Zombie 35

7.6K 298 19
                                    


Zombie 35: Pleading Eyes

Megan's POV

"Ready ka na ba sa pag alis, bunso?" bago ako sumagot ay sinarado ko muna yung zipper ng bag ko na nag lalaman lang na puro mga baril. Bagot akong tumingin sa kanya. Pero sya ay nakangiti lang na nakatingin sa akin.

"I'm ready" matamlay ko'ng sabi. Tumaas yung kanang kilay ko ng humagikhik sya. Malapad yung ngiti nyang nakapaskil sa labi nya at tumabi sa akin.

"Thank you, bunso na hindi mo ako iiwan. Dito ka lang sa tabi ko huh?" nakangiti nyang tanong. Nagbuntong hininga ako at hinawakan yung isang kamay nya.

"I'm sorry talaga kuya. Hindi kasi ako nag iisip ng mabuti kaya nasaktan kita. Promise, i will not leave you" saad ko at tipid syang nginitian. I changed my decision. Hindi ako uuwi sa Amerika at mag iistay dito. Pero sa ngayon ay lilipat muna kami ng base ni kuya at ni tito.

Ngayon kami pupunta sa main base sa parteng Laguna. Nandoon lahat ng mga sundalo at mga mahahalagang armas na gagamitin namin sa pakikipaglaban. Doon din gaganapin yung meeting kasama ang prime minister at ng presidente ng Pilipinas.

Akala ko nga bukas pa ang alis namin pero sa motto nilang time is gold ay kailangan na naming pumunta doon para sa gaganaping meeting with prime minister and the president of the Philippines. Mag iis-stay lang kami doon, mga isang buwan lang naman at babalik na kami dito.

Umaga kaming umalis sa bahay ni Tito at pumunta dito sa bahay ni Heneral Crisostomo dahil sinabi sa amin na aalis nga kami papunta sa main base ng parteng Laguna.

---

Nang pag baba namin ng hagdan ay agad naming natanaw si Tito na nasa main door at may kausap sa teleponong may antenna.

Nang maibaba nya na yung tawag ay seryoso syang tumingin sa amin. "Nauna na'ng lumisan si Crisostomo kaya kailangan na din nating umalis​ bago tayo sapitin ng gabi dito" ani nya at lumabas na.

Mag lalakad na dapat ako ng mapahinto ako ng ma-out of the blue sa utak ko si Eren. Gusto ko syang mayakap bago ako umalis pero nag lalaro sa isip ko yung galit na galit nyang mukha. Kahit may galit ako sa lalaking​ yun ay hindi ko pa ring mapigilang ma miss sya. Iniisip ko kung nakakain na ba sya? Naka pag pahinga na ba sya? iniisip nya din ba kaya ako?

Sunod sunod ang mga tanong sa utak ko tungkol kay Eren pero nasasaktan ako kapag naaalala ko yung masasakit nyang salita na sinabi sa akin. Kaya​ nga mas magandang umalis muna ako kahit saglit lang para hindi nya ako makita.

Naputol ako sa pag iisip ng naramdaman ko yung kamay ni kuya na nasa kamay ko.

"Ok kalang?" naka kunot nyang tanong. Nag buntong hininga ako at umiwas ng tingin.

"I'm ok, Kuya. Don't worry about me" malamig kong sambit at nauna ng lumabas ng bahay.

Nang pag kalabas ko ng bahay ay may bumungad sa akin ang napaka daming sundalo na nakatayo sa labas ng gate. Nang makita nila ang presensya ko ay ngumiti sila ng matamis at sabay sabay silang sumaludo. Tinanguan ko lang sila at lumapit kay tito na mukhang hinihintay ang pag labas namin sa bahay.

"Where's Colbie?" takang tanong nya. Mag sasalita na dapat ako ng maramdaman ko yung braso ni kuya na umakbay sa balikat ko.

"I'm here!" parang batang sabi nya. Umikot yung dalawang bilog ng mga mata ko at tinanggal yung braso nyang nakaakbay. Mabigat na nga yung dala kong bag nakikidagdag pa sya. Tss.

"Ok let's go" sambit ni tito at nag lakad na kami. Sumunod naman yung mga sundalo. Meron ding mga sundalo sa gilid at unahan namin na para bang hinaharangan nila yung paligid kung may taong mag tangkang lumapit sa amin.

At hindi nga sila nag kakamali dahil maraming taong masaya at humahangang nakatingin sa amin na para bang mga artista kami. Para hindi kami mahirapan na makapaglakad dahil sa mga taong pilit na nilalapatan kami ay pinadaan nalang kami ng mga sundalo sa gitna ng kalsada at yung mga ibang sundalo ay hinarangan yung mga tao.

----

Habang nag lalakad kami sa gitna ng kalsada ay maraming taong nakatingin sa amin. Pero​ hindi ko nalang iyon pinansin at malamig lang na nakatingin ng diretso sa daanan. Pero habang nag lalakad kami ay may naririnig akong mga sumisigaw. Yes, mga, that means​ marami silang sumisigaw. Pero hindi ko maintindihan yung sinasabi nila at hindi ko alam kung nasaan banda ang mga taong sumisigaw dahil parang nasa malayo sila.

Kumunot yung noo ko pero nakatingin parin ako sa dinadaanan ko dahil parang tinatawag ako ng mga taong sumisigaw.

"Are you ok?" tanong ni kuya. Siguro napansin nya yung pag kabalisa ng galaw ko. Hindi ako nag salita at tumango lang bilang pag sagot.

Pansin ko na panay ang tingin ng mga sundalo sa gilid ng kalsada pero hindi sila nag sasalita dahil nan dito ang Henerel na si tito Louise. Pati sila tito at kuya ay napatingin din doon. Pero ako ay nakatingin lang sa daanan dahil kahit kailan ay hindi ako nag karoon ng interes para tignan ang nasa paligid ko. Except nalang kung may zombies.

Pero para akong nanigas sa kinatatayuan ko ng may marinig akong boses na nag pa bilis ng tibok ng puso ko.


"BABY!!! WAG MO KONG IWAN!! MAHAL NA MAHAL KITA KAYA PANAGUTAN MO AKO!!!"


Para akong robot na huminto sa pag lalakad at dahan-dahang tumingin sa sumigaw at ganun nalang ang gulat ko ng makita ko sya ----i mean silang lahat.

Gusto nyang lumapit sa akin pero hindi nya magawa dahil hinaharangan sya ng mga sundalo. Lalong kumabog yung tibok ng puso ko ng makita kong may lumabas na isang butil na luha sa sulok ng mata na habang nag mamakaawang nakatingin sa akin.

"E-eren"

* * *

Vote. Comment you're reaction, Hunters.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now