Chapter Five

1.3K 57 11
                                        

AUTHOR'S NOTE

Hello! I'm back! Update ulit para wala na ulit isipin pa.

BTW, baka magkalituhan na naman po tayo, ang chapter na ito ay balik sa multiple POV's. Halo-halo na naman sa isang chapter ang kanilang mga saloobin. Again, hard habit was hard to break. Just bear with this guys. Masanay na po kayo sa akin.

At ulit, kapag ALL CAPS at BOLD ang naunang salita ibig sabihin ay bagong POV.

Sana po ma-enjoy nyo to!!

PS: Baka matagalan ulit ako sa pag-a-update. Uumpisahan ko pa lang kasing tapusin ang nasimulan ko ng chapter 6 at kasunod pa. Salamat!! ☺☺

CHAPTER FIVE

NATIGIL SA pagbabaliktanaw si Devin nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya. Agad niyang sinagot ang tawag nang makita kung sino ang caller niya.

"Bakit po kayo napatawag?" Tanong niya sa taong nasa kabilang linya.

"Para kumustahin ka pati ang kapatid mo."

Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. "Okay lang po ako. Hindi ko alam na bumalik na pala si Jake dito sa bansa."

Narinig niya ang pagbuntung-hininga nito sa kabilang linya. "It was an impulsive decision. Hindi niya sinabi na aalis siya. We just found out it when your aunt went to his room to check him but he's not around."

"Ilang araw na po ba mula nang umalis siya dyan? Nakakasiguro po ba kayo na dito siya pumunta?"

"One week na mahigit. Yeah, we are sure. Wala naman ibang pupuntahan si Jake kundi pabalik dyan. I think until now he's into Hyde."

Natahimik siya. "Hayaan n'yo po kapag may balita ako sa kanya agad ko kayong tatawagan." Sabi niya maya-maya.

Sa sinabi niyang iyon ay tila nakahinga ito nang maluwang. "Thanks, Devin. Pasensya na rin kung dinagdagan ko pa ang mga alalahanin mo."

"Don't worry about me, Dad. I can take care of myself."

"I know that. Always take care, Devin."

"I always will."

Bago matapos ang tawag anu-ano pang bagay ang pinag-usapan nila. Inilapag niya sa mesa ang cellphone.

His father was the one who called. Simula ng malaman niya ang totoo ay naging constant na ang komunikasyon nilang dalawa. Hindi pumapalya ang araw na hindi ito tumatawag sa kanya para mangumusta. They also became close even they were far with each other. Sa simplebg pagtawag nito at pagtatanong ng kung anu-ano sa kanya ay damang-dama niya ang pagmamahal at pag-aaruga nito. In those simple things he felt very much important. Ganoon din ang pinapakita sa kanyang concern ng asawa nito.
When he learned the truth about him his relationship with his family became cold and distant. Bumalik din naman ang samahan nila ngunit hindi maiiwasan ang pagkailang sa parte ng mga ito. May pagkailang sa kilos at parang nananantiya ngunit ginarantiya niya sa Mama Digna at papa niya na hindi na siya galit sa paglilihim ng mga ito. Na lumipas na ang mga araw na nagtanim siya ng galit.

Noong mga panahon na malayo siya sa totoong ama at kinagisnan na magulang ay muli siyang namuhay kagaya ng nah-aaral siya. Mas pinili niya kasi ang lumayo sa mga ito. Pero hindi iyon nangangahulugan na wala na siyang natatanggap na sustento mula sa daddy niya. Ang lahat ng bagay na hindi niya nabili ng madalian ay galing lahat kay Joaquin Dela Cruz, all his need came from him. From financial support, education and other luxury in life. Ngunit hindi siya dumepende sa pera at bagay na kayang ibigay ng daddy niya. Ang perang pinapadala ng daddy niya sa kanyang bank account na ito rin ang nag-provide ay kaunti lang ang naging bawas.

String from the Heart Book TwoWhere stories live. Discover now