Zombie 14

9.5K 391 1
                                    

Zombie 14: Fun Day---Creepy Day

Colbie's POV

Nang matapos ko na yung dapat kong gawin ay agad akong dumiretso sa security room. Nang makapasok na ako ay nanlaki yung mga mata ko. Yung lalaking security guard na nag mo-monitor sa mga cctv's dito sa security room ay naka handusay sa flooring at parang nawalan ng malay.

"Don't worry, kuya. He's not yet dead, kaya wag kang mag alala" walang emosyon na saad ni Megan habang may lollipop na naka subo sa bibig nya. Naka dekwatro sya ng upo sa lamesa at malamig akong tinitignan.

Hayssst....sana'y na ako sa pinapakita nyang malamig na tingin sa akin at sa ibang tao. Hindi ko naman sya mababago dahil nakasanayan na nya yan nung mawala yung kuya nya.

Tumikhim muna ako at umupo sa swivel chair.

"Everything is settled. Mahirap din yung pinagawa mo" ngising sabi ko habang umiling-iling na parang hindi makapaniwala. Hindi maganda yung pinagawa nya sa akin, pero hindi ko sya masisisi dahil alam kong nakikisakay lang sya sa trip ng mga taong nang bu-bully sa kanya.

Tama nga sya. Hinding-hindi nila makakalimutan ang magiging sorpresa ni Megan para sa kanila.

Alam ko na para kay bunso ay ito ang pinka masaya nyang araw. Pero sa mga tao? Hmmm i don't think so.

Fun day?---But for me is creepy! This is the creepiest day of my entire life! Bukod nalang nung mag simula yung apocalypes. Pero habang tumatagal ay nasasanay na din ako.

Nung matapos ko na yung pinapagawa nya ay agad akong pumunta dito​. Hindi ko kasi kaya na makita yung sorpresa na ginawa namin. Habang ginagawa ko nga yun ay tumataas yung balahibo ko. Grrr!!


Patricia's POV

Nag pa-late kami ng pasok sa school ni Yvonne. Hindi ko nga alam kung bakit sya nag ka-kaganito. Hindi naman sya yung taong nag pa-palate sa school. Pero ito sya ngayon, tamad pumasok. Ang tamlay-tamlay nya.

Bwisit kasi yung Justine na yun eh! Ginato nya yung maganda kong kapatid! Huhuhuhu!!

----

Main Building

Nagulat kami ni Yvonne ng maka pasok na kami sa loob ng main building namin. Napahawak ako sa ilong ko dahil sa masangsang na amoy. Ang daming nakakalat na basura sa flooring. Pati yung mga lockers ay naka bukas lahat at lahat ng gamit doon ay sira-sira na yung mga gamit, yung mga libro o notebook nila ay punit-punit na.

Hindi ko alam kung ano yung tatakpan ko sa mga oras ngayon. Yung tenga ko ba o yung ilong ko. Ang dumi na nga ng paligid, makikisabay pa yung mga taong nag titilian at nag tatakbuhan. Sari-saring sigaw ang naririnig ko ngayon. Mapa- lalaki man o mapa-babae ang nakikita kong natatakot at nandidiri sa paligid nila.

Palakad na dapat kami ni Yvonne ng mapa hinto kami dahil may nadulas na babae sa harapan namin. Tutulungan ko na dapat yung babae kaso bigla akong nandiri sa itsura nya. Magulo ang buhok nya at parang naligo sya sa suka ng tao. Malapot at kulay berde ang naka kalat sa mamahaling damit nya. Ang baho nya pa. Umiiyak syang tumayo at kumaripas ng takbo pa-palabas ng building.

Nag patuloy ulit kami sa pag lalakad habang nakikisabay sa mga taong nag kakagulo. Habang nag lalakad kami ay napa ngiwi ako at tinakpan yung ilong ko. Ang ba-baho nila! Pati rin si Yvonne ay diring-diri na. Mukha na nga syang masusuka.

"Ahh!" napatili ako at napa hawak sa braso ni Yvonne dahil may na apakan akong patay na daga. Ewww!!!! Ano bang nangyayari dito? isa tong school, hindi tambakan ng mga nabubulok na basura!

Umiwas ako ng tingin sa patay na dagang naapakan ko at nag patuloy sa pag lakad.

----

Napahinto kami sa harapan ng classroom namin. Naka bukas yung pintuan ng classroom kaya malaya naming nakikita yung mga classmates naming takot na takot. Nag kukumpulan sila sa tapat ng board at nanginginig habang pinagmamasdan yung paligid ng classroom.

Sino ba naman ang matatakot sa itsura ng classroom eh wasak na lahat yung mga upuan. Yung puting kurtina ng salamin ay punit-punit na, habang yung mga bintana naman ay basag na lahat. Yung mga ilaw naman ay basag na din. Meron pa namang hindi nabasag kaso patay-sindi na ang bumbilya ng ilaw. Pumunta naman ako sa TLE room sa tapat ng classroom namin.

Nang maka silip ako ay nakita ko yung mga estudyanteng naliligo sa harina. Meron pang naliligo sa coloring powder at iba pa. Tulad ng iba ay ganun din sila. Nag kakagulo at hindi na alam kung anong gagawin. Parang nahihirapan silang huminga dahil sa sobrang daming harina ang natapon sa mukha nila.

Napako yung tingin ko sa malaking kaldero na umuusok yung loob. Hindi kaya doon nanggaling yung harinang sumabog sa mukha nila?

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now