Zombie 15 part 2

9.7K 413 18
                                    

Zombie 15 part 2: Trust

Megan's POV

Kumunot yung noo ko habang nakatingin sa kanya. Anong ginagawa nya dito sa detention room?

Kumuyom yung kamao ko ng maalala ko yung ginawa nila sa akin. Tumayo ako at masama syang tinignan.

"What are you doing here? to play with me?" tanong ko habang matalim syang tinitingnan. Puyat ako ngayon at gusto ko'ng matulog kaya wag syang makisabay sa antok ko.

Ngumisi sya kaya napa taas yung kanang kilay ko.

"Ano bang ginagawa kapag pinapadala sa detention room?" nakataas nyang tanong. Kumunot yung noo ko. Pati rin sya pinadala dito? Ano naman yung ginawa nyang kalokohan at pinatapon din sya dito? Hindi kaya.......

Umiling ako. Imposibleng mangyari yun.

"Care to share to your thoughts?" naputol ako sa pag iisip ng mag tanong sya. Masama kong tinignan sya.

"It's none of your fvcking business, jerk" walang emosyon kong saad sa kanya. Uupo na sana ako ng mariin nyang hinawakan yung braso ko. What the?!

"Let go of me, you a*shole!!" sigaw ko habang nag pumiglas sa hawak nya. Pero mas lalo nyang hinigpitan yung pag hawak sa braso.

"Tsk~ tsk~ masama ang mag mura, babae. Dapat pinuputol na yung mga matutulis na dila, tulad ng sa'yo" ngising sabi nya at mas lalong nilapit yung katawan ko sa katawan nya. Naramdaman kong tumaas yung balahibo ko ng lumapit yung mukha nya sa leeg ko at inamoy-amoy iyon. Hindi ko magawang gumalaw dahil sa pag kabigla ng ginawa nya. Lumapit sya sa tenga ko at bumulong.

"B-bitawan mo a-ako" nauutal ko'ng sabi. S-shit, this is not me! this is not me!! Kahit kailan hindi ako nauutal ng dahil lang sa lalaki!

Narinig kong ngumisi sya. Nanlambot yung mga tuhod ko ng maramdaman ko yung isang kamay nya na pumulupot sa bewang ko.

"I will let you go if you tell me the truth, ugly girl" rinig ko'ng sabi nya at patuloy sa pag amoy ng leeg ko. Mariin akong napa lunok. Mukha syang t*nga sa ginagawa nya pero bakit ako ganito? Parang may kung anong kiliti akong nararamdaman sa dibdib ko.

"Anong sasabihing totoo?" tanong ko na naka tingin sa malayo. Masisiraan na ako ng ulo sa ginagawa nya. Seryoso nya akong tinignan.

"Sino ka ba talaga.....Megan Stainsfield?" seryoso nyang tanong. Kumunot yung noo ko at napatingin sa kanya. Don't tell me nahahalataan nya na nag papanggap lang ako? Shit, wag naman sana.

"S-sino ako? teka ano bang pake mo sa pag katao ko huh?" pinilit kong maging matapang kahit na deep inside ay kinakabahan na ako. Hindi pwedeng may makaalam kung sino talaga ako. Lalo akong kinabahan dahil nakita ko naman yung ngising naka paskil sa labi nya.

"Bakit hindi mo sabihin sa akin kung sino ka ba talaga? Why, are you hiding something?" naka ngisi nyang tanong.

Shit! this is enough! Ayokong mabuking na malaman nya na isa akong impostor. Mukhang good observer ang g*go, kaya nahalataan nya ako. Mahirap to.

"Wala kang karapatan kung ano yung pag ka tao ko, lalaki" inis ko'ng sabi sakanya. Wag nya akong galitin. Baka sya naman ang pasabugin ko tulad ng ginawa ko sa kotse nya. Atsaka bakit gusto nyang malaman ang pag katao ko?

Nagulat ako ng bigla nya ako binigyan ng halik. Nag bigay sya ng isang halik sa gilid ng labi ko. Tulala ako kaya hindi ko namamalayan na nakayakap na pala ako sa kanya.

He kiss me?

Habang tulala ako ay naramdaman kong sinusuklay nya yung buhok ko gamit yung mga daliri nya.

"Pwede mo ba akong pag katiwalaan, babae?" bulong nya habang patuloy sa pag haplos ng buhok ko. Pag katiwalaan? Anong pinagsasabi ng lalaking to?

Humiwalay ako ng pag kayakap sa kanya at tinignan sya ng malamig.

"At bakit naman kita pag kakatiwalaan? eh hindi nga kita kilala ng buo, tapos pag kakatiwalaan kita?" bagot kong saad sa kanya.

Bigla akong napa hiwalay kay Eren ng may marinig kaming sumabog sa labas. Nag mamadali akong lumapit sa bintana para sumilip.

"Fvck" mahina kong mura ng makita ko na yung labas ng eskwelahan. Inis ko'ng kinuha yung phone sa loob ng palda ko at dinail yung number ni Kuya.

Wala pang tatlong segundo ay agad nya yung sinagot.

"Nasaan ka?" seryoso ko'ng tanong.

[Nandito ako sa (ahh!!) labas ng (tulungan nyo ako!!) building, bunso" sobrang ingay sa kabilang linya, pero kahit papaano ay naiintindihan ko pa rin yung sinabi ni kuya.

"What?! bakit ka nandyan? masyadong delikado sa labas kuya. Pumasok ka nga!" nag alala kong sabi at napahilot sa sintido ko. Habang yung isa naman ay naka tingin sa bintana. Bakas yung gulat sa mukha nya pero hindi ko na iyon pinansin.

[I know! i know! nasa loob na ako ng mainbuilding. Puntahan kita dyan sa classroom mo?]

"No kuya. Mag kita nalang tayo sa girls locker room. Nandoon yung mga mahahalaga kong gamit. Mag ingat ka kuya." sabi ko at binaba na yung tawag.

Sa girls locker room ko kasi tinatago yung mga armas ko. Habang yung kay kuya naman ay nasa kotse pa. Kaya kailangan, mauna munang kunin ay yung akin.

Aalis na dapat sana ako ng hawakan nya yung isa ko'ng braso.

"Saan ka pupunta?" naka kunot nyang tanong. Nag buntong hininga ako at tinanggal yung pag kahawak nya sa braso ko.

"Find your friends. And help them to survive" malumanay ko'ng sambit. Lumapit ako sa pintuan pero bago ko pa pihitan yung seradura ay muli akong tumingin sa kanya.
























"Yes. Pinagkakatiwalaan kita"

* * *

Vote.Comment.Follow

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt