Chapter Ten

1K 42 14
                                        

CHAPTER TEN

THE brief touching of their lips gave Hyde tingling sensation. Ang lambot ng labi ni Jake ay damang-dama pa rin niya kahit na naghiwalay na ang kanilang labi at may kaunting distansya na sa pagitan nila ni Jake. Nang magdikit ang labi nila ay pareho pa silang natigilan at nagkagulatan. Agad silang lumayo sa isa't-isa kahit na tutol ang damdamin ni Hyde sa mga naganap. Gusto niyang maulit pa ang pagdikit ng labi nila at mas lumalim iyon ngunit alam naman niya na hindi iyon pwede. Kung pareho lang sila ng nararamdaman ni Jake baka siguro ay pwede pa.

"Pasensya na sa nangyari, Hyde." Nahihiyang sabi ni Jake pagkatapos ng mahabang katahimikan.

"O-okay lang," nauutal niyang tugon.

Habang kaharap niya si Jake ay hindi niya maiwasan ang mapatingin sa mapulang labi nito. And thinking that those lips will kiss him again made him feel hot. Alam niya rin na namumula ang mukha niya sa naiisip. Nang mapansin niya na seryosong nakatingin sa kanya si Jake ay agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Mukhang nagkakahiyaan pa tayo ngayon dahil sa nangyari," natatawang sabi nito. "'Wag na nating isipin pa iyon," dugtong pa nito.

"O-oo," nauutal niyang sabi. Hindi niya maiwasan ang masaktan sa huling sinabi nito. 'Wag na nating isipin pa iyon. Kung kay Jake ay madaling kalimutan iyon at huwag isipin iba sa kanya. Hindi niya basta-basta makakalimutan ang nangyari dahil sa likod ng isip niya ay matagal niyang hinangad ang ganitong pagkakataon kasama ang totoong tao na mahal niya.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Jake.

Bumaling siya rito. Pilit na binabalewala ang sakit na dulot ng sabi nito pati ang pakiramdam ng labi nito sa labi niya. "Kahit saan na lang. Gusto ko heavy breakfast."

"That's what I prefer also. Lets go and find a place where we can eat." Pagyaya nito.

Nang hawakan nito ang kamay niya at hilahin habang naglalakad sila ay ibayong kasiyahan ang nararamdaman niya. Bakit ba ganito ang aksyon na pinapakita ng lalaking ito? Hindi niya tuloy maiwasan ang maguluhan. Nangangarap siya na sana may katiting pa na pag-asa na magkagusto ulit ito sa kanya at maging sila.

HINDI maiwasan ni Jake na damhin ang kalambutan ng kamay ni Hyde habang hawak niya. Magkasabay silang naglalakad at naghahanap ng pwede nilang kainan sa labas ng resort. At habang ginagawa nila iyon ay patuloy pa rin na gumugulo sa isipan niya ang kalambutan ng labi nito sa labi niya. The mere and brief touching of their lips gave him so much feeling and he was yearning for that to happen again. Ang galing niya ngang magkunwari dahil naipapakita niya kay Hyde na wala lang sa kanya ang naganap. Kung alam lang nito na ang totoo ay sinadya niya na yumuko at idikit ang labi niya sa labi nito, ano kaya ang mararamdaman nito?

Alam niya na para-paraan lang siya pero hindi niya talaga mapigilan ang galawang breezy at pagni-ninja moves kay Hyde. Kung alam lang nito na kagabi pa niya gustong halikan ang labi nito. Na kung gaano siya kahayok na muling matikman ang mapulang labi nito. Sabi niya nga sa sarili siya rin ang dahilan kung bakit naghihirap siya ngayon. Pinapahirapan niya ang sarili sa pagkukunwari na ginawa.

Nauwi sila ni Hyde sa isang restaurant na nagse-serve ng Filipino cuisine. Nang makapasok sila sa loob ay agad na naghanap si Hyde ng mauupuan nila samantalang siya ay nagtungo muna sa comfort room para umihi. Pagkatapos niyang umihi ay agad siyang pumunta sa mesa na inuupuan ni Hyde. Sa parteng gilid iyong ng restaurant at hindi agad na mapapansin.

"Naghanap ka na ba ng kakainin mo?" Tanong niya ng makalapit siya.

"Hindi pa. Hinintay muna kita bago mag-order."

Napangiti siya sa sinabi nito. May lumapit sa kanila na waiter at inabutan sila ng menu. Agad din silang nakapili ng pagkain na gusto nila. Habang hinihintay ang pagkain ay walang pag-uusap na namagitan sa kanila. Pasimpleng tinitingnan ni Jake si Hyde. Parang gusto niyang picturan ang bawat ekspresyon ng mukha nito habang patingin-tingin sa loob ng restaurant. Hindi siya makapagpigil na hindi ito makuhaan ng picture kaya naman inilabas niya ang cellphone at nagkunwari na nagte-text. Nang makita ang pakay niya ay pasimple niyang itinutok iyon sa mukha ni Hyde at kinuhaan ito. Ilang shots din ang nakuha niya. Nang makuntento ay agad niyang ibinalik sa bulsa ang cellphone.

String from the Heart Book TwoUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum