SOBRANG PAG-AALALA ang nadarama ni Hyde habang nakatingin kay Jake nang makipag-usap sa lalaking nagbukas ng gate at nang pumasok ito. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Jake at basta na lang pumasok sa gate.
Nang tuluyang sumara iyon ay agad siyang bumaba sa kotse at patakbong lumapit sa malaking gate. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Nag-aalala at natatakot siya. Nang makita niya ang lalaking kausap ni Jake kanina ay hindi niya maiwasan ang maghinala. Kahit na may kalayuan ang kinaroroonan niya kanina, alam niyang hindi mapagkakatiwalaan ang lalaki. May mga katanungan din sa isipan niya.
Paanong nandidito si Chloe? Sino ang lalaking nagbukas ng gate? Bakit iba ang pakiramdam niya sa mga nangyayari?
He calmed his self. Dapat siyang mag-isip ng tama sa pagkakataong ito. Hindi siya dapat magpadalus-dalos sa mga bagay na gagawin niya. Baka ikapahamak niya iyon lalo na at hindi man lang nagbigay ng assurance si Jake na okay ang sitwasyon.
Inilabas niya ang cellphone. Eksakto naman na tumunog iyon. Si Chloe ang caller.
"Hello, Hyde. Nasaan ka na?"
"Nandito na ako Chloe."
"Ganoon ba? Bakit hindi ka pa pumapasok? Gusto na kitang makita at makausap."
"Oo. Chloe. Pupunta ako. Papasok ako." Sagot na lang niya.
Is it weird for him to sense some urgency in Chloe's voice. Parang may hinahabol ito na kung ano.
"Hihintayin kita, Hyde."
"Yeah. I'll go." Sagot niya ngunit iba ang naiisip niyang gawin.
Noong una ayaw niyang tumawag ng pulis dahil sa kaligtasan nito. But what is happening right now made him think to call the cops. Iba talaga kasi ang pakiramdam niya. Parang may taong nasa likod ni Chloe at pinapasunod ito. A person putting Chloe on pressure. Ganito rin ang pakiramdam niya noong unang makausap niya ito.
Tatawagan na sana niya ang numero ng pulis nang may kung sino ang pumalo sa kanyang likuran. Napangiwi siya sa sakit. Napatingin siya sa gumawa niyon. Ngunit hindi na siya nakapalag pa nang takpan nito ang mukha niya ng panyo.
Hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari.
TANGING PAG-IYAK ang nagawa ni Chloe pagkatapos niyang makausap muli si Hyde. Iyon na lang ang magagaawa niya pagkatapos niyang ipagkanulo ang mga taong muling nagtiwala sa kanya.
Bago magtungo si Marty sa kinaroroonan niya alam na niya na nakuha na nito si Devin at ikinulong sa kung saan. Ngayon na bumalik ito agad nitong ibinalita sa kanya na nakuha na rin nito si Jake.
Habang nagkukwento nga ito ay tila demonyong sayang-saya sa nagawa ang hitsura nito. Punong-puno na ng galit ang puso niya ngunit wala naman siyang magawa para sa sarili at para kina Hyde.
Ano ang magagawa ng isang tulad niya na nakabilanggo? At anumang oras ay pwedeng mamatay sa kamay ni Marty. Isang kalabit lang nito ng baril baka hindi na siya abutin pa ng umaga. Ayaw niyang mangyari iyon. Marami pa siyang plano para sa sarili at sa mga anak.
"Umiyak ka lang, Chloe. That's the only thing you can do at your state. Your misery gives me joy. Dagdagan pa na magagawa ko na ang plano ko. Anytime, I can kill Hyde. Thanks to you!" Sabi nito saka tumawa.
"Ang sama! Ang sama-sama mo!" Sigaw niya. Napahagulgol na siya.
"Alam ko! Alam kong masama ako! But you can't change that fact, Chloe! You are under my mercy! Kahit kailan ko gustuhin pwede na kitang patayin!" Natigilan ito. Nang-uuyam na tingin ang ibinigay sa kanya. "Bakit hindi ko pa gawin iyon tutal naman nakuha na nina Bart at Javier si Hyde. Oo! Pwede na kitang patayin!"
Kinuha nito ang baril at itinutok sa kanya. Nanlaki ang mata niya dala ng takot. Napapikit siya. Narinig niya ang pagputok ng baril. Ngunit wala siyang naramdaman na tumama sa kanya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mata. Sinalubong siya ng nakangising mukha ni Marty.
"My goodness, Chloe! Seeing your reaction earlier was fun! I like the look on your face! Dapat ganoon palagi! Dapat palagi kang takot sa akin. Tandaan mo na..."
"Oo. Alam ko. Alam ko." Putol niya sa sasabihin nito. Mas lumakas ang paghagulgol niya. Sobrang takot ang nasa puso niya. Takot, kaba. Pinaghalong pakiramdam na sobrang nagpapahina sa kanya.
"Mabuti naman. See you later, Chloe. It was fun playing with you," anito bago lumabas.
MALAKI ANG NGITI sa labi ni Marty habang nakatingin sa lalaking karga ni Bart. Tulog na tulog ito. Kitang-kita niya ang kainosentehan sa mukhang iyon. But that innocence was the reason for him to spite him. Ang gwapong mukha nito ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang taong pinakatinatangi niya. Ang kabuuan ni Hyde ang dahilan kung bakit naghihirap siya.
"Saan namin siya dadalhin?" Tanong sa kanya ni Bart. Dahilan para mawala ang tingin niya sa mukha ni Hyde.
"Dalhin mo siya sa kinaroroonan ni Chloe. Itali mo ng mabuti at mamaya papahirapan ko siya."
Agad naman itong sumunod sa utos niya.
Sinundan niya ito ng tingin. Sobrang katuwaan ang nadarama niya sa mga nangyayari. Pabor iyon lahat sa plano niya.
Una kay Devin. Pangalawa kay Hyde. Ang susunod niyang hakbang ay tiyak na mas ikakatuwa niya.
Sa ngayon, para mas lalong sumaya siya pupuntahan niya ang taong magbibigay sa kanya ng kaligayahan. At iyon ay walang iba kundi si Devin na nasa isang kwarto ng bahay na kinaroroonan nila.
Nang makarating siya sa kwarto ni Devin. Agad niyang pinagmasdan ang natutulog nitong mukha. Hindi niya mapigilan ang sarili na haplusin ang makinis nitong pisngi. Mula sa pisngi nito, hinaplos niya rin ang ilong, ang talukap ng mata at ang mapupulang labi. Seeing and feeling him right now was enough for him to be happy. His happiness was going overboard.
Hinalikan niya ang labi nito. Kahit hindi man ito gumanti ayos lang sa kanya. Ang mahalaga ay nagawa na niya ang bagay na matagal na niyang inaasam.
Ninamnam niya ang paghalik dito. Dinama niya ang kalambutan ng labi nito sa labi niya. Maayos sana kung gaganti ito ngunit sapat na sa kanya ang ganitong pagkakataon. Pwede naman niyang ulitin iyon mamaya. Kahit na labag man sa kalooban nito at iuutos niya, okay na. Basta ba gumanti ito.
Hindi na siya makapaghintay na magising ito para magawa niya ang plano.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
String from the Heart Book Two
Любовные романыLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
