∆EPILOGUE∆

8.6K 247 17
                                    

Epilogue: After 9 years

Yvonne's POV  

SAFE ZONE

Nakangiti akong pinagmamasdan ang kalangitan. Napakaganda ng araw ngayon at napaka sariwa pa ng hangin.

Naputol yung tingin ko sa kalangitan nung may kumalabit sa braso ko. Nang pag tingin ko doon ay si Justin lang pala.

"Ang lalim ng iniisip mo huh. Ako ba yung nasa loob ng utak mo?" ngising tanong nya. Mahina akong natawa at mahinang pinalo yung braso nya.

"In your dreams" sabi ko at tumingin ulit sa kalangitan.

"Eh sino?" takang tanong nya.

"Wala. Masaya lang ako dahil nagiging maayos na ang lahat" nakangiti kong sabi habang nakatingin pa rin sa kalangitan. Mula sa pheriperal vision ay nakita kong ngumiti din sya.

"Tiwala lang. Magiging maayos din ang lahat" saad nya at niyakap ako ng mahigpit. Lalo akong napangiti at niyakap sya pabalik.

---

Habang nag lalakad kami ni Justin ay natanaw namin sila Patricia at Jai sa bakod ng bahay. Nag lalaro sila kasama si Mia, ang alagang aso namin. Habang sila Tyler naman ay tinuturuan na mag gitara si Nina.

Nung makita nila kami ay ngumiti sila ng matamis at kinawayan kami. Lumabas ng bakod si Patricia at nagmamadaling lumapit sa akin. Nang makalapit na sya sa akin ay niyakap nya ako.

"Saan ka ba nanggaling? Pinaalis ko pa tuloy si Justin para hanapin ka" sambit nya.

"Dyan-dyan lang ako sa tabi at nag papahangin" pag sagot ko. Tumango-tango naman sya.

"Oh sya-sya hinahanap ka na rin ni Mia" sabi nya at hinila ako papunta sa bakod ng bahay. Napangiti ako nung tumahol-tahol si Mia habang gumagalaw galaw pa yung buntot nya.

Lumuhod ako sa harapan nya at hinimas yung ulo nya.

"Good girl ka ba sa kanila?" tanong ko habang hinihimas yung ulo ni Mia.

"ARF! ARF!" natawa ako nang mahina nung tumahol sya. Parang sinasagot nya yung tanong ko.

"Colbie!" rinig kong sabi ni Nina. Bigla akong napatayo nung makita ko si Colbie na nakangiting nakatingin sa amin.

"Oh, bakit ka napadalaw dito, Colbie? Meron kabang sasabihin tungkol sa training namin?" takang tanong ko nung makalapit ako sakanya. Ganun din sila Nina na lumapit kay Colbie.

"No. Nandito ako para makapag paalam sa inyo" sambit nya. Kumunot yung noo ko at nag ka tinginan pa kami nila Patricia, Nina at nung mga boys. Muli kaming tumingin kay Colbie.

"Paalam? what do you mean by that?" tanong naman ni Patricia.

"Kailangan ko na kasing pumunta sa Amerika para asikasuhin yung dapat asikasuhin sa air base military sa U.S. Doon na kami gagawa ng panibagong formula ng vaccine" saad nya.

"Atsaka gusto ko na din munang mapalayo dito sa Pilipinas. Nalulungkot kasi ako kapag naalala sya" sabi nya na nakangiti. Pero yung binibigay nyang ngiti ay may kasamang lungkot.

Hangga't ngayon nalulungkot pa rin kami sa pagkawala ni Megan. Hinahanap ng mga sundalo yung katawan ni Megan sa gitna ng dagat kaso hindi na nakita. Siguro kinain na daw ng dagat kaya daw hindi na nakita pa. Tanging yung helicopter nalang ang nakita at hindi yung katawan nya.

Nagulat pa nga kami nung malaman namin na nagtangkang mag-suicide si Colbie sa loob ng kwarto nya. Siguro sobra syang na depress at hindi kinaya ang pagkamatay ni Megan at nung anak nya.

Mabuti na ngalang at naagapan yun ni Heneral Bartolome sa anak nya. Tinulungan din namin si Colbie na mag simula ulit sa umpisa na hindi na kasama si Megan.

Tungkol naman kay Eren ay hindi na nakita pa. Hinahanap sya ng mga tauhan ni Heneral Bartolome kaso hindi rin nakita tulad ng kay Megan.

Pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa paghahanap sa master mind. Hindi nga ako makapaniwala na ang mastermind ay ang tatay ni Eren. Pero hindi ibig sabihin nun ay magtatanim ako ng galit sakanya. Alam kong mabuting tao si Eren, hindi tulad ng tatay nyang demonyo.

Tungkol naman sa safe zone ay naging maayos na ang lahat. Bumalik na ulit ang maayos na lugar ng safe zone. Para ngang walang nangyari eh.

"We will miss you Colbie!!" naiiyak na sabi ni Patricia at niyakap sya. Napaiyak na din kami ni Nina at nakiyakap din sya. Narinig kong tumawa si Colbie at niyakap kami pabalik.

"Oh kayo mga boys hindi nyo pa ba ako yayakapin?" natatawang sabi ni Colbie sa tatlo. Napangiwi pa yung tatlo at nag nakiyakap na rin.

"GROUP HUG!!!" sabay pa naming sabi. Nakangiti akong pumikit habang nakayakap sa kanila.

Kung nasaan ka man ngayon Megan sana makita mo kung gaano kami nangungulila sa pag kawala mo. Pero pipilitin naming maging masaya kasi alam namin na makaka pagpahinga ka na kasama yung anak mo.

Sana samahan at bantayan mo kami na harapin ang susunod naming pagsubok dito sa mundo. Mahal na mahal ka namin Megan.....mahal na mahal.


Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now