MAHABA ANG naging biyahe pauwi nina Hyde at Devin. Pakiramdam ni Hyde ay iyon na ang pinakamahaba niyang biyahe. Hindi naman yata maiiwasan na ganoon ang maging pakiramdam niya lalo na at kung saan-saan tumatakbo ang isipan niya sa mga bagay na nangyayari sa kanya. He was worried going back. Hindi niya alam kung paano hahharapin at saan niya hahanapin si Jake.
Sa mga oras na ito tiyak niya na wala na ito sa bahay nila o mas tama yatang sabihin na hindi na ito bumalik pa pagkatapos ng mga nangyari.
Malalim siyang napahinga na agad napansin ni Devin.
"Call him again," anito.
"Ilang ulit ko na siyang tinatawagan pero hindi siya sumasagot," helpless na sagot niya.
"But it doesn't mean that you'll stop."
"I'm not stopping," aniya. "Hindi ko lang maiwasan ang mag-alala kay Jake, Devin. Sa galit niya sa akin, he can do impulsive things."
"I know that." Devin answered. Nasa tono ang katiyakan.
"You seem to know Jake very well."
"Well..." A long pause intervened.
Mula sa pagtingin sa harapan bumaling si Hyde dito. Kahit na naka-side view ito halata sa mukha nito ang pagdadalawang isip.
"May sasabihin ka ba na hindi dapat sabihin?" Tanong niya rito.
Devin heaved a sigh. "Yeah. But I should not tell it. I think I'm not in the position to do it."
"Hindi kita ma-gets." Sabi niya. Hindi niya rin maiwasan ang kabahan sa tono nito. "Just tell it to me, Devin. I think I need to know it."
"Okay. Its about me and Jake."
"Anong tungkol sa inyong dalawa?" Curious niyang tanong.
Huminga ulit ito ng malalim. May pagdadalawang-isip pa rin kung sasabihin ba sa kanya ang bagay na may kinalaman dito at kay Jake.
"Don't be shock, Hyde."
Tumango siya. "Sa ginagawa mo hindi ko maiwasan ang kabahan. Parang napaka-importante ng dapat mong sabihin."
"Talagang importante 'to. Its about my relationship with Jake. When he confronted us last day I heard that you have a promise to each other. And that was not to keep a secret. Pero sa tingin ko una pa lang nagtago ng lihim sa 'yo si Jake."
Hindi niya maiwasan ang mas kabahan sa tinatakbo ng sasabihin nito. "I'm getting more nervous. 'Wag ka ng paligoy-ligoy. Tell it to me straight to the point, Devin. What do you mean that from the start he keep a secret to me?"
"Okay." Sang-ayon nito. "I tell it now, straight to the point. Jake and I were not just bestfriends who turned enemies because of Chloe. We were not just rivals. We shared a deeper connection, Hyde. Jake is my half-brother."
Tila huminto sa pag-function ang utak niya sa sinabi nito. Hindi siya agad naka-react.
"Wh-what? Did I heard it right? Paanong half-brother mo si Jake? Paano? Saka bakit hindi sa akin sinabi ni Jake ang totoong ugnayan n'yo?"
Hindi maiwasan ni Hyde ang magdamdam kay Jake. From the start Jake already broke their promise. He kept a secret from him.
"I'll answer the first question while the last one, si Jake ang dapat sumagot n'un. Totoo ang narinig mo. Magkapatid kami ni Jake. We have the same father. Also, ang kinalakihan kong ina ay hindi ko totoong ina. Tita ko siya, Hyde."
Ngayon may paliwanag at sagot na sa napansin niya noon. Na may pagkakahawig ang daddy ni Jake kay Devin.
But why Jake keep that to him? Bakit hindi nito sinabi sa kanya ang totoo? Sa nalaman niya hindi niya maiwasan ang malungkot na may kasabay ng pagdamdam kay Jake. He accused him for breaking their promise but he was the one who did it first.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
String from the Heart Book Two
Любовные романыLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
