AUTHOR'S NOTE
Bilang writer-writer-an ng isang kwento, ang palaging tanong ko sa sarili ko ay kung nakapagbibigay ba ng feels ang istorya na ginagawa ko. Kung kahit ba sa simpleng paraan ay may something moving sa chapter at sapat na ba para sa isang mambabasa ang nabasa nila.
I must admit that every chapter I posted, there are flaws always. And in simple things that are happening, I'm easily distracted.
Kaya naman habang may chapter na kailangang i-update, ginagawa ko ang best ko para mapaganda at ma-update iyon dahil kung hindi baka mawalan na naman ako ng gana at lakas ng loob.
So guys, enjoy this chapter.
Please do. 😢😢😢😢
READ, ENJOY, VOTE & COMMENT
CHAPTER TWENTY-NINE
PATAMAD NA NAUPO si Hyde sa kama nang matapos pag-aayos ng mga damit ni Devin sa closet nito. Kanina pa siya nakakadama ng pagod ngunit pinipigilan niya ang sarili na ipakita iyon sa harapan ni Devin. Ayaw niya kasing may marinig na naman na kung anu-anong bagay mula sa bibig nito na makakasakit sa kalooban niya.
He sighed.
Pansamantala muna siyang magpapahinga bago ipagluto ng makakain si Devin. Wala siyang ideya kung ano ba ang pwedeng lutuin sa kusina at kung ano bang pagkain ang nasa loob ng refrigerator. Mukhang hindi naman siya mag-aalala dahil may caretaker naman yata na nagmo-monitor sa bahay lalo na ng stock sa kusina. At pwede rin na na-inform na in advance ni Devin iyon.
Tumayo na siya saka lumabas ng kwarto. Hindi niya naabutan si Devin sa sala. Binalewala na lamang niya iyon saka dumiretso ng kusina. Katulad sa living room organisado rin ang mga kagamitang pang-kusina na nandodoon. May nakita siyang microwave oven, water dispenser, bread toaster, electric stove at refrigerator na may kalakihan. Magandang tingnan ang dining table na kahoy na pang-waluhan na tao. Mukhang gawa sa matibay na kahoy iyon.
Tinungo niya ang refrigerator para makita kung ano ang pwedeng maluto doon. Napangiti siya nang makita na kompleto iyon mula sa dairy products katulad ng itlog, gatas at kung anu-ano pa. Meron din nakaimbak na mga inumin, mostly beers and energy drink. May ilang gulay din na nakaimbak. Sa taas naman, sa freezer ay may sapat na karne ng baboy at manok na pwedeng lutuin. Tama nga ang naisip niya na na-inform na ni Devin ang caretaker ng bahay. Mukhang kahit papaano ay pinaglaanan nito ng oras at pinaghandaan ang pagpunta doon.
Ang totoo nang sabihin kanina ni Devin na ito ang may-ari ng bahay, hindi niya maiwasan ang sarili na magtanong sa sarili kung ano pa ba ang mayroon si Devin. Mukhang asensado na kasi ito sa simpleng paraan nito. Malaki na nga talaga ang pinagbago nito mula sa pag-uugali hanggang sa antas ng kabuhayan pati sa estado ng pamumuhay. Masaya siya na naabot nito ang pangarap nito sa buhay.
Nagdesisyon si Hyde na magluto ng karne. May patatas siyang nakita na pwedeng ilagay sa putaheng naiisip niyang lutuin. Mukhang mahihirapan nga lang siya dahil sa matigas ang karne. Mukhang matatagalan pa bago matunaw ang yelo kaya naman nagbago ang isip niya. Sa halip na karne ang lutuin, itlog na lang ang pinuntirya niya. Mas okay na madali ang maluto kaysa paghintayin pa niya ng matagal si Devin.
Nang matapos siya sa pagluluto, inihanda na niya ang mesa. Sinigurado niya na presentable iyon bago iwan para tawagin si Devin. Nilibot niya ang bahay ngunit hindi niya nakita ang lalaki. Napabuntung-hininga na lang siya saka bumalik sa loob. Kahit na gusto niyang kumain hindi naman pwede dahil nangangamba siya sa pwedeng sabihin nito. Ayaw pa naman niyang marinig ang mga negatibong salita mula sa bibig nito. Tiniis na lang niya ang gutom.
KAMU SEDANG MEMBACA
String from the Heart Book Two
RomansaLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
