Chapter Six

1.2K 56 10
                                        

AUTHOR'S NOTE

Pakiramdam ko habang sinusulat ko ang istoryang ito ay para lang akong nagsusulat ng ewan. At feeling ko ay filler lang ang chapter na ito. Parang waley nga, eh, pero kahit na ganoon ay kailangan ko pa ring i-push ang pagpo-post nito dahil isa rin na mahalaga, yata? Kaya pagpasensyahan n'yo na lang po.

Enjoy anyways!!

CHAPTER SIX

PINILING MANAHIMIK ni Hyde habang magkasama sila ni Jake. Pinagsasawa niya ang sarili na titigan ang mukha nito. Gusto niyang manatili sa kanyang isip ang hitsura nito na nakangiti habang nakatingin sa kanya. Ngiti na may bahid ng pagsuyo at pagmamahal na para sa kanya. Wala sa plano niya ang sumama rito. Sa katunayan bago siya rito sumama ay nag-argumento pa sila. Hindi siya dapat pang mapalapit dito ngunit iba naman ang sinisigaw ng puso niya.

Kinakabahan na lumayo siya rito nang lumapit ito sa kanya. "B-bakit?"

"Mahal na mahal kita, Hyde."

Natigilan siya. Para siyang napako sa kinatatayuan. Bakit ganoon? Bakit ba iba ang nararamdaman niya? Para siyang ewan. May malaking epekto sa kanyang pagkatao ang sinabi nito. Parang gusto niyang sumagot ng 'mahal din kita' ngunit hindi pwede dahil masasaktan niya si Devin. Ngunit malaki ang espasyo na dulot ng sinabi nito.

"Mahal kita, Hyde. Mahal na mahal." Anito saka siya kinabig at niyakap ng mahigpit...

Lumayo siya kay Jake nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki sa kanilang likuran. Tiningnan niya iyon. Only to be silence by the cold stare of the man, no other than, Devin. Makikita sa mukha nito ang hindi inaasahan na senaryo sa pagitan nila ni Jake.


"Ilang ulit mo ba akong sasaktan, Hyde? Ilan bang ulit." Tanong nito sa nahihirapang tinig. Kasunod ay ang pagtulo ng luha sa mata nito na kanina pa pinipigilan. Biglang sumalakay ang mga pinong kurot ng konsensiya sa kanyang dibdib. Palagi na lang siyang may nasasaktan. Tama si Devin, paulit-ulit niya itong nasasaktan. At si Jake naman ay ganundin. Siya ang magulo. Siya ang dahilan kaya ganito kagulo ang sitwasyon nilang tatlo.

"I'm sorry, Devin... Jake," aniya saka tumakbo palayo sa mga ito.

Ilang sandali ay nasilaw siya ng liwanag ng ilaw na nagmula sa paparating na sasakyan.

Nagising si Hyde mula sa kanyang pagtulog ng marinig ang malakas na katok sa pinto ng kanyang kwarto. Napaupo siya sa kanyang kama saka binalikan sa kanyang alaala ang panaginip. Naitatanong niya tuloy sa kanyang sarili kung sakaling walang istorbo sa pagtulog niya ay hanggang saan kaya hahantong ang panaginip na iyon?

Almost six years, pero patuloy pa rin talaga siyang ginugulo ng dalawang tao sa kanyang nakaraan, sa pagtulog man o paggising. Napapikit siya saka bumaling sa pinto. Patuloy pa rin ang pagkatok hindi tinatantanan ni Clyde. Tumayo siya mula sa kanyang higaan saka tinungo ang pintuan para pagbuksan si Clyde. Tumambad sa kanya ang nakasimangot na mukha ng kapatid.

"Ang tagal mo naman buksan ang pinto."

"Bakit ba katok ka ng katok? Ano ba ang problema?" Balik-tanong niya.

"May naghahanap sa 'yo."

"May naghahanap sa 'kin?" Maang na tanong niya.

"Oo. Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko? Parang hindi ka makapaniwala na may naghahanap sa 'yo." Aburidong sabi nito

"Sino ang naghahanap sa akin?"

"Ka-opisina mo raw. Puntahan mo na nga d'un sa sala. Ang aga-aga istorbo sa pagtulog." Reklamo nito.

"Bakit ba ang aga-aga ng init ng ulo mo?" Reklamo rin niya. "Ano bang nangyari sa 'yo?"

"Paanong hindi iinit ang ulo ko? Ang aga-aga may istorbo sa pagtulog ko. Alam mo naman na late na ako natulog kagabi," paliwanag nito.

String from the Heart Book TwoWhere stories live. Discover now