AUTHORS NOTE
Hello! I'm back! LOL. Just as I promised, heto na naman ako dahil nakatapos ng isang chapter.
Heto na po ang chapter 40 part 2. Hope you enjoy the story!!
CHAPTER FORTY
HABANG YAKAP niya si Hyde ay nawala nang lubusan ang sakit na nararamdaman ni Jake. Habang ginagawa niya ang pagpapaliwanag dito ay nawala ang itim na usok na lumukob sa kanyang pagkatao. Naliwanagan siya. Ngayon lang niya na-realize na kaya si Hyde nagsinungaling sa kanya dahil na rin sa kapakanan niya. Alam na niya simula pa sa umpisa na isa sa goal ni Hyde kapag nakita sila nito ay ang humingi ng tawad sa mga kamalian na nagawa nito noon. Si Devin ang pinakanasaktan noon kaya gusto ni Hyde na makabawi rito. Masyado lamang siyang nabulagan dahil sa galit at selos. Ang pagiging inferior niya kay Devin ang sinimulan ng lahat. Nawalan siya ng tiwala rito dahil doon.
Pagkatapos ng pag-uusap at paliwanagan ay nandito sila ngayon. Magkayakap at ninanamnam ang init ng isa't-isa. Sapat na iyon para sa kanya para maging okay na ang lahat. Na maibalik ang pagkakaunawaan nilang dalawa. Tatanggapin niya ang kung anuman na magiging desisyon ni Hyde pagkatapos nito.
Nang kumalas ito at ngitian siya ay tila lumobo ang puso niya. He miss his smile. Ang ngiti na hinangad niya noon na sana siya ay makapagbigay. Ngayon na muling nangyayari ito ay hindi na niya talaga sasayangin ang mga sandali. He will give him love and cherish him with all of his might.
Hindi naman maiiwasan na masaktan nila ang isa't-isa but throughout the course of their relationship he will do his best to understand everything. Mas pag-iigihan niya ang pag-iisip ng mabuti bago lukubin ng negatibong pakiramdam ang pagkatao niya.
"Nagugutom ka ba, Jake? Gusto mo bang kumain?"
Tumango siya. "Simula kanina hindi pa ako kumakain."
Lumarawan ang pag-aalala sa mukha nito. "Ipaghahanda kita ng pagkain."
"I would love to. Pwede naman tayong mag-usap habang nagluluto ka ng pagkain, hindi ba?"
"Oo naman. Pwedeng-pwede. Na-miss ko ang makipag-kwentuhan sa 'yo."
Nakasunod ang tingin ni Jake habang nagluluto si Hyde. Hindi man nila napag-usapan kung ano ang mangyayari sa relasyon nila sapat na sa kanya ang isipin na maayos na silang dalawa.
Sa ngayon ang gusto niyang malaman ay kung sino ang mga batang nadatnan niya kaninang dumating siya.
"Hyde, pwede ba akong magtanong."
Sandaling tumingin ito sa kanya. "Ano 'yon?"
"Sino ang mga batang nakita ko kanina?"
Tumigil ito sa ginagawa saka tumingin sa kanya. "They are Chloe's son."
"Chloe?" Nagtatakang-tanong niya.
Kapag ang pangalan na Chloe ang nababanggit ang unang pumapasok sa isip niya ay ang Chloe na kilala nila noon. Ang Chloe na naging umpisa ng lamat nila ni Devin. Ang Chloe na siyang dahilan kung bakit nangyari sa kanila ni Hyde ang mga nangyari noon.
Nang tumango si Hyde na tila alam kung para saan ang tanong niya ay nagulat siya.
"What?! How come that she was here? Paano?"
"Its a long story, Jake. Maliban sa pagtawag ko sa 'yo para humingi ng tawad sa mga nagawa ko, siya pa ang dahilan. Gusto niyang magpaliwanag sa mga nangyari noon at kasama ka sa usapan na 'yon. Pero hindi ka naman sumasagot sa tawag ko."
YOU ARE READING
String from the Heart Book Two
RomanceLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
