Zombie 41 part 2

7.4K 235 51
                                    


A/N:

WARNING: For young readers is not suitable for this chapter. Being an kuya's author ay ayokong maberdehan ang utak nyo like me. Piece!~

GRAYSON JUN

* * *

Megan's POV

Habang kumakain ako ay ramdam ko yung mga titig nila sa akin. Bigla silang umiwas ng tingin nung tinignan ko rin sila. Simula nung kumain kami ay hindi na sila nag salita at hindi ko alam kung bakit. Para silang na o-awkward sa atmosphere ngayon pero ako ay hindi ko yun nararamdaman dahil sanay ako sa tahimik.

Nakakapagtaka lang dahil hindi ko pa nakikita si Eren. Kanina pa hinahanap ng mga mata ko si Eren pero nabigo lang ako. Nasan na ba kasi yung lalaking yun?

"Napano yan?" tanong ni Nina habang nakatingin sa braso kong may nakadikit na gasa.

"Nabaril" malumanay kong pag sagot at nagsimulang kumain.

"WHAT?!" sabay sabay pa nilang sigaw. Marami pa silang sinasabi kesyo nakagat ba daw ako kanina? kesyo baka lumala daw yung sugat ko? kesyo baka ma-infect daw yung sugat ko at kailangan daw akong dalhin sa hospital. Sa dinami-dami ng sinabi nila ang sinagot ko lang ay....

"I'm fine" walang gana kong pag sagot. Napailing nalang sila na para bang hindi makapaniwala.

"Anyway, bakit ngayon ka lang dumating, Megan?" tanong ni Patricia. Napatigil ako sa kinakain kong pagkain at seryoso silang tiningnan.

"Long story" sambit ko. Kung ikukwento ko lang sa kanila yung nangyari dati ay baka mag aalala lang sila sa akin. Mas magandang isipin nalang nila yung pag te-training nila dito.

"Pero salamat nalang talaga dahil nakabalik ka na dito. Siguro naman tapos na yung problema diba?" nakangiting sabi ni Patricia. Hindi ako nakasagot sa sinabi nya dahil hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko. Hindi ko nga alam kung matatapos ba ito or hindi.

"Oo naman! Si ganda pa ba?! eh zombie hunter yan!" sabi ni Jai. Nakangiti naman silang sumang-ayon sa sinabi ni Jai. Habang ako naman ay tahimik lang at naka tingin sa plato kong wala ng laman.

Kapag sinabi ko sa kanila na hindi pa tapos yung laban ano kaya ang magiging reaksyon nila? madidismaya kaya sila sa akin? mukhang napansin nila yung pagiging tahimik ko kaya natahimik din sila.

"May problema ba, Megan?" nag tatakang tanong ni Justin. For the first time ngayon lang nya ako kinausap ng matino. Hindi tulad noon na kakausapin nya lang ako kapag may sasabihin syang pang-iinsulto. Pero hindi na ngayon dahil mukhang nag bago na sya.

Napansin kong nag baba taas yung adams apple nya nung tinignan ko sya ng malamig.

"Wala" walang emosyon kong sabi. Hindi naman sya ng salita at ngumiti lang ng tipid.

"Teka nasan na ba si Eren?" takang tanong ni Yvonne. Napahawak ako ng mahigpit sa hawak kong kutsara at tinidor nung marinig ko yung pangalan nya.

"Baka na sa labas na naman yun" sabi ni Justin.

"Hindi na yun pupunta doon dahil nandito na si Megan" nakangiting sabi ni Nina. Kumunot yung noo ko. Ano yung pinagsasabi nila?

"He-he-he wag mo nalang pansinin yung sinabi ko" natatawang sabi ni Nina nung mapansin nya yung naka kunot kong mukha.

"Nasa kwarto lang yun. Simula nung umuwi tayo galing cafeteria ay dumaretso na yun sa kwarto at hindi na lumabas" saad ni Tyler.

"Ah ganun ba? Megan pwede mo bang puntahan si Eren sa kwarto nya? Please!" sabi ni Patricia at nag puppy eyes pa. Sila Nina naman at yung mga boys ay humahagikhik lang.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now