Kabanata 52 Part 7: Day 3

Start bij het begin
                                    

Nabadtrip ata yung mga pusa dahil naudlot yung honeymoon nila.

Nilingon ko si Lei na mangiyak ngiyak na habang hawak hawak ang pisngi niyang nagdudugo dahil sa dalawang pusa. *Chuckle*

"HAYOP KANG BABAE KA!!!!"sigaw niya sa akin.

Di ko siya pinansin at lumakad na paalis. Hahahaha! Inang mukha 'yan! Muntae. hahahah!

Ang epal kasi. Tawang tawa masyado. Kasalanan 'to nung saksakan ng panget na Sisang 'yon eh. Kung hindi niya ko binato ng mabaho niyang sapatos edi sana di ako nawalan ng malay nun at sana di ako binangungot ng ganun! Bakit naman kasi sa dami ng pwede kong mapanaginipan eh ganun pang kahalayan? At ang nakakasuka pa eh kasama pa si Yoshio! Ang daming pwedeng humalay sa 'kin bakit siya pa?! Pwede naman si Riku, si Matt Evans, si Superman at si Gil Cuerva!!! Kahit sabay sabay pa silang apat papayag ako! Heaven yon! Pero bakit siya pa?! Feeling ko tuloy ang dumi dumi ko! *yakap sa sarili* Binaboy niya 'ko! *teary-eyed* Wala manlang akong nagawa para ipagtanggol ang sarili ko. Bakit, Ash? Bakit? Ang tanga tanga mo!

"Miro, ayos kalang?"

"AHH!"

*Slap!*

"Ahh!"reak niya matapos ko siyang sampalin.

"Ba-bakit?"tanong niya ng may pagtataka.

"Ha? So-sorry!"saad ko kay Riku. Dun lang ako natauhan. Nasampal ko pala si Riku sa sobrang gulat ko ng bigla siyang sumulpot sa harapan ko.
Bwiset naman kasi 'to! Bigla bigla nalang sumusulpot!

"May problema ba? Bakit ka umiiyak? Sino nanakit sa 'yo?"tanong niya. Kita ko ang pamumula ng pisngi niya dahil sa sampal ko.

"Wala."saad ko at agad kong pinunasan ang luha ko.

Hinawakan ako ni Riku sa balikat.
"Sabihin mo nga may umaway ba sa'yo? May nambastos?"maalalang tanong niya.
Dahil sa tanong niyang 'yon naalala ko ang kahayupang ginawa sakin ni Yoshio sa panaginip ko. Nanikip ang dibdib ko. Huhuhu! Kinuha na niya ang "aking bataan."tulalang saad ko. Para kong nawala sa sarili.

"Huh? Ang bataan? Anong bataan?"
Natauhan naman ako ng matanong 'yon ni Riku at ako'y napahawak sa aking bibig.
Shit! Nasabi ko ba 'yon? Fvck! Anong nalang ang iisipin niya? Na naisuko ko na ang kabibe ko? Ano nalang ang maggiging tingin niya sa'kin? <\3.

"Ano bang bataan, Miro?"kita ko ang pag aalala sa mukha niya.

*sniff* Ang bataan ko Riku. Kinuha na ni Yoshio.

"Wa-wala! Sabi ko gusto ko pumunta sa Bataan. Maganda daw kasi dun magbakasyon."sabi ko nalang at muling naglakad.

Sumunod naman siya sa'kin. "Kung gusto mo pagkatapos ng training mo punta tayo sa Bataan."

Pfft. Hindi niya kasi alam kung anong Bataan ang tinutukoy ko. Pag nasa tamang edad na'ko, Riku pwede ka ng pumunta sa Bataan. Jk.

"Bata pa 'ko, Riku."

*Gasp*
Nasampal ko agad ang bibig ko matapos kong mabanggit 'yon! Punyetang dila 'to! Dapat sa isip ko lang 'yon eh!
Natawa naman si Riku ng marinig 'yon sa'kin.
"Haha! Ano ba 'yang iniisip mo? Hindi ko yun gagawin sa 'yo. Mamamasyal lang ta'yo."

"Hi-hindi 'yon ang ibig kong sabihin! Masyado pa kasi akong bata para pumunta sa ganong kalayong lugar! Atsaka, bakit bako nagpapaliwanag sa'yo?!" sigaw ko sa kanya at mas binilisan ko na ang paglalakad para lagpasan siya.

"*Chuckle*"Riku.

Shit ka! Nakakahiya ka! Kasalanan 'to ni Yoshio! Kung hindi niya sana ginawa sa'kin yun sa panaginip hindi sana ko na paparanoid ng gan'to!

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Dec 09, 2017 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

TROUBLE HIGH - UNDER REVISIONWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu