AUTHOR'S NOTE
If there's inconsistency with the story feel free to comment or message me. Promise, I won't bite and I'll treat is like an appreciation knowing that you are concern in the story.
Enjoy po!!
CHAPTER TWENTY-THREE
BAGO PA sumagot si Hyde, agad na niyang tinapos ang tawag. Base sa reaksyon ni Hyde alam niya na nagulat ito sa pagtawag niya. Alam niya anumang araw at oras ay pupunta ito sa opisina niya. Hindi naman iyon nakapagtataka lalo na at maririnig sa boses niya kanina ang sarkasmo at pagbabanta. He knew that Hyde can really understand things between the lines. Matalino itong tao. Malaki nga ang paniniwala niya na anumang oras ngayong araw ay tatawagan siya nito. Pasensya na lamang ito dahil hindi niya sasagutin ang tawag kahit na mapuspos pa ang daliri nito sa paulit-ulit na pag-type.
Ibinalik niya sa bulsa ng suot niyang slacks ang cellphone saka naglakad pabalik sa opisina nila. Mga ilang oras magsisimula na ang meeting nila. Nang makarating siya sa opisina niya agad niyang hinarap ang mga papeles na nandodoon. Agad siyang naging abala. Katulad ng madalas na nangyayari hindi niya namalayan ang oras. Hindi pa niya malalaman na oras na ng meeting kung hindi pa kumatok sa pintuan ang sekretarya ng ama ni Theo.
Naging smooth sailing naman ang naging usapan ng mga matataas na tao ng kompanya. Ang hindi lang inaasahan ni Devin ang desisyon ng karamihan sa mga ito na siya ang ipadala sa probinsya para asikasuhin ang mga dokumento at papeles ng pagpapatayo ng branch ng kompanya. Napailing-iling na lang siya nang makabalik sa opisina niya.
Nakakatawa na kung kailan siya dapat gagawa ng hakbang sa paganti kay Hyde at Jake saka naman sumabay ang mga ganitong bagay sa kompanya. Hindi naman niya pwedeng hindian iyon dahil doon nakasalalay ang promotion niya. Kung tatanggi siya baka maging dahilan pa iyon ng pagdadalawang isip ng board lalo na ng ama ni Theo na ibigay sa kanya ang posisyon na pinapangarap niya.
Maybe it can wait.
Maswerte talaga si Hyde. Iyon ang nasa isipan niya. Pinapanigan ito ng pagkakataon. Saglit siyang natigilan ng may naisip. Bakit pa niya patatagalin ang isang bagay kung maaari naman niyang gawin ng agaran. Instead of thinking that it can wait he can use his opportunity for Hyde to be on his side. He can turn tables with just one click.
Napangiti siya sa naisip.
NAKAUWI NA at nakapagbihis na si Hyde ngunit binabagabag pa rin siya ng naging usapan nila ni Devin sa cellphone kanina. Parang pirated CD na patuloy sa paulit-ulit na paglalaro sa isipan niya ang amg sinabi nito. Habang pauwi rin siya kanina ay ilang ulit din niyang tinawagan ang numero ni Devin ngunit ring nang ring lang iyon. Hindi nito sinsagot ang tawag niya. Nakaka-stress isipin na anumang oras pwedeng gumawa ng kung anong bagay si Devin na pwedeng ikasira niya at ng relasyon nila ni Jake.
Speaking of Jake, gustuhin man niyang komprontahin ito kapag dumating, alam niya na hindi naman niya magagawa. Kung gagawin kasi niya iyon baka pagmulan pa iyon ng hindi nila pagkakaintindihan. Kung magtatanong ito baka hindi rin niya masagot dahil wala naman siyang ideya kung saan at paano ba nakuha ni Devin ang cellphone number niya.
Napabuntung-hininga siya. Hindi niya tuloy maisip ang tanong sa kanya ni Clyde kung handa na ba siyang gumulo ulit ang buhay niya dahil sa dalawa. Parang gusto niyang sumagot na hindi pa. Dahil kung handa na siya hindi siya ngayon ka-stress kagaya nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin kahit na naiisip na niya na dapat niyang puntahan si Devin.
Napatingin siya sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok si Jake. Malawak ang pagkakangiti nito. May dala itong pagkain na galing sa sikat na fastfood chain. KIming ngiti ang ibinigay niya rito saka ito nailapitan. Mabilis na halik sa labi ang iginawad niya rito. Sana lang hindi makahalata si Jake sa pinagdadaanan niya ngayon.
VOCÊ ESTÁ LENDO
String from the Heart Book Two
RomanceLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
