Chapter Twenty-Eight

731 39 8
                                        

AUTHOR'S NOTE

New character is on the block! Woaah! Is that character is really new or not? LOL. Will find about her on the next chapter.

For now, enjoy this!

For Hyde-Devin team. I hope I'm giving you happiness with this so-called-moment. Moment nga bang maituturing kung ganoon ang pakikitungo ng isa sa isa?

Kayo na ang bahala humusga.

Again, READ, ENJOY, VOTE & COMMENT.



CHAPTER TWENTY-EIGHT

HABANG NAGMAMANEHO hindi maiwasan ni Devin na sulyap-sulyapan ang natutulog na si Hyde. Alam niyang hindi niya dapat iyon ginagawa dahil nadi-distract siya ngunit hindi naman niya maiwasan. Bakit kahit na galit siya rito ay may epekto pa rin ito sa kanya? Pilit man niyang i-deny ang mga bagay-bagay ngunit hindi naman maipagkakaila na kahit puno siya ng negatibong pakiramdam para rito ay may bahagi pa rin ng kanyang pagkataon ang sumisigaw na may puwang pa rin ito sa kanyang buhay.

Nang hindi makatiis sa pagalaw-galaw nitong ulo ay inihinto na niya ang kotse sa isang tabi. Dahan-dahan na nilapitan niya ito para isandal sa upuan ang ulo nito at para maging komportable ito. Habang ginagawa iyon hindi maiiwasan na mas matingnan niya ng malapitan ang mukha nito. Naglakbay ang kanyang tingin sa maamo nitong mukha at nbapahinto iyon a labi nitong nakaawang. Bago pa siya makagawa ng bagay na pagsisihan niya lumayo na siya rito at pinaandar ang kotse. Itinuon niya ang atensyon sa pagmamaneho para maiwasan ang paglipad ng isip sa taong natutulog sa kanyang tabi.

Kailangan niyang panatilihin ang pagiging matigas. Kung muli niyang palalambutin ang puso kay Hyde ay hindi mangyayari ang mga bagay na plinano niya. Kailangan niyang itanim sa isip niya na hindi sila nito magkaibigan at ito ang taong nagbigay sa kanya ng ibayong sakit. Kailangan niya ring itanim sa isip na kaya niya ito kasama ay para maiparamdam din dito ang sakit na idinulot nito sa kanya.

MARIIN NA TINAKPAN ni Marty ang kanyang tainga upang huwag marinig ang paulit-ulit na pagtunog ng cellphone niya na nasa loob ng kanyang kwarto. Kung pwede niya lang patayin iyon kanina pa niya ginawa ngunit hindi naman maaari dahil may hinihintay siyang tawag mula kay Devin na kasalukuyang nasa biyahe nito patungo sa probinsya. Bago kasi ito umalis ay nangako itong tatawag sa kanya para i-monitor siya sa mga ginagawa nito. Bagay na labis niyang ikinakatuwa dahil kahit papaano ay nakikita at nadarama niya ang pagpapahalaga nito sa kanya.

Isa lang ang problema niya. Kanina pa siya naririndi sa walang palya na pagtawag ni Gardo sa numero niya. Kahit hindi niya iyon sinasagot ay patuloy pa rin ito sa pagtawag. Talaga yatang hindi titigil hanggang hindi nito nasasabi sa kanya ang pakay nito. Pagkatapos ng mga nangyari ayaw na niyang kausapin ito. Alam niya na kaya na naman ito tumawag para magpakasawa sa katawan niya at pagbigyan niya ito sa trip nito sa sexual na paraan. Ayaw na niyang muli nitong babuyin ang katawan niya.

Nagtungo siya sa sala para buksan ang radyo na nandodoon. Pinatunog niya iyon ng pagkalakas-lakas para huwag marinig ang pag-ring ng cellphone niya. Papunta sana siya ng banyo nang marinig niya ang malakas na pagkatok sa main door ng kanyang bahay. Mas malakas pa ang pagkatok sa tunog na galing sa radyo. Tila may balak na sirain ng kumakatok ang pintuan. Galit na nagtungo muna siya doon. Binuksan niya ang pinto para lamang magulat sa taong napagbuksan niya. Walang iba kundi si Gardo.

Agad nawala ang gulat na napalitan ng takot nang buksan ni Gardo ng maluwang ang pintuan at sugurin siya. Isang malakas na suntok ang ibinigay nito sa kanya.

String from the Heart Book TwoWhere stories live. Discover now