Chapter Two

1.3K 57 9
                                        

CHAPTER TWO


PAGKATAPOS NG tatlong araw na pananatili sa kanilang bahay bumalik na si Hyde sa inuupahan niyang apartment. Balik siya sa normal niyang buhay. Katulad ng dati na nag-iisa. Mahigit tatlong taon na rin siyang nangungupahan. Sa tatlong taon na pananatili ay wala siyang kapitbahay na masasabi niyang naging malapit sa kanya. Wala man lang siyang naging kaibigan, lahat ay kangitian lamang. Kilala siya sa mukha ngunit hindi sa pangalan. Sinadya niya iyon. Nang mangyari kasi ang pagkalat ng sex video niya kasama si Jake ay pinili niyang mapag-isa. He isolated his self from the crowd and especially with the eyes of the public who personally knows him. Hindi kasi nabura sa isipan niya na tuwing makikita siya ng mga ito ay pulos panlilibak at pangungutya ang maririnig niya. Sino nga ba naman ang matinong tao na magbi-video ng isang pribadong bagay sa pagitan ng dalawang tao na dapat ay sa loob ng kwarto lang? Siguro, wala, he wasn't  a narcissism to take video of his self while doing such things. Hanggang ngayon ay hindi niya alam kung sino ba ang nagpalabas at kumuha ng video na iyon. Hindi rin niya alam kung paano ba nangyari ang lahat. Basta nagising na lamang siya isang araw na pulos text message at missed calls ang natanggap mula sa mga kakilala na nagtatanong patungkol doon. Kailanman, noong mga panahon na iyon ay hindi siya nasanay sa ganoon. Umalis siya sa kanilang tahanan at nagdesisyon na manatili sa kanilang probinsya at doon nagtapos ng pag-aaral. Kahit na nangungulila siya sa kanyang pamilya ay tiniis niya huwag lang bumalik sa kanila. Nang mga panahon na lumipat siya ay wala siyang naging malapit na classmate. Napagkamalan pa nga siyang suplado dahil sa ganoon na ugali. Bagay na hindi niya binigyan ng pansin o itinama man lang. Kahit nga ngayon na nagtatrabaho siya ay may distansya rin siya sa mga ka-opisina. Hindi siya magbubukas ng personal na saloobin sa mga ito. Sinisigurado niya na kapag nakikipag-usap siya sa mga ito ay puro lamang sa trabaho.
Inilapag ni Hyde ang backpack niya sa sahig. Patamad siyang umupo sa mahabang sofa. Iginala niya ang paningin sa loob ng kanyang bahay. Wala masyadong makikita na gamit doon. Sa living room, tanging sofa set ang doon, isang center table na salamin ang patungan, 14 inches na TV, DVD player at wala nang iba pa. Sa kanyang kwarto naman isang pangdalawahan na mattress ang doon na nakalapag lang sa sahig. Mayroon din siyang may kalakihan na cabinet kung saan maayos na nakalagay ang mga damit niya. Pagdating naman sa kusina puro pang-isahan na pares ang mga gamit doon. Isang pares ng kutsara at tinidor, isang baso at cup at dalawang plato. Iyon lang ang mga gamit at wala nang iba pa. Wala naman siyang inaasahan na bisita at lalong hindi siya nagpapadalaw sa mga kakilala. Walang-wala talaga siyang aasahan dahil iyon ang pinili niyang buhay. Ang mag-isa.

Napatingin si Hyde sa pintuan nang marinig ang may kalakasan na katok doon. Nakakunot ang noo na tumayo siya sa kinauupuan saka tumungo roon para pagbuksan ang kung sinuman na kumakatok. Mas lalong napakunot ang noo niya nang mabuksan ang pintuan at tumambad sa kanya ang walang katao-tao na labas. Isinara niya ulit iyon. Baka ang mga nanti-trip at loko-lokong kabataan na kapitbahay niya ang mga iyon. Mga walang magawa sa buhay at iyon ang ginawa para may magawa. Ang bulabugin ang mga kapitbahay.

Bumalik siya sa pagkaka-upo sa sofa. Tinanggal niya ang suot na sapatos saka medyas nang marinig ang pagtunog ng cellphone niya. Kinuha niya iyon at binasa ang mensahe. Galing iyon sa mama niya, nagtatanong kung nakauwi na siya. Agad niyang sinagot iyon. Naging maganda naman ang pakikipag-usap niya sa mga ito isang araw bago siya umalis sa kanila. Nang marinig niya ang saloobin ng mama at Lola Fe niya ay hindi niya naiwasan ang makadama ng guiltiness. Tuwing nasa malayo pala siya ay sobrang pag-aalala ang nasa puso ng mga ito.  Pag-aalala sa kanyang pinagdadaanan at kung ano ang pwede niyang magawa sa sarili na dala ng kalungkutan. Ang sabi pa ng mga ito, wala man daw siyang suicidal tendencies pero baka malugmok naman siya nang tuluyan sa kalungkutan na baka mag-lead on sa pagkakasakit at hindi niya pagkain ng sapat. Inamin niya sa mga ito na umabot siya sa ganoon na lebel ngunit naisip niya na mas mag-aalala ang mga tao sa paligid niya. At hindi lang umiikot sa dalawang tao sa kanyang nakaraan ang buhay niya. Sa pagtatapos ng pakikipag-usap niya sa mga ito sinabi niya na tatawagan niya ang mga ito kapag may oras siya. Na pipilitin niya maging masaya at ilayo ang sarili sa kalungkutan na dala ng pag-iisip kina Jake at Devin. Dinugtungan pa ng nga ito na gawin niya raw ulit na makabuluhan ang buhay niya. Ngunit paano ba niya gagawin ang mga bagay kung ang kabuluhan niyon ay umiikot sa isang tao mula sa nakaraan niya?

String from the Heart Book TwoWhere stories live. Discover now