Zombie 25

8.8K 318 26
                                    

Zombie 25: Get ready

Megan's POV

Nakaupo ako sa paanan ng kama habang seryosong nakatingin sa dalawang espadang hawak ko. Hindi ko alam kung kailan ko pa ito magagamit. Para bang may nag sasabi sa akin na huwag muna ngayon. Siguro sa tamang oras, sa tamang panahon ko pa ito magagamit.

Nag buntong hininga ako at nilagay iyon sa loob ng kahon. Sinilip ko yung wall clock.

3: 55 pm

Hapon na pala kaya kailangan na naming umalis. Panigurado, gagabihin na naman kami.

* * *

Pinaikot ko yung checkered scarf sa leeg ko. Nag lagay din ako ng sunglasses at lumabas na ng kwarto.

"Ang gorgeous mo naman Megan! kainggit ka" giliw na saad ni Patricia habang pinapanood akong bumaba ng hagdan. Hindi ako nag salita at tinanguan lang sya. Palagi nalang nya akong pinupuri kapag nakikita nya ako. Hindi naman halatang gandang ganda sya sa akin ano?

Hindi ko naman makita kung anong maganda sa akin. Naka pang army outfit lang ako ngayon. Pero naka sandong kulay berde yung pang-itaas ko. Yung pang baba ko naman ay naka soldier pants. Tapos nag lagay pa ako ng scarf at sunglasses. Gorgeous na ba yun?

"Ready na ba lahat?" tanong ni kuya habang nakatingin sa phone nya. Sumagot naman sila na ready na ang lahat habang ako naman ay nakatingin lang sa malayo. Nag lalaro sa isip ko yung tungkol sa panaginip ko kaninang umaga.

Nakakainis dahil hindi ko na maalala yung itsura nung taong yun. Ganun ba talaga yung panaginip nakakalimutan mo yung mga itsura nila? Pero kanina ay alam ko kung sino yun! Tsk! Sino nga ba yung nakita ko sa panaginip ko?

Argff! hindi ko talaga maalala! Pero feeling ko ay napaka mahalagang tao sa akin nun. Bigla akong naputol sa pag iisip ng mag salita ulit si kuya.

"Kayong mga lalaki, kunin nyo yung mga armas at ilagay sa likod ng kotse" utos ni kuya at nauna ng lumabas. Agad naman kinuha ng mga boys yung mga armas at lumabas na ng bahay.

"Megan bagay ba sa amin yung suot namin?" naka ngiting tanong ni Nina habang sila Yvonne at Patricia naman ay nakangiti sa akin at parang hinihintay yung sagot ko.

"Oo" casual kong sagot habang pinapasadahan sila ng tingin. Wala silang dalang damit kaya binigyan ko sila ng mga damit ko. Mabuti nga at kumasya sa kanila yung mga damit ko

"Ang cool natin!" angas na sambit ni Patricia at nag pose pa na habang hawak yung SCAR-H nya. Si Yvonne naman ay palaso at pana ang dala nya. Si Nina naman ay may dalawang palakol sa likod nya at maraming nakasabit sa dalawang binti nya na patalim.

Ako naman ay may dalawang ranger sa likod ko at may dalawang maliit na baril na nakasabit sa dalawang binti ko.

"Hoy! mag papaiiwan na kayo? sabihin nyo lang na iiwan na namin kayo para makaalis na kami" inis na sabi ni Justin. Pero agad syang napalunok nung tinignan namin sya ng masama.

"H-hahaha! s-sabi ko nga a-alis na ako. M-mag kwentuhan muna kayo. T-take your time" kinakabahan nyang sabi at kumaripas ng takbo.

* * *

Patricia's POV

Kotse

Tahimik lang ang byahe. Walang nag sasalita dahil lahat kami ay sobrang pagod sa mga oras ngayon. Paano ba naman nakipag habulan kami sa mga freak na zombies kanina! Huhuhuhuhu!

|Flashback|

"Putangina barilin mo!!" sigaw ni Justin kay Jai habang hinahampas nya yung baril nya sa zombie na pilit pumapasok sa katabing bintana nya.

"W-wait lang! Aish! naubosan na pala ako ng bala he-he-he" saad ni Jai habang kinakamot yung ulo nya. Nanlaki yung mga mata ni Justin pero agad napalitan ito ng pag kainis.

"Edi kumuha ka ng bala sa likod! Tanga!" inis na sabi ni Justin. Sila Nina at Yvonne naman ay tinatadyakan yung ulo ng zombie sa katabing bintana nila. Wala naman akong magawa dahil nasa gitna nila ako.

Napatili ako ng may tumalsik na dugo sa pisngi ng mukha ko. Ayun pala yung tinatadyakan nila Nina at ni Yvonne. Yuck! Eww ang gross ko na ngayon! huhuhuhuhu!

"Huhuhuhu! Megan, help us naman oh. We're hirap hirap na dito" naiiyak na sambit ko at nag mamakawaang tumingin sa kanya. Nasa gitna kami ng road at na trap kami sa mga freak na zombies! Kadirdir yung mga faces talaga nila!

"You can do it. Ayan na ang last training nyo. Good luck" matamlay nyang saad habang nakatingin sa bintana na kung saan makikita mo yung mga zombies na nagkakagulo at nag sisisiksikan.

Argh! Kainis talaga sila Megan at Colbie! Hindi nila kami tinutulungan. Relax na relax lang sila na para bang wala lang sakanila yung mga nangyayari ngayon. Parang balewala lang sa kanila na ma-trap kami sa mga zombies!

"Wahh!! ang pa-pangit nila!"! sigaw ni Jai.

"Ulol! mag kamukha lang kayo!" sigaw naman ni Justin sabay hampas ng malakas sa zombie. At ang kinalabasan ay tumalsik yung dugo sa aming mga mukha.

Yuck!!!!!

"Bakit mo ba hininto yung pag andar ng kotse Tyler?!" inis na tanong ni Justin habang hinahampas yung panibagong zombie.

"Na stuck tayo mga gago! Hindi ko magalaw yung kotse sa sobrang dami nila" frustrated na sagot ni Tyler na ikinagulat naming lahat.

"WHAT!!"

|End of Flashback|

After that horrible scene ay bagsak kaming lahat. Bagsak kay Megan. Haysst! ang hirap naman ng training na'to! Training pa ba ang tawag dito? Tsss. Ang labo talaga ni Megan.

Medyo malayo-layo na kami ng kaunti sa syudad kaya wala na kaming nakikitang freak na zombies. Thank goodness!

Pero nakakainis dahil malayo pa kami sa pupuntahan namin. Hello! Ilocos region po iyon! Halos dulo na yun ng Pilipinas. Tss.

Bumalik ako sa ulirat ng marinig ko'ng nag mura ng malakas si Justin.

"Fvck! Y-yung...." nakakunot yung noo ko habang hinihintay yung susunod nyang sasabihin. Pero wala na akong narinig mula sa bibig nya. Bakas yung gulat sa mukha nya habang nakatingin sa bintana. Nag taka naman ako at tumingin sa bintana ng kotse. At doon na nanlaki yung mga mata ko.

SH*T!!!

* * *

Vote.Comment you're reaction.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon