga ang pagsama ni Ran at hindi iyon dahil kay Tina o sino sa atin. Dahil iyon ka pearly Shell!" kunwaring malungkot na sigaw ni Dixie.

Suminghap ako at kumamot sa ulo. Nakangisi si Ran sa kanila at nagtaas-baba ng kilay na parang nakikiisa sa tuksuhan.

"Hala! Totoo!" tilian nila dahil sa ginawa ni Ran.

"Uy, hindi! Gusto lang talagang maglakad ni Ran kaya siya sumama." giit ko agad para maagapan ang panunukso.

Sumasakay lang talaga sa trip itong si Ran kaya ganoon ang ginawa niya, hindi naman magkakagusto sa akin ang lalaking ito. Sa dami ba naman ng mapipili niyang nagkakandarapa sa kanya bakit sa tao pang wala namang gusto sa kanya?

Isla Verde #4: Too Far AwayWhere stories live. Discover now