Zombie 18 part 2

9.9K 400 6
                                    


Continuation...

Living area

Yvonne's POV

Dalawang oras na ang nakakalipas pero wala pa rin kaming maisip na magandang paraan. Sari-saring komento at suggestions pero wa-epek pa rin.

Tinaas ni Bianca yung dalawang kamay nya na nag sasabihing tumahimik. Tumahimik naman silang lahat. Si Bianca ang student council kaya sa kanya kami umaasa.

"Mas magandang maging handa bago tayo lumabas. Una muna nating gawin ay mag hanap muna tayo ng mga gamit dito na pwede​ nating pang laban at pang protekta para sa sarili natin. Sasanayanin natin na gumamit ng mga patalim tulad ng kutsilyo o iba pang gamit para maging handang makipaglaban tayo sa mga zombies sa labas" paliwanag nya. Tumango-tango kami pagsang-ayon. Maganda yung naisip nya.

"Pero kapag lumabas tayo saan naman tayo pupunta?" tanong ng lalaki. Kumunot yung noo ko. Saan nga ba kami pupunta kapag lumabas kami?

"Sa Ilocos Region. Probinsya yun kaya malamang sa malamang ay ko-konti lang ang zombies doon. Atsaka nandoon yung vacation house ng pamilya ni Justin kaya doon tayo pupunta" naka ngiti nyang pag sagot. Nanlaki yung mga mata ko kasama na doon ang pag tili ng mga babae dahil narinig nila yung pangalan ng g*go.

What the?! doon pa mismo sa bahay ng lalaking yun?!

Ngumiti yung g*go kaya kinilig yung mga babae. Tsss..

"Wag kayong mag alala. Isang pribadong lugar yung vacation house namin kaya walang nakakapasok doon kaya magiging ligtas tayo kapag doon tayo pumunta" naka ngiti nyang saad. Agad namang tumango sila, lalo na yung mga babae na nag papa-kyut kay Justin.

Mga hayup. Nagawa pang mag paganda eh hindi naman magaganda. Mukhang mga tipaklong.

Natahimik kaming lahat ng may marinig kaming kumalabog sa main door. Napatayon sila Nina at Bianca at lumapit sila sa pintuan.

Nanginginig na napahawak si Patricia sa braso ko. Natatakot sya.

*KNOCK!*KNOCK!*KNOCK!*

Nakaramdam na ako ng kaba at takot dahil lalong lumalakas yung pag katok sa pintuan. Kulang nalang ay masira na ito.

"Z-zombies!"

"H-hala mamatay na tayo! huhuhu!"

"Sh*t! Sh*t! Sh*t!"

"Ayoko pang mamatay!! ayoko pang mamatay!!"

Sari-saring iyakan at sigawan sila. Nanginginig at namumutla na yung mga mukha nila dahil sa takot. Kesa ako ay natatakot na din.

Pumunta sila Justin at Tyler sa pintuan. Hinawakan ni Tyler yung seradura ng pintuan habang si Justin naman ay may hawak na malaking vase.

Sh*t! kinakabahan na ako.

* * *

Megan's POV

Habang tumatakbo kami sa gitna ng kalsada ay binabaril ko yung mga zombies na humahabol sa amin. Bumabaril ako sa likuran namin, habang si kuya naman ay sa harapan sya bumabaril.

*BANG*

*BANG*

*BANG*

*BANG*

*BANG*

"Bilisan mong tumakbo, bunso! hindi natin sila mauubos!!" sigaw ni kuya habang patuloy sa pag baril. Kinasa ko yung baril na hawak ko at akmang babaril na sana ng bigla akong hinala ni kuya pakaliwa. Nag buntong hininga ako at binaba yung baril. Wala talaga s'yang tiwala sa powers ko, pag dating sa ganitong sitwasyon.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن