Sa tulong ni Jake, Devin at ng pamilya niya mabilis nilang natapos ang pagluluto.
Nang dumating ang gabi ay nakahanda na ang lahat. Hinihintay na lang nila ang pagdating ng Kuya Vin at Kuya Joen nila. Pati sina Vienne, Brax at Theo ay inaasahan nila ang pagdating.
Sina Brax at Vienne ay hindi inaasahan na nakita nila sa loob ng mall habang namimili siya kasama sina Devin at Jake. Nagkayayaan na sabay-sabay silang kumain at doon ay napag-usapan nila ang mga bagay na nangyari sa mga nakaraang taon. Nakakatuwa ngang malaman na sa loob ng halos anim na taon ay nananatiling matatag ang samahan ng dalawa katulad ng samahan ng Kuya Joen at Kuya Vin niya. Si Theo naman ay inimbitahan ni Devin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin napapalagay ang estado ng puso ni Theo. Nanantili ito sa paghahanap ng tao mula sa nakaraan nito. Sa taong nakita na ngunit nawala ulit. Alam ni Hyde na darating ang panahon na makukuha na ni Theo ang inaasam ng puso nito.
Naunang dumating si Theo. As usual, halata sa mukha nito ang lungkot. Sunod na dumating sina Vienne at Brax na sweet na sweet. Nakaakbay si Brax kay Vienne, habang si Vienne naman ay halos makayakap na kay Brax. Napangiti na lang siya na nakita. Kaunting kamustahan ang naganap at naunang pumasok ang mga ito.
Hinihintay pa niya ang pagdating ng Kuya Vin at Kuya Joen niya.
Habang nakatanaw sa labas, nagulat siya nang lumapit sa kanya si Jake at yakapin siya.
"Anong nangyayari?" Nagtatakang-tanong niya
.
"Wala lang. Gusto lang kitang yakapin."
"Bakit?"
"Dahil may inggit akong nararamdaman."
"Inggit? Kanino?"
"Kina Brax at Vienne. Those two are so sweet kaya ako lumapit sa 'yo. Gusto ko rin silang inggitin sa relasyon natin."
"Relasyon? May relasyon ba tayo?" Nakakunot ang noo na tanong niya rito.
Kumalas sa pagkakayakap sa kanya si Jake. "Bakit wala pa ba tayong relasyon ulit?"
"Wala naman tayong napag-usapan, ah."
"Kailangan pa ba n--"
Hindi nito natapos ang sasabihin nang dumating ang Kuya Vin at Kuya Joen niya. Just like the usual, the two looks so sweet while holding each others hand. Sa tinginan ng dalawa, makikita ang sobrang pagmamahalan. Ang couple na nasa harap niya ang iniidolo niya mula pa noon. Hanggang ngayon ay nanatiling matatag ang samahan.
"Tigilan niyo ang PDA niyo," saway sa kanila ng Kuya Vin niya.
Pareho silang natahimik ni Jake.
"Gawin niyo 'yan sa loob. Masyado kayo."
"Hayaan mo na sila Vin ko, para namang hindi tayo ganyan n'ung mag-umpisa tayo."
"Hindi naman talaga. Iba tayo sa kanila, no."
Napapangiti na lang siya sa dalawa.
"Hayaan niyo na ang Kuya Vin niyo, Hyde. Alam niyo naman na minsan may pagka-KJ 'to. Continue what you two are doing."
Magsasalita pa sana ang Kuya Vin niya ng igiya ito ni Joen papasok. Naiwan sila ni Jake na napapangiti. Nawala ang ngiti ni Jake nang bumaling sa kanya.
"Back to our topic, Hyde. Ano ang sinasabi mo na wala tayong relasyon?"
"Wala naman talaga, hindi ba? Wala tayong napag-usapan tungkol doon."
Napasimangot si Jake samantalang siya ay lumuwang ang pagkakangiti. He loves seeing him like that. Kahit na kasi ganoon ang reaksyon ng mukha nito ay gwapo pa rin ito. He loves teasing him.
YOU ARE READING
String from the Heart Book Two
RomanceLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
Chapter Fifty (Finale)
Start from the beginning
