Zombie 30

7.5K 310 11
                                    


Zombie 30: Innocent Megan

Megan's POV

"Sandy!" sigaw ko ng makita kong sinalo nya yung bala. Lumapit ako sa kanya at kinandong yung ulo nya sa lap ko.

"Sandy, kumapit ka lang! Wag mong ipipikit yung mga mata mo" kinakabahan kong sabi. Natamaan sya sa likod nya at maraming ng dugong lumalabas.

Ngumiti sya ng mapait at dahan-dahang umiling.

"N-no. H-hindi ko na kaya, Megan..." nahihirapan nyang sabi at at dahan dahang napapikit. Nanlaki yung mga mata ko at tinapik-tapik​ko yung pisngi nya. Pero nabigo ako dahil naramdaman kong hindi na sya humihinga.

Wala na si Sandy.......at ako ang dahilan kung bakit sya namatay.

Nanggigigil akong tumingin kay Cathy na nakasakay sa sasakyan. At ang masaklap pa ay kasama nya si Ken na naka upo sa driver sit.

Hindi ko nakita si Ken dahil nasa loob pala sya kanina sa convenience store. Sya pala ang may pakana kung bakit nawalan ng malay si Eren.

"Pathetic girl" ngising sabi ni Cathy habang si Ken naman ay tumatawa lang na para bang natutuwa sa itsura ko.

Inis ko'ng kinuha yung baril ni Sandy at tumayo. Babarilin ko na dapat sila ng mahuli na ako. Mabilis na pinaharurot ni Ken yung sasakyan.

Pinanood ko lang sila hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Napahigpit ako sa hawak kong baril at pinasadahan ko ng tingin yung suot ko. Naliligo na naman ako sa dugo.



"OH MY GHAD!! SANDY!!" napatingin ako sa likuran ko at nagulat ako ng makita kong nandyan na pala silang lahat. Bakas yung gulat sa mga mukha nila habang nakatingin sa bangkay ni Sandy. Luhaan na lumapit si Bianca sa bangkay ni Sandy.

"S-sandy! Anong nangyari sa'yo!" hagulgol na sigaw ni Bianca habang yakap yakap nya ng mahigpit yung katawan ni Sandy ay hindi ko mapigilang makaramdam ng guilt. Ako yung dahilan kung bakit nawala yung matalik nyang kaibigan.

"B-bianca..." lalapit na dapat ako sa kanya kaso napahinto ako ng tinignan nya ako ng masama.

"Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay yung kaibigan ko!" galit nyang sigaw at dinuro duro ako. Kinagat ko yung lower lip ko at yumuko. This is my fault.

"I-im sorry. Hindi ko sinasad---" naputol ako sa pag sasalita ng lumapit sa akin si Mich at binigyan ako ng malakas na sampal.

"How dare you to kill my friend?! Ang sama-sama mo!" nanggagalaiti nyang sigaw habang dinuduro-duro yung dibdib ko. Mag papaliwanag na dapat ako ng binigyan na naman nya ako ng panibagong sampal.

"Hey! Can you please calm your self before you bark at her!? Wag nyo namang pag tulungan yung kapatid ko! Hindi natin alam ang buong pangyayari kaya wag nyo syang husgahan​!" inis na sabi ni Kuya at nilapitan ako. Pumwesto pa sya sa harapan ko, paharap kela Bianca para maipag tanggol ako. Pagak na natawa si Mich na para bang hindi makapaniwala.

"She killed our friend, Colbie! Nang dahil sa kanya ay nawalan tayo ng isang kotse at mga pagkain pa! Siguro isa syang kasabwat sa mga taong kumuha ng pagkain at kotse natin. Kumukuha lang sya ng tyempo para makatakas!" asik nya na matalim nya akong tinitignan. Umiling ako ng paulit ulit at nangangausap silang tinignan.

"No! Nag kakamali ka! Wag kayong maniwala!" sigaw ko sa kanila na nag mamakaawa. Pero parang bumigat yung nararamdaman ko ng makita ko yung masasamang tingin nila sa akin.

"Hindi totoo? C'mon Megan wag ka ng mag sinungaling pa dahil huling huli ka na! Halatang ikaw ang pumatay sa kaibigan namin! Look at your self, naliligo ka sa dugo ng isang tao at hawak hawak mo pa yung baril ni Sandy! Obvious na ikaw talaga ang pumatay kay Sandy!" mariin kong pinikit yung mga mata ko at umuling. Kasalanan ko kung bakit namatay si Sandy. But heck! Hindi ko pinatay si Sandy! Naging matalik ko ng kaibigan si Sandy kahit saglit lang kami nag kakilala.

"Guys si Eren na walan ng malay!" sigaw nung lalaki na nanggaling sa store. Mahina akong napamura. Bakit nakalimutan ko na nasa loob pala si Eren.

"B-bakit sya nawalan ng malay? Sino ba yung nakasama nya sa loob bago tayo umalis?" mariin na tanong ni Justin. Napalunok ako ng matiim silang tumingin ng masama sa akin. Na para bang binibintang nila ako sa nangyari kay Eren.

"You bitch!" susugurin na dapat ako ni Mich ng may mag salita na ikinagulat ko.


"Whats happening here guys?" paos nyang tanong.

Si Eren.

Nakahawak sya sa sikmura nya at nahihirapang mag lakad. Napahinto sya sa pag lalakad at nanlaki yung mga mata nya habang nakatingin sya sa katawan ni Sandy.

"What happend? Napano si Sandy?" gulat na may pag kasamang galit sa tono ng boses nya. Nag hihintay sya ng sagot sa mga tao kaso tumingin lang silang lahat sa akin. Na para bang ako yung tinutukoy na salarin sa isang krimen. Napaawang yung bibig nyang napatingin sa akin.


"Y-you killed Sandy?" hindi makapaniwala nyang tanong. Napalunok ako at malungkot syang tiningnan.

"H-hindi. Mali ka ng iniisip m---"

"Stop" malamig nyang sambit at nakapikit sya na para bang nag pipigil ng galit. Hindi ako makapagsalita ng binigyan nya ako ng matalim na tingin. Pinasadahan nya ako ng tingin at napailing na para bang hindi makapaniwala sa nakita nya.


"E-eren....hindi. Mali yung iniisi--"




"I said stop. Stop. Shut up!" tiim bagang nyang sigaw. Napaatras ako dahil sa gulat. Ngayon ko lang syang nakitang nagalit na ganito.

“Eren, let her explain her side! Bakit ganon kadali sa inyo na husgahan sya na wala man lang paliwanag ng tao?” mariin na sambit ni kuya. Bakas sa boses ni kuya ang hindi pag kapaniwala sa boses nya.

Pero kahit ano pa mang sabihin ni kuya o ipaliwanag nya sa kanila ay sarado na mga tenga nila. Lalo na si Eren na matiim na naka tingin sa akin.

"Youre f-cking impossible" mariin nyang sabi at pumasok sa loob ng school bus. Pumasok na din yung iba pero bago sila pumasok ay binibigyan nila ako ng masamang tingin. Lalo na si Mich.

Ngayon ang naiwan nalang ay ako at si kuya. Pati na rin sila Yvonne at yung mga boys. Ang akala ko ay lalapitan nila ako at yayakapin para daluyan ako sa pag ka bigo ko, pero nag kamali ako. Tulad ng iba ay ganun din yung tingin nila sa akin. Yung bang ako na yung pinaka masamang tao sa buong mundo.

Ayun yung nakikita ko sa mga mata nila bago sila pumasok sa loob ng school bus.

Bumagsak yung mag kabilang balikat ko at napa yuko ako, dahil sa nangyaring kaganapan ngayon. Kanina lang ay sobrang saya ko pero parang pansamantala lang pala iyon.

Bakit gustong pag laruan ni tadhana yung mundo ko? Bakit ayaw nya akong hayaan na maging masaya kahit ngayong araw? Kahit saglit man lang? Kahit kukurampot lang. Bakit lahat may malaking kapalit na sakit sakin nito.

Ganon na ba ako kasama sa mga tao para mag bayad ako ng ganito?

Napatigil ako sa pag iisip nung maramdaman ko yung kamay ni kuya na nasa braso ko. Kahit na naka ngiti sya ng tipid ay kita ko yung lungkot sa kulay asul nyang mga mata na nakatingin sa akin.

"Huwag kang mag alala, bunso. Hindi ako naniniwala na ikaw ang pumatay sa kaibigan nila. Nandito lang ako sa tabi mo" hindi na nya ako hinayaan na mag salita dahil hinila na nya ako papasok sa loob ng bus.

* * *

Vote. Comment you're reaction, Hunters.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon