AUTHOR'S NOTE
Lately ko lang na-realise na ang kwentong ito ay may tatlong bagay na kailangan ko i-stress. Maybe, if some readers still remember a scene sa unang libro parang dito masasagot kung kanino nga ba ang napulot ni Hyde na bracelet. Nabigyan ko iyon ng linaw at hustisya sa book 2 at sa chapter na ito.
Well, sabi ko I'm stressing things about the story. First, ang muling pagkikita na mukhang fated. Iyong ugnayan na hindi nawala pagkatapos ng maraming taon just like the red string. LOL. (Kung tama nga ako). Second, the bracelet thingy that can be consider as the 'string' and the third one will be revealed soon.
Hay naku! I'm spoiling things again but its up to you guys to think things about it. Heheehe
Sana maging masaya kayo sa pagbabasa ng chapter na ito. Comment if you want and vote for this chapter if you enjoyed it.
PS: I'm glad that after a month (maybe almost) my muse is back. Sana magtuloy-tuloy na.
PPS: Hope this chapter don't disappoint after the long waiting.
CHAPTER TWENTY-ONE
PAGKATAPOS KUMAIN si Hyde na rin ang naghugas ng pinagkainan nila. Si Jake naman ay nagtungo sa living room para manood ng palabas sa telebisyon. Ang kakambal naman niya ay nagtungo sa kwarto para ayusin ang damit nito.
Nang matapos siya sa ginagawa nagtungo siya sa living room. Naabutan niya si Jake na natutulog na. Nakatulugan na nito ang panonood sa telebisyon. Alam niya na sobra ang pagod nito sa biyahe nila kanina. Lumapit siya rito saka ito hinalikan sa noo. Kahit na tulog ang gwapo pa rin ng taong mahal niya. Tinitigan niya muna ang mukha nito bago siya pumunta sa kwarto. Diretso na siyang pumasok tutal hindi naman nakasara ang pintuan. Naabutan niya si Clyde na naglalagay ng damit sa bag nito.
"Tulungan na kita dyan," aniya.
"Hindi na. Kaya ko na 'to. " Tanggi nito. "Nasaan pala si Jake?"
"Tulog na sa sala. Pagod na pagod kasi 'yon. Siya lang ang mag-isang nag-drive pauwi dito."
Tumango-tango ito. Parang walang gana makipag-usap sa kanya.
"Clyde," tawag niya rito.
Itinigil nito ang ginagawa saka tumingin sa kanya. "Bakit?"
"Tungkol d'un sa sinabi mo kanina..."
"Ano naman ang tungkol doon?"
"I'm sorry," he said. "Alam ko na masyado na itong delay pero humihingi pa rin ako ng patawad sa 'yo pati kina mama, lola at Kuya Vin. Alam ko na sa mga nangyari sa akin sa nakalipas na taon nahirapan din kayo. Alam ko na inunawa niyo ako at hindi pinuna ang mga pagbabago ko. Sorry and at the same time I'm thankful for the understanding that you have given to me." Hindi maiwasan ni Hyde ang maiyak habang nagsasalita.
Tiningnan lang siya ni Clyde saka bumuntung-hininga. Lumapit ito sa kanya saka hinawakan siya sa balikat. "It's nothing, Hyde. Nauunawaan ka naman namin. Alam ko na hindi madali ang pinagdaanan mo lalo na n'ung lumabas ang video na 'yon. Pamilya mo kami kaya gagawin namin ang lahat para sa 'yo kahit na hindi ka magsalita. Hindi rin naman maiiwasan na maapektuhan kami sa mga naging pagbabago mo pero nangyari na ang nangyari. Now that I saw happiness in your eyes again, kampante na ako na muli kang biruin na hindi mo dadamdamin ang mga iyon. I'm glad that my twin brother is back. 'Wag ka ng babalik sa dating Hyde, ah."
YOU ARE READING
String from the Heart Book Two
RomanceLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
