Zombie 36

8.5K 273 11
                                    

Zombie 36: Missing you

Yvonne's POV

"Isang hot choco nalang" sabi ko sa waitress habang nakatingin ako ng diretso sa binabasa ko'ng libro.

"Pakihintay nalang po ma'am yung order nyo" magalang na sagot nung waitress at umalis.

Well, good thing na meron pa ring nag papatakbo ng ganitong business kahit nag karoon ng apocalypes. Pero nandito pa rin kami sa Ilocos region or tinatawag na nating safe zone ng Pilipinas. Simple pero maganda ang aura ng cake shop.

Binaba ko yung librong binabasa ko sa de-kahoy na lamesa at tumingin sa bintana kung san makikita ko yung mga taong masasayang nag lalakad. May mga nasa edad na at mga dalagita na may hawak ng kanya-kanyang bilao na may naka latag na prutas at gulay. Meron namang mga bata na nag lalaro sa tabing kalsada. Sa kabilang dakong lugar naman ay may ginagawang mga bahay para sa mga taong hindi pa nag kakaroon ng tirahan.

Naputol ako sa pag tingin sa labas ng may marinig akong matinis na boses.

"Iee!! nakikiliti ako, honey bunch! Stop na!~" saad ng magaling kong kapatid habang nakikipagharutan sa boyfriend nyang si Jai. Kaharap ko lang sila kaya tinignan rinig ko yung mga ka kornihang pag usapan nilang mag jowa.

One week na silang mag on at ang masasabi ko lang ay dinaigan pa nila yung mamahaling asukal sa buong mundo.

Napatingin naman ako kela Nina at Tyler na nag babangayan. Kahit nakakakuha na sila ng atensyon ay wala silang pake. Basta ang mahal Sakanila ay sino ang matatalo sa bangayan nila.

Kahit ganyan ang mga yan ay alam ko'ng may nararamdaman na yan sa isa't isa pero hindi nila magawang aminin sa isa't isa. Kaya dinaan na lang nila sa pag away bata nila.

"Can you show to me your room baby?" nawala yung ngiti ko ng may marinig ko yung boses nung mukhang posteng kasama ni Justin. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Isa pa to. Kung makapag landi sa isa't-isa ay akala mo sila lang yung tao dito.

"I'm busy later so maybe next time nalang baby"

"I'm busy later so maybe next time nalang baby. Bwisit!" asar ko'ng bulong. Grabe, nakakasuka sila. Gusto ko silang pag hahampasin ng makapal ko'ng libro.

Kinuha ko yung libro ko at tumayo. Bago pa ako bumuga ng nag babagang apoy ay mas magandang umalis na lang ako dito sa shop.

Bago ako lumagpas kela Justin ay pasimple ko'ng binangga yung mainit na kape at sakto yung tumapon sa kanilang dalawa.

"Shit! Shit!"

"Oh my ghad! ang init!!"

Napangisi ako ng marinig ko yung boses nilang halatang inis at gulat sa kanilang mga boses. Nakakuha sila ng atensyon ng mga tao kaya pinagbubulungan sila ngayon. Haha! buti nga sa inyo. Lande nyo kasi, girl.

Bago ako makalabas ng shop ay hinarangan ako ni Justin. Napatingin ako sa polo nya at nakita ko yung malaking mantsa nung kape. Palihim akong napangisi. Haysst. Kawawang polo.

"Where are you going?" naka kunot nyang tanong. Napataas yung kilay ko sa tanong nya. Pake nya ba? *taas kilay*

"Sa impyerno. Gusto mong sumama?" naka taas kilay kong sabi at nilagpasan sya.

Nang makalabas na ako ng shop ay tumingin ako sa kanan ko'ng gawi at nakita ko si Eren na naka tayo at nakasandal sa poste. Kahit naka talikod sya at may suot pa syang jacket at sumbrero ay alam ko'ng sya yun.

Alam ko yun dahil palagi syang pumupunta doon para lang pagmasdan yung malaking gate palabas ng safe zone. Kahit nasa malayo kang lugar ay tanaw na tanaw pa rin namin yung dambuhalang gate dahil kasing laki nito yung gusali hanggang 70 floor. Meron bang ganun?

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now