AUTHOR'S NOTE
Heto na naman ako! Hehehe.
Enjoy po, guys!!
CHAPTER NINE
MULA SA kanyang paglalakad palayo sa tinutuluyan na cottage ni Jake, hindi namalayan ni Devin na malayo na rin pala ang napuntahan niya. Sobra siyang nahulog sa malalim na pag-iisip at sumige lang sa paglalakad. Napahinga siya ng malalim at nagdesisyon na bumalik sa cottage room na inuokupa nilang dalawa ni Theo. Alam niya na wala ito doon dahil pareho silang lumabas kanina. Kung saan man ang kaibigan niyang iyon ay hindi niya alam.
Nagpapasalamat na rin si Devin na malayo-layo na rin ang napuntahan niya. Kahit papaano kasi ay medyo gumaan ang nararamdaman niya. Nakapag-isip-isip siya kahit paano. Naging konkreto rin ang kagustuhan niya na makaganti kay Hyde at Jake. Gusto niyang maranasan ng dalawa ang naranasan niya. Alam niya na hindi magandang bagay ang gagawin niya pero ang sakit na binigay sa kanya ng mga ito ay nagbibigay ng kagustuhan na bumawi. Gusto niyang ipadama kay Jake ang mapagtaksilan at gusto niyang masaktan si Hyde sa magiging reaksyon ni Jake kapag nakita nito ang isang senaryo na katulad ng nakita niya na ginagawa ng mga ito. He was becoming evil on the thought but being good can only put him to sadness and loneliness. He wanted to get even.
Kanina nang makita niya na nagyayakapan ang mga ito ay tumaas ang hinala niya na may namumuong relasyon na ang mga ito na mas lalo pang tumibay sa mga sinabi ni Jake kanina kahit na walang katiyakan iyon. Nakita niya kung paano kabahan si Jake kanina. Alam niya na iniisip nito na hadlang siya sa kung anuman na magandang bagay na namamagitan sa mga ito. Sisirain niya iyon.
Napukaw ang kanyang atensyon ng mga taong nagkukumpulan sa hindi kalayuan. Nagtungo siya sa mga iyon para makita kung anuman ang tinitingnan ng mga ito. Natigilan siya nang makita si Theo habang kaharap ang isang lalaki mula sa nakaraan nito.
"Please, naman! Kausapin mo ako! I suffered enough without you by my side. Alam ko na ang pagkakamali ko at hindi ko na uulitin iyon!" Sigaw ng kaibigan niya.
Dama niya kung gaano ito nagsisisi sa mga nagawa nito sa taong kaharap. Hindi niya tuloy maiwasan ang mag-isip. Katulad ba ni Theo ay ganundin ka-sorry si Hyde sa nagawa sa kanya? Nasaktan ba ito sa sa kamalian na ginawa sa kanya? Minahal ba talaga siya ng taong pinahalagahan niya noon? Kahit na anuman ang maging sagot sa mga katanungan niya ay mas masidhi ang hangarin niya na makaganti. Some will say past is past and people need to move on but not him. Hindi niya pala kayang basta na lang mag-move on pagkatapos ng mga pangyayaring nagbigay sa kanya ng sobrang sakit. Wala rin siyang pakialam kung half-brother niya ang masasaktan. Jake deserves it.
Nakisingit siya sa mga taong nagkukumpulan para makalapit kay Theo na patuloy sa pagsasalita kahit na hindi maintindihan. Ang lalaking kaharap nito ay patuloy rin sa pagtingin dito.
"Theo, let's go," pagyaya niya sa kaibigan.
Tiningnan siya nito. "Devin." Ngumiti ito ngunit makikita pa rin ang kalungkutan sa mukha. "I don't want to. Kailangan ko siyang kausapin."
"Let's go. Ayaw ka niyang kausapin kaya huwag mo nang saktan ang sarili mo."
"You know how long I've waited for this."
"Alam ko. But it doesn't mean that you will stoop down your level because of him."
"You need to understand, Devin. Mahalaga siya sa akin."
"Alam ko."
"Then understand me." Anito. May luhang tumulo sa pisngi nito.
Then understand me... Tila sirang plaka na naulit iyon sa isip niya, sa kanyang pandinig. Then understand me. Kung ganoon ba ang sasabihin ni Hyde sa kanya ay maiintindihan niya rin ito? Understand me. Paano niya maiintindihan ang isang pagtataksil? Para siyang nasa sapatos ng taong hinihingian ng patawad ni Theo. Hindi madaling magpatawad lalo na kung paulit-ulit ang pagkakamali. Hindi madaling makalimot ang pusong nasaktan. Mali man isipin ngunit ang paghihiganti sa puso ay umaalab.
YOU ARE READING
String from the Heart Book Two
RomanceLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
