Chapter Forty-Two (Part 1)

627 31 29
                                        


AUTHORS NOTE

It is my special day today! I'm celebrating my twenty-fifth existence in this world! LoL! Oh my God! 25 na pala ako pero ang isip ko pang-bata pa rin.  Hahhahhahha....  Nakakalerkey lang!

Well, anyways! I'm just sharing a personal information about me.  This is my day so I take this update as my birthday gift to all of you dear readers. Sabi ko sa sarili ko, dalawa sana na chapter ang update ko pero bigla akong tinamad kaya pasensya na muna.

So, enjoy guys!!

CHAPTER FORTY-TWO




PALUBOG NA ang araw nang dumating si Marty sa bahay ni Gardo. Hindi na siya tumawag o nag-text man lang sa lalaki para ipaalam na nasa tapat na siya ng bahay nito. Bakit pa niya iyon gagawin kung makakasira lamang iyon sa plano niya? Gusto niyang masorpresa ang mga ito sa kung anuman na ginagawa kapag nakita siya.

Nakahanda at nakatago rin ang baril niya sa loob ng bulsa ng suot niyang jacket. Sinigurado niyang safe iyon at hindi makikita ni Gardo. Mahirap ng mauwi sa wala ang mga plano niya kung mabubuking siya nito.

Papasok na sana siya ng makita niya ang pamilyar na babae na palapit sa bahay. Agad na sumiklab ang galit niya ng mamukhaan ito. Ngunit napalitan ang galit ng nangungutyang ngiti. Si Chloe naman sa kabilang banda ay bakas din ang gulat sa mukha kasunod ang takot.

Unti-unting umatras ito at tumakbo ng mabilis. Hindi siya nag-aksaya ng panahon na sundan ito. May oras din ang babae. Isa pa mabilis lang naman ang business niya sa bahay na ito. Pero hindi naman ibig sabihin niyon ay basta na lang niya hahayaan si Chloe na makatakas. Kailangan niya pa ring gumawa ng paraan para sa babaeng iyon. Ito ang dahilan kung bakit nalaman ni Devin ang itinatago niyang lihim.

Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at tinawagan ang taong kasama niya.

"Hello, Bart, kapag nakita mo ang babaeng pinakuha ko sa inyo noon. Harangin mo at patulugin. Ikaw na ang bahala sa kanya. Hindi pa ako natatapos sa gagawin ko rito."

Agad naman sumang-ayon si Bart. Si Bart ang isa sa mga inutusan niya noon na dukutin si Chloe kasama si Gardo. Ito rin ang kinuhaan niya ng baril na gagamitin niya para patayin si Gardo.

Nang masigurado niya na okay na ang tungkol kay Chloe, dahan-dahan siyang pumasok. Iniwasan niya ang makagawa ng ingay. Tila isang pusa na dumiretso siya sa kwarto. Nag-iisa lang iyon kaya hindi na siya mahihirapan. Nakabukas ang pintuan kaya naman mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang makamundong bagay na ginagawa ng dalawang lalaki sa ibabaw ng kama. The guy on the top of Gardo was the same guy who abused his body. Nakatingala ang lalaki at bigay na bigay sa pagtaas-baba sa naghuhumindig na pagkalalaki ni Gardo. Si Gardo naman ay nakapikit at nakabuka ang labi. Ninanamnam ang bawat galaw ni Ricci.

Mas lumapit siya sa mga ito. Hindi siya napansin ng mga ito. Bigay na bigay kasi sa ginagawa at tila walang makakapigil sa ginagawa.

Inilabas niya ang baril at itinutok sa mga ito. Ang unang pumutok ay tumama sa likuran ni Ricci. Ang mga sumunod ay hindi na niya alam kung saang parte ng katawan ng dalawa tumama. Binaril niya ang mga ito hanggang sa maubusan siya ng bala. Nagdilim ang paningin niya.

Nang makita na hindi na gumagalaw ang mga ito at puno ng dugo ang katawan at kinaroroonan, parang baliw na tumawa siya ng malakas.

Satisafaction. Iyon ang naghaharing pakiramdam sa kanya imbes na pagsisisi. Habang pinagmamasdan ang walang buhay na katawan ng mga ito ay masayang-masaya siya. Ang sumisigaw na salita sa utak niya: sa wakas nakaganti na rin siya at patay na ang mga ito.

String from the Heart Book TwoWhere stories live. Discover now