Hidden Personality

5.8K 126 0
                                    

I'm Nikki Faye Numirez

Isang dakilang Nerd

Bookworm

Freak

Living Encyclopedia

Geek

Ano pa ba ang kulang?? Hmm?

Ahh baduy.

Yan lang naman ang pagkakakilala sakin ng mga taong nakapaligid sakin sa Destiny High.

Dami nilang endearment di ba? Mahal na mahal nila ako eh *insert sarcastic tone* as in sobra nila akong mahal. Yung tipong umaga pa lang hahanapin na nila ako. Miss nila ako ehh. Miss nila mga notebook ko para sa source ng assignment nila.

Yung tipong gabi na tatawagan pa ako. Nakakamiss daw kasi ako. Baka daw makalimutan kong ilagay ang pangalan nila sa project na ako lang naman ang nagpakahirap. Tapos sila papaalala lang name nila sakin tapos kinabukasan taas ng grade. Hiyang hiya naman kasi ako sa kanila sayang yung load na pinantawag nila.

Pero ayos lang naman sakin yun. Eto kasi ang normal life na mahal na mahal ko. Eto ako eh. Eto si Nikki Faye pag off cam.

Pero pag on cam na. Mawawala na si Nikki Faye. Magiging Miss Eef( pronuonce as letter f) screen name ko sa mundo ng showbiz.

Si Miss Eef

Sikat

Maganda

Pinakabatang Modelo ng Hamilton Group of Companies.

Tinitingala

Iniidolo

Lahat ng kabaligtaran ng normal na buhay ko.

Pero ang aking pagiging Miss Eef ay isang malaking Sikreto na tanging pamilya at malapit sa buhay ko lang ang nakakaalam.

Wala namang nakakahalata. Sino ba namang makakapagsabi na ang isang Nerd ay ang pinakasikat na modelo ng kanyang generation. Pinag aagawan ng mga talents at commercial.

Di ba wala!!

Pero syempre todo effort pa din ako nag co-contact lense ako ng color black para itago ang kulay brown na mata ni Miss Eef. Nakasuot ng napakalaking salamin na kulang na lang eh matakpan ang buong mukha. Laging nakaponytail at ni minsan wala pang nakakita na nakalugay ang buhok sa loob ng Des high.

Ito ang lihim ko. Ang aking HIDDEN PERSONALITY na iningatan pero nangangambang malaman ng lahat ng tao sa paligid ko dahil sa isang lalaking malakas ang trip. At sa kasamaang palad isang nerd pa na gaya ko ang napagtripan. Just great isn't.

ceikret..

**edited June 15, 2015

Ai wo


Hidden PersonalityWhere stories live. Discover now