Zombie 17

9.8K 392 7
                                    

Zombie 17: Survivors

Megan's POV

Kumuha ako ng malaking bubog sa flooring at pinangsaksak sa mata ng zombie. Hinawakan ko pa yun ng mahigpit at mas lalong diniin ang pag kasaksak sa mata ng zombie. Nang hindi na ito makagalaw ay binitawan ko na ito.

Nag buntong hininga ako at pinunasan yung noo kong may talsik ng dugo. Napa daing ako dahil nangirot yung isang palad ng kamay ko. Nakita kong nag dudugo iyon pero hindi ko na iyon pinansin.

Nag lakad ako ng mabilis at hindi pinansin yung mga zombies na nakahandusay sa flooring. Habang nag lalakad ako ay kinuha ko yung phone ko sa loob ng palda ko. Pinunasan ko yung screen ng phone ko dahil naliligo na sa dugo.

Nag type ako ng message para kay kuya na nag bibigay ng Cignal na pwede na s'yang bumaba.

Mga ilang sandali ay nakita ko syang bumaba ng hagdan at nag mamadaling lapitan ako. Napahinto sya sa pag lalakad at gulat na nakatingin sa akin. Dahan-dahan syang nag lakad habang pinapasadahan ako ng tingin.

"Naligo ka na sa dugo! Ang kulit mo kasi. Sabi ko sa'yo tulungan na kita eh. Tignan mo tuloy yung itsura mo." inis nyang sambit. Kumuha sya ng panyo galing sa loob ng bulsa ng pants nya at pinangpunas sa pisngi ko. Napangiti ako. Ang kuya ko talaga.

"Atleast buhay pa ako diba?" sabi ko sabay ngisi. Napa iling nalang sya.

"Ano, napagod ka ba? nasugatan ka ba? Nakalmot ka ba? Sabihin mo!" nag aalala nyang sabi. Mahina akong natawa.

"Ang OA mo talaga, kuya. Ang saya kaya." ani ko. Tumaas ung kanang kilay nya.

"Masaya ba ang tawag doon? Ibang klase. Halika na nga!" sabi nya at hinila ako.

***

Bumabaril ako ng mga zombies na papalapit sa amin ni kuya habang si kuya naman ay lumapit sa kotse ko para buksan yung makina.

Yung palapit na zombie sa akin ay agad ko'ng tinadyakan sa dibdib. Napalayo sya kaya agad ko'ng tinutok sa ulo ng zombie ang baril ko at binaril sya. Kinasa ko yung baril ko at nag patuloy sa pag babaril ng mga zombies.

Ito yung mga nang bu-bully sa akin nung hindi pa nag kakaroon ng delubyo, ngayon ay na infectect na sila kaya malaya na akong mapapatay sila.

"Bunso, pasok na!" rinig ko'ng sigaw ni kuya kasama na don ang pag bukas ng makina. Bago ako pumasok na kotse ay bumaril pa akong isang zombie at agad na pumasok sa loob ng kotse.

"That was fun." naka ngiti ko'ng sabi habang mina-masahe yung kamay ko. Pasimpleng tumingin sa akin si kuya at binalik ulit yung tingin sa daanan.

"Tao ka ba talaga o tao na naging zombie na?" mahina akong natawa habang umiling-iling.

"I don't know either, kuya. Maybe, namiss ko lang ang gawain nato." mahina kong sabi. Nag buntong hininga ako at pumikit.

Mga ilang sandali ay dinalaw na ako ng antok.

Patricia's POV

Nandito kami ngayon sa school bus. Nag hahanap kami ngayon ng ma pag iisteyan naming lahat. Mabuti nalang at naabutan namin yung mga classmates naming naka survive or else naging zombie din kami.

Naka tingin lang ako sa salamin kung saan makikita ang magulong lugar. Yung nag lalakihang gusali ay naging abandoned na yung itsura. Yung mga poste sa gilid ng kalsada ay nag si bagsakan na sa kalsada.

Nakakatakot dahil may nadaanan pa kaming mga zombies. Pero hindi naman ganun kadami. But still, they are all freak and disgusting face to the point that i want to puke! Nakakadiri yung mga faces nila.

Napayuko ako at pumikit ng maramdaman kong may lumabas na isang butil ng luha galing sa sulok ng mata ko. Kamusta na kaya sila mommy at daddy? Sana nasa mabuting kalagayan sila ngayon.

Kung madali lang na makapunta ka agad sa bahay ay gagawin na namin ni Yvonne. Pero hindi. Hindi namin kayang puntahan sila. Muntik na nga kaming mamatay kanina sa school. Pero mabuti naman dahil nandoon sila Jai para protektahan kami.

Napaangat yung ulo ko ng maramdaman kong hinawakan nya yung isang kamay ko.

"Wag ka ng umiyak. Ang pangit mo na nga, lalo mo pang pinapangit yung mukha mo." sabi nya na naka ngisi. Mahina akong natawa at pinatong yung ulo ko sa bahay balikat nya.

"Ang mean mo talaga sa akin kahit kailan Yvonne. But still, your my beautiful ate. Kaya huwag mo ko'ng iwan, okey?" naka ngiti kong bulong. Narinig kong humagikgik sya kaya lalo akong napa ngiti. Minsan ko lang kasi marinig na tumatawa sya ng ganyan.

"Himala, tinawag mo ko'ng ate." ani nya.

"Himala din, ang sweet mo ngayon kahit ang mean ng mga salita mo galing sa akin." pabalik ko'ng sabi. Sandali kaming natahimik pero mga ilang sandali ay sabay pa kaming tumawa.

Pero natahimik kami ng mag salita si Nina sa harapan.

"Guys, sampung minuto nalang at makakarating na tayo sa pag iisteyan natin ngayong gabi." sabi ni Nina. Nag karoon ng bulungan at parang natatakot sila sa sinabi ni Nina.

"Baka delikado doon"

"Baka May zombie doon?"

Sari-saring komento ang mga classmates ko sa sinabi ni Nina. Ngumiti si Nina at tumikhim na nag sasabihing tumahimik muna sila sa pag sasalita. Nang tumahimik sila ay nag simula na ulit mag salita si Nina.

"Don't worry guys. Isa yung ligtas na lugar. Tinawagan ako ng student council at sinabing doon tayo pumunta, dahil lahat ng naka survive sa campus ay doon sila pumunta sa Samonte Dixon Tower." pag paliwanag ni Nina. Samonte Dixon Tower? Pag aari yun ng pamilya ni Bianca.

Si Bianca Samonte Dixon ay ang president ng student council ng campus. Ang pamilya nya din ang may ari ng school. Matalik na kaibigan ni Nina si Bianca dahil mag kaibigan na sila simula nung first year highschool. Naging close na din namin si Bianca dahil pinakilala kami ni Nina kay Bianca. Maganda at mabait sya kaya naging friend ko agad sya, pati na din si Yvonne.

***

Samonte Dixon Tower

"Mabuti at naka survive kayo Nina!" natutuwang sambit ni Bianca at niyakap si Nina.

"Mabuti na nga lang." matamlay na sabi ni Yvonne. Natawa sila Nina at ni Bianca ng marinig yung sinabi ni Yvonne.

"Sungit as always." ngising sabi ni Bianca. Inirapan lang sya ni Yvonne at dumiretso sa living area. Ganun din ang ginawa ng iba. Yung mga iba na mukhang hindi pa napapagod ay namasyal at mag kuwentuhan pa.

"Paano kayo naka survive sa school?" isang mahinhin na boses ang pumasok sa tenga ko.

"Sandy!" gulat kong sabi. Ngumiti sya.

"The one and only." sabi nya at humagikgik.

Ang cute nya talaga!

Si Sandy ay ang Vice president ng student council. Sya din ang pinaka maliit at pinaka cute sa school. Mahinhin lang sya magsalita at napaka cute nya.

"Tumakbo, sumakay ng bus at pumunta dito?" mahina syang tumawa sabay palo ng mahina sa braso ko.

"Ikaw talaga Patricia Salazar. Kahit kailan hindi kita makausap ng maayos." nakangiti nyang saad.

"Syempre maganda." cool ko'ng sambit.

"Anong connect? Haynako, maligo ka na nga! Ang dumi mo na." sabi nya habang pinapasadahan yung damit ko. Nang pag tingin ko sa damit ko ay napangiwi ako. Ang dumi napala ng damit ko.

****

Vote.Comment.Fallow

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now