Chapter Eleven

1K 40 8
                                        


CHAPTER ELEVEN


ILANG SEGUNDO na natigilan si Devin habang nakatingin kay Hyde na pareho niya ay natigilan din. Their gazes lock. Nakita niya ang pagdaan ng kung anong emosyon sa mukha nito na agad niyang binalewala. He break their gaze and look to Peter. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa na tila may nase-sense na kakaiba. Hindi naman na nagtataka si Devin na hindi nito kilala si Hyde dahil transferee ito sa university na pinapasukan nila. Wala na si Hyde nang dumating si Peter sa university. Lumipat na ito at hindi niya inalam kung saan man ito nag-aral dahil sinarado na niya ang sarili dito noon pa man.

He doesn't know if it is fate or only coincidental meeting, seeing Hyde again, and of course with Jake. Or maybe it was just really a sick joke seeing them again after almost six years. Nakakatawa, nakakaloko, nakakabanas at nakakayamot na sa muli nilang pagkikita ay muli rin mabubuhay ang sakit na nadarama niya pati ang galit. Hatred that serves as fuel for him to get revenge.

"Do you know each other?" Tanong ni Peter na nakatingin sa kanya.

Sa kanyang peripheral vision, nakita niya na magsasalita sana si Hyde. Inunahan na niya ito. "No. I don't know him. I was just a little dumbfounded because he looks familiar." He said then smiled widely.

Napatango-tango naman si Peter. Mula sa pagtingin sa kanya bumaling ito kay Hyde na tahimik. Nakatingin sa kanya at kitang-kita niya ang sakit sa mukha nito sa pagde-deny niya.

Inside his head he  was smiling triumphantly.

"Then let me introduce the two of you," ani Peter. Ipinakilala sila nito sa isa't-isa.

Inilahad niya ang kamay. Dumaan ang alinlangan sa mukha ni Hyde. Siguro nagdadalang-isip ito kung aabutin ba ang kamay niya o hindi. "Nice meeting you." He said fondly. But of course it was only an act.  He will never be fond seeing this guy infront him.

"Nice meeting you, too," Hyde said then reach for his hand.

Nang magdaop ang kanilang palad ay dama ni Devin ang mahinang panginginig ng kamay nito. Mahinang pisil ang ibinigay niya rito na hindi nito ginantihan. Maybe Hyde was really worried after seeing him again and knowing that he can't still got over his self in the past.

Nang matapos ang pagkakamay nila ay agad siyang nagpaalam kay Peter. Bumaling siyang muli kay Hyde na tahimik pa rin at nakatingin sa kanya.

"Nice meeting you again."

"I'm also glad meeting you, Devin."

Natigilan siya sa pagbanggit nito sa pangalan niya. Katulad pa rin ng dati ang tunog ng pangalan niya kapag mula sa bibig nito. It was sweet and still give him stirred feeling. Binalewala niya ang nararamdaman. Hindi niya dapat ibalik pa ang dati at dapat niyang itanim sa utak niya na manloloko si Hyde. Na hindi ito mapagkakatiwalaan. That his aim was to get revenge to him and to Jake.

NANG MAKAALIS si Devin at Peter sa kanyang harap ay tuluyan nang tumulo ang luha na kanina pa niya pinipigilan. Ang sakit sa pakiramdam na i-deny ka ng tao na nagkaroon ng magandang alaala mula sa nakaraan mo. Ang sikip sa dibdib na makita ang malamig na tingin ni Devin sa kanya.

Inaasahan na niya ang ganitong senaryo ngunit hindi pa rin maiwasan ang masaktan. Mas masakit kapag nasa actual kaysa ang nasa isip mo lang. Nagtuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa kanyang pisngi. Hinayaan niya ang sarili na umiyak.

Ang saya na niya kanina, eh. Having Jake with his side earlier gave him so much happiness. Ang moment nila sa dalampasigan habang tinitingnan ang paglabas ng araw. Ang simple nilang asaran sa loob ng restaurant habang kumakain. At ang kasiguraduhan na pagkatapos ng araw na ito ay muli silang magkikita at i-enjoy ang presensiya ng isa't-isa. But all that happiness faded away because of facing Devin again.

String from the Heart Book TwoWhere stories live. Discover now