AUTHORS NOTE
Ngayon pa lang , bago niyo ito basahin, pangungunahan ko na kayo. Don't expect something grand about this ending. Because for me, it was just a so-so. Hindi ito katulad ng ending ng Fated Encounter at ng Beat of my Heart. So far those two stories are the best ending I did. LOL.
Pero ang totoo, kaya ako nangunguna kasi ayokong ma-disappoint kayo. Mahirap na na hindi ko ma-meet ang expectation niyo. Feeling ko nga parang minadali ko na ang ending eh. Pero kahit ganoon, may kasapatan na rin, pagkatapos ba naman ng mga nangyari sa buhay ng tatlong bida, eh.
After this, ang sunod ko naman na project, as all you know ay ang kwento ng sawi at luhaan na si Devin. Actually, wala siya sa mga upcoming ko pero dahil sa attachment at pagmamahal na nabuo ko para sa kanya. I decided to write one for him, after all he was the part of the 'THE GRAVITY'.
Suppose to be, siya dapat ang nasa pwesto ni Jake. But things happened. Hindi ko akalain na ang third wheel sa kwento ang magiging bida. Kaya nagkaroon din ng book 2 ang SftH. Gumana ang second lead syndrome ko eh. Saka sobra rin akong napamahal kay Jake katulad kay Joen na supposed-to-be ay second lead lang din. Hahahha!
I'm just so happy that after a long journey of this story that reach almost a year and a half, natapos ko na rin siya!
Sana rin, magkaroon na sila ng katahimikan. Ay mali! They will never have pa pala kasi nasa istorya pa rin sila ni Devin. Malaki pa rin ang papel nila doon.
So here it is guy! Please do enjoy this finale chapter of the story.
Read, enjoy, comment and vote.
PS: I think it will take time before I update the new story. Nasanay kasi ako na nasa chapter 6 or so on muna siya bago ako mag-update. Para wala na ring hassle sa side ko.
PPS: Muli! Nagpapasalamat ako sa mga reader nito na hindi binitawan ang kwento. Sa mga nagtiyaga at nag-comment. Sa mga nag-share ng nararamdaman at sa mga nadala. I don't know what to say for the support that you guys given for this story. Sa story na hindi ko alam na magkakaroon ng Book 2. Hehehhe
Muli. READ. ENJOY. COMMENT and VOTE
CHAPTER FIFTY (FINALE)
ILANG ARAW din ang inilagi ni Hyde sa ospital bago siya makalabas. Sinigurado kasi nina Jake, Devin at ng pamilya niya na maayos na ang kalagayan niya. Pagkatapos ng araw ng paglabas niya, ang sumunod na araw ay ang paglibing kay Chloe. Ang araw na iyon ay puno ng pahihinagpis at kalungkutan. Nilukob siya ng dalawang emosyon na iyon habang tinitingnan ang mga anak ni Chloe na walang tigil sa pag-iyak. Sa pagbaba ng kabaong ni Chloe, muli niyang ipinangako rito na aalagaan niya ng maayos ang mga anak nito. Pagkatapos ng araw na iyon, mas pinili niyang maging matatag para sa mga bata. He showered them with love. Sa tulong nina Jake at Devin ay naging masaya ang buhay nila.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang makalabas siya ng ospital. Eksakto rin na araw ng kaarawan niya. It was his twenty-fourth birthday.
Mula sa pagtingin kina Aveen at Sethi na naglalaro, napabaling siya kay Jake na kanina pa nakatingin sa kanya. Nasa labas sila ng bahay, sa bakuran at naghahanda para sa party mamayang gabi. Inaayos nila ni Jake ang mesa na paglalagyan ng mga pagkain para mamaya.
YOU ARE READING
String from the Heart Book Two
RomanceLimang taon na ang nakakalipas ngunit nanatili sa nakaraan ang puso't isip ni Hyde. His mind was still from the unclosured past from the two men in his life. Ang puso niya ay puno pa rin ng pagkakonsensya sa nagawa niya kay Devin at sa sitwasyon ni...
