Zombie 28

8.8K 340 13
                                    


Zombie 28: With him

Past (Bago sila makarating sa motel)

Megan's POV

Naiwan ako sa kina-uupuan ko sa bus dahil hinihintay ko pa silang lumabas ng bus. Nauna ng lumabas si Eren kakausapin daw sya ng kaibigan ni Nina at nung iba pa. Hindi ko naman inalam kung ano yun dahil wala naman akong pakialam.

Nang makababa na silang lahat ay tumayo na ako at nag lakad para makababa na din. Pero bago ako makababa ay may napansin akong kakaiba.

Napatingin ako sa tabi ng manibela at may umiilaw na kulay pula. Naningkit yung mga mata ko para maanigan yun ng mabuti. Nang maintindihan ko na kung anong ibig sabihin nun ay napabuntunghininga nalang ako.

Wala na palang gaas yung bus.

"Thank you" muntik na akong mapatalon ng may mag salita sa gilid ko. Tumawa sya ng mahina ng makita nya yung ekspresyon ko. Sino ba sya at bakit sya nag papasalamat sa akin? Hindi ko naman sya kilala.

Mukhang nabasa nya yung nasa isip ko kaya agad syang nag salita.

"What i mean is, i just wanna say thank you for saving us. Because of you nakaligtas kami. Kundi, naging zombies na din kami" sabi nya habang kinakamot yung ulo nya. Ok? That's​ all? Ayun lang ba sasabihin nya?

"By the way i'm Ken" pag papakilala nya at nilahad nya yung kamay nya sa harapan ko. Hahawakan ko na dapat iyon para makipag shake hands ng may magsalita sa likuran ni Ken.

"Ken! There you are! Kanina pa kita hinahana--woah Hi Megan" masayang bati nya at kumaway pa sa akin. Medyo may kaputian sya at hanggang balikat yung buhok nya. Mukhang magiliw din sya katulad ni Patricia

Lumapit sya sa akin at kinamayan nya yung kamay ko na dapat para kay Ken.

"Hi I'm Cathy!~" naka ngiting sabi nya habang hawak pa rin yung kamay ko. Pasimple naman akong tumingin kay Ken at nakita kong mukhang naiinis sya kay Cathy​.

Mag sasalita na dapat ako ng may biglang sumingit.

"Bunso, pumasok ka na!" rinig ko'ng sigaw ni kuya. Nakatayo sya sa mula sa pintuan at mukhang hinihintay ako. Tinanguan ko lang sya at muling binalik yung tingin ko kela Cathy at Ken na nakangiti pa sa akin.

"Nice meeting you Cathy and Ken. Mauna na ako" malumanay kong saad at nilagpasan sila.

* * *

Nasa living room silang lahat at dumaretso naman ako sa kwarto. Nire-ready ko yung mga gagamitin kong armas para mamaya. Gabi na at alam kong hindi na nila kayang lumabas dahil delikado na ang ganitong oras. Kaya ako nalang ang kusang mag hahanap ng gasolinahan para makakuha ng gaas para sa school bus.

Sana'y naman ako sa ganitong gawain kaya hindi na ako natatakot kapag lalabas ng hating gabi.

Nasa kalagitnaan ako ng pag hahanda ng bumukas yung pinto at nakita ko naman sya. Bakit ba lagi nalang nya ako sinusundan? Nakakainis na huh. Tsk.

Nakatingin lang sya ng seryoso sa akin habang nakasandal sya sa pintuan. Inirapan ko lang sya at muling tumingin sa hawak kong baril.

"What are you doing?" tanong nya. Kumuha ako ng maliit na baril at nilagay sa hostler basic na nasa bewang ko.

"Gasoline Station" maikling sagot ko.

"At anong gagawin mo dun?" kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam ko'ng nakataas yung kanang kilay nya. Bakit ba ang daming tanong ng lalaking to? Tss.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now