Chapter Twenty-Six

902 38 59
                                        

CHAPTER TWENTY-SIX

KINABUKASAN nagising si Hyde na tila wala sa sarili. Oo nga't nakatulog siya ng mahimbing kagabi ngunit ngayong gising na ang diwa niya ay hindi naman niya maiwasan ang mapaisip at mabagabag ulit. Hindi niya alam kung paano haharapin ang umaga sa isipin na lalayuan niya si Jake dahil sa kagusutuhan ni Devin para lang mapatawad siya.

Paano ba niya gagawin ang isang bagay na alam niyang ikakalungkot niya ng masyado at pwede niyang ikamatay? Bumangon siya sa kanyang higaan saka inilibot ang paningin sa loob ng kanyang kwarto. Panghuli niyang tiningnan ang bakanteng bahagi ng higaan kung saan natulog si Jake.

Napabuntung-hininga siya saka napatingin sa pintuan nang bumukas iyon. Pumasok ang nakatapis ng tuwalya na si Jake. Basa ang buhok nito at may ilang butil ng tubig ang pumatak sa hubad na katawan. Nang makita nitong gising na siya at nakatingin dito ay agad itong ngumiti saka siya nilapitan. Jake kiss him in his lips.

"Ang sarap ng tulog mo. Masyado ka bang napagod kagabi sa overtime work mo?"

Napakagat-labi siya sa tanong nito. Overtime. Hindi naman siya nag-overtime sa trabaho ngunit hindi niya itatama ang sinabi nito. Hindi niya kayang sabihin dito na kaya siya na-late umuwi kagabi dahil sa taong karibal nito. Hindi niya maiwasan na makonsensya ng maisip niya ang pangako nila sa isa't-isa. Ang pangako na hindi sila maglilihim sa isa't-isa.

"Uy, hindi ka na dyan sumagot," untag sa kanya ni Jake.

Napatingin siya rito. Nagsusuot na ito ng pantalon nito. "May naisip lang ako. At oo, masyado nga akong napagod sa overtime kagabi. Kumusta naman pala ang lakad mo?" Pag-iiba niya sa usapan nila.

"Well, it went fine. Nakuha na namin ang pwesto. Mabuti na lang at madaling kausap si Ricci."

"Ricci?" Gagad niya.

"Yeah, si Mr. Aguirre. Ricci ang pangalan niya. Ayaw niyang masyadong maging pormal so we both decided to call each other in our first name."

"Ah, ganoon ba." Nonchalant niyang sabi. "By the way, I read his message to you last night."

"What message?" Natitigilan na tanong nito.

"Just read it on your phone," walang pakialam niyang sabi kahit sa loob-loob niya ay sobra siyang nagseselos.

Sino ba naman ang hindi magseselos kung maririnig mo ang boyfriend mo na nagkukwento sa isang tao na parang hinahangaan nito. Nakakapagselos lang. Idagdag pa na isang araw lang na nagkausap at nagkasama ang mga ito parang close na close na agad sa isa't-isa.

"Its nice being beside with you and talking senseless and with sense things. I hope that we can do it again." Malakas nitong pagbasa sa mensahe.

Naasar na tumayo siya mula sa higaan saka padabog na naglakad patungo sa pintuan. Palabas na sana siya ng pigilan siya ni Jake,

"What's with the sudden change of your mood, Hyde?"

"Wala." Hindi nakatingin na sagot niya rito.

Hinawakan ni Jake ang baba niya saka siya pinaharap dito. Their gazes meet. He clearly saw mischief in his beautiful eyes. Tila natutuwa pa ito na nasa foul mood siya.

Napasimangot siya. "Tuwang-tuwa ka pa talaga na nasa foul mood ako, ah. Ang galing mo rin mam-badtrip." Asar niyang sabi.

Nagulat siya ng walang babala na hapitin siya nito palapit saka yakapin ng mahigpit. "Sino ba naman ang hindi matutuwa na ganito ang reaksyon ng minamahal mo? Na ganito ka dahil nagseselos ka."

"Talagang ikinakatuwa mo pa 'yon?"

"Of course," proud nitong sagot. "This only showed how much you love me, Hyde. I'm so much grateful knowing that. 'Wag kang mag-alala, ikaw lang ang nasa puso ko. No one can ever replace you in my heart. Itaga mo 'yan sa bato."

String from the Heart Book TwoWhere stories live. Discover now