Chapter Nineteen

1.1K 44 7
                                        

Author's Note

This will be my last update for this story for now. Kaya po pasensya na muna kayo!

Anyways, dito sa chapter na ito na-reveal na ang taong nasa lasy POV ng SPECIAL CHAPTER ng book 1. Nandito na silang dalawa. Ang nag-utos at ang inutusan.

Enjoy this chapter guys!

See you po after a week or month.

Salamat!!

CHAPTER NINETEEN

ANG NATITIRANG araw nina Hyde at Jake sa probinsya ay naging masaya kahit na hindi sila masyadong nakapamasyal ng huli dahil sa pabago-bagong panahon. Hindi man nasulit ang naging pamamasyal sulit naman sa puso ni Hyde ang kasiyahan sa kung anong meron sa kanilang dalawa ni Jake. Mula nang magkaaminan sila hanggang sa huling araw hindi nagsawa si Jake na paluguran siya sa mga simpleng bagay na ginagawa nito. Damang-dama niya ang effort nito. Tuwing gabi naman walang nangyayari sa kanila bukod sa magkayakap at dinadama ang init ng isa't-isa.

Kasalukuyang naghahanda si Hyde ng pagkain na babaunin nila para sa kanilang biyahe pauwi ng lungsod. Habang abala siya sa kusina, abala naman si Jake sa pagtingin sa sasakyan nito.

Nang matapos siya sa paghahanda ng pagkain nagpasya si Hyde na puntahan sa bakuran si Jake. Nagtimpla muna siya ng apple juice at naglagay ng dalawang sandwich sa isang platito. Tiyak niya na gutom na si Jake dahil hindi ito nag-almusal kaninang umaga. Uminom lang ito ng kape. Nang matapos sa ginagawa inilagay niya iyon sa isang tray saka nagtungo na nga sa bakuran.

Naabutan niya ito na may kinakalikot na kung ano sa loob ng sasakyan. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito, tutok na tutok ang pansin sa ginagawa kaya naman hindi siya napansin ang pagdating niya at pinapanood ito.

"Jake," tawag niya rito.

Mula sa ginagawa tumingin ito sa kanya. Napalitan ng isang malawak na ngiti ang kaseryosohan ng mukha nito.

"Hyde," anito.

"Masyado kang busy, ah," puna niya sabay lapag ng tray sa upuang kahoy na nandodoon.

"Hindi naman masyado. I'm just checking some parts of it. Ayaw ko naman na mamaya tayo mamroblema habang nasa biyahe."

"Mahilig ka bang mag-ayos ng sasakyan?" Tanong niya.

Tumango ito. "Yeah. Actually, nag-aral ako ng automotive noon. Nagtrabaho rin ako sa talyer ng isang kaibigan habang nandito ako."

"Talaga? Bakit hindi ka magbukas ng sarili mong shop."

"Well that was a good idea. N'ung umuwi ako dito tanging nasa isipan ko 'yong hanapin ka. I'm not thinking of having a business. But now that everything has changed, why not having one. Basta ba tutulungan mo ako."

"Okay. Tutulungan kita. Pero mas okay siguro kung kina Rubius at Dominic ang tanungin mo sa ganyan. 'Di ba sabi mo may business ang dalawang 'yon." Aniya. "Matanong ko lang, saan ka pala nagi-stay sa Manila?"

"Sa hotel. Hindi pa naman kasi ako naghahanap ng permanenteng titrahan."

Sa sinabi nito agad may pumasok na ideya sa utak niya. "Kung wala ka pang permanenteng lugar na titirhan doon ka na lang sa apartment ko."

Gulat na tingin ang binigay nito sa kanya. Natigil din sa pagkuha ng sandwich na nasa upuan. "Payag ka?"

"Oo naman. Bakit gulat na gulat ka sa suggestion ko?"

String from the Heart Book TwoWhere stories live. Discover now