Zombie 23

10.4K 374 42
                                    

Zombie 23: Strange Dream

Kinasa ko yung baril na hawak ko kasabay non ang pag bukas ng pintuan gamit yung isang paa ko. Pag bukas ko ng pintuan ay may dalawang zombies na papalapit sa akin. Agad kong tinutok yung baril sa isang zombie at binaril sa ulo. Yung isa naman ay tinadyakan ko yung sikmura. Nang makalayo yung zombie ay agad ko'ng binaril sa ulo.

Nilibot ko yung tingin ko sa kabuuan ng malaking living area. Napadako yung tingin ko sa dalawang pintuan. Ito na yun.

Lumapit ako doon at binuksan yung pintuan. Nang pag bukas ko ng pintuan ay bumungad sa akin ang malawak na kwarto. Siguro isa tong masters​bedroom. Madilim ang kwarto at tanging yung sinag ng buwan na nanggaling sa malaking bintana lang ang nag papaliwanag.

Naligaw ba ako? Sabi ng utak ko at binaba yung baril ko.

"I'm glad you're here" agad ko'ng tinaas yung baril ko at hinahanap yung taong nag salita. At napadako yung tingin ko sa taong nakatalikod at nakatingin sa malaking salamin kung saan makikita mo ang magulong syudad. Pero agaw pansin yung kabilugan ng buwan.

Hindi ko makita yung mukha nya kasi nakatalikod sya. Pero yung boses nya......napaka pamilyar para sa akin.

Dahan-dahan syang humarap sa akin. Kitang-kita ko mula sa sinag ng buwan yung nakakakilabot nyang ngising naka paskil sa labi nya.

Halos manlambot yung tuhod ko habang tulalang nakatitig sa kanya.

"N-no" nauutal ko'ng sambit habang umiling-iling na parang hindi makapaniwala. H-hindi totoo ito! Imposibleng sya yung mastermind! Hindi sya! Hindi!!

Pagak syang tumawa na para bang natutuwa sya sa naging reaksyon ko. Bigla akong napaatras ng humakbang sya papalapit sa akin.

"Don't be scared. I don't bite" saad nya at tumawa ng malademonyo. No. Hindi maaaring sya yun.

Mariin akong napalunok ng mapasandal ako sa pintuan. Sh*t wala na akong maatrasan. Lalong lumakas yung tibok ng puso ko ng nasa harapan ko na sya. Tinapon nya lang sa carpet floor yung hawak nyang kopita kaya naka likha ng ingay. Pero hindi nya parin pinuputol yung nakakatakot nyang titig sa mga mata ko.

G-ghad. This is i-impossible.

Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na namalayan na nabitawan ko na pala yung hawak kong baril.

Nanlaki yung mga mata ko ng may inilabas syang baril mula sa likod nya. Kinasa nya iyon at dinikit yung bibig ng baril sa noo ko.

B-bakit? Bakit kailangan sya pa? Sa lahat ng tao ay bakit kailangan sya pa ang maging kalaban ko? Bakit nya ako papatayin?

"I-ikaw ang m-master mind?" nauutal na hindi makapaniwala ko'ng tanong sa kanya. Ngumisi sya ng nakakakilabot at mas lalong diniin yung baril sa noo ko.

"The one and only. Surprise" ngising sabi nya. Sh*t sya nga. Pero bakit sya pa?

"Ikaw ang humahadlang sa plano ko kaya dapat na kitang dalhin sa impyerno" aniya nya sabay na nun ang pag kalabit ng gatilyo ng baril.

*BANG!!*

Napadilat ako at napaupo sa kama. Hinihingal akong sinuklay yung buhok ko gamit yung dalawang kamay ko.

"Hindi....h-hindi....hindi" paulit-ulit kong bulong habang umiling iling na para bang na ba-baliw na.

Masaya ako dahil isang panaginip lang yun. Pero nakakataas balahibo dahil parang totoo yun.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon