Zombie 11

10.2K 455 14
                                    

Zombie 11: Pwede ba?

Megan's POV

Mula sa bintana ng pintuan ng classroom ay kita ko sa loob si Cobie. Mukhang wala silang teacher ngayon dahil sa kung ano anong ginagawa ng mga classmates nya.

Nung pag kalabas ko ng T.L.E Room ay agad akong dumiretso sa classroom ni Colbie. I just wanna see him kahit saglit lang. Hindi ko na lang inintindi yung madungis kong itsura at pumunta sa classroom nya.

Maraming naka aligid sakanya na babae at mukhang nag papa impress kay C. Pero itong si C ay mukhang lumilipad ang isip. Mababasa mo sa mukha nya na may malalim syang iniisip. Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko ay tungkol yun sa hallway kung saan ko sya iniwan na tulala.

Iniisip ko kung bakit sobrang bait at caring nya sa akin? Kahit may ginagawa ako sakanya na hindi maganda ay nandyan pa rin sya sa tabi ko. Well, baka one of these days ay mag sawa na sya sa kakaintindi sa akin at baka mag back out na sya at bumalik sa Amerika. Pero nakakapagtaka na may kung anong kirot sa puso ko kapag naiisip ko na iiwan nya ako.

Pumikit ako at umiling-iling. It's fine with me if he leave me or not. Kaya ko naman ang sarili ko na wala sya.

Mukhang napansin nya yata na may naka masid sakanya kaya napatingin sya sa gawing direksyon ko. Kumunot yung noo nya na mukhang hindi nya ako nakikilala. Hindi naman talaga nya ako makikilala dahil naliligo ako sa harina lalo na yung mukha ko.

Bago nya pako makilala ay mabilis akong tumalikod at nag lakad paalis.

Wala akong dalang extra damit kaya napagpasyahan ko nalang na umuwi at hindi na bumalik sa school. Umuwi ako gamit yung sarili kong bike.

Mabuti na lang at may dala akong jacket na mag tatakip sa malagkit kong uniform.

Tag isa kami ng bike ni C. Ayun kasi ang ni-request ko kay Tito. Mas magandang mag bike nalang kami kesa mag kotse. Nakaka exercise pa kami.

Hindi na ako babalik sa school at mag papahinga muna. Bukas nalang ako papasok.

Patricia's POV

Kawawa naman si Megan. Pinag tripan pala sya sa loob ng TLE room. Sayang at wala kami nung oras na yun. Wala kami nung time na yun nung inutusan kami ni Ma'am Levine. Ang teacher namin sa TLE.

Isang oras nalang at uwian na. Pero nakakapagtaka ay hindi na pumasok si Megan. Nasan na kaya sya?

Nang matapos na yung last subject ay inayos ko na yung gamit ko para makaalis na. Ganon din ang ginawa nila Nina at ni Yvonne. Palabas na sana kami ng classroom ng mapansin kong hindi pa umaalis yung mga classmates namin. Hindi pa ba sila uuwi?

Nag tipon-tipon sila na para bang gagawa ng plano. Anong meron?

Lalapitan ko na dapat sila para maki usisera ng bigla akong pinigilan ni Yvonne at ni Nina.

"Why?" takang tanong ko sa kanilang dalawa. Hindi sila naka tingin sa akin kundi sa mga classmates naming nakatipon na pabilog.

"Don't go with them" seryosong sabi ni Nina sa akin na naka tingin pa rin sa mga classmates namin. Ano ba talaga nangyayari? bakit parang alam nila yung mga nangyayari?

"May binabalak silang masama kay Megan bukas" sabi naman ni Yvonne. Nanlaki yung mga mata ko.

HUWAT?!!!

Bakit hindi ko alam ang tungkol doon?! a-at masamang balak kamo?

Tumingin ako sa mga classmates naming busy na gumagawa ng masamang plano para kay Megan.  Mukhang natutuwa at na e-excited yung mga ekspresyo ng mga mukha nila.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon