Zombie 31

7.8K 342 23
                                    

Zombie 31: His words

Megan's POV

Sumapit na ang hating gabi ay nag stay kami sa malaking lumang bahay. Naligaw kami ng daan kaya inabot na kami ng gabi.

Hanggang ngayon ay ganun parin ang tingin nila sa akin. Lumalapit ako sa kanila para mag paliwanag kaso umiiwas lang sila na para bang may malala akong sakit na nakakahawa.

Masakit dahil ganun din sila Nina sa akin. Naniwala sila sa sinabi ni Mich.

Isa akong kaaway sa mga piningin nilang lahat.

Nasa hardin kami at nakapabilog kaming lahat sa bonfire. Mainit sa loob ng bahay kaya dito kami nag stay.

"Bunso, aalis lang ako. Mag hahanap lang ako ng cignal para ma-contact ko si Dad" nakangiti nyang sabi. Tipid lang akong ngumiti at tumango sabay tingin sa bonfire. Ramdam ko pa rin yung matatalim nilang mga tingin. Lalo na sya.

Ilang minuto ang nakalipas ay may dumating na dalawang babae na. Yung isang babae ay may hawak na malaking kawali at yung kasama naman nya ay may dalang maliliit na mangkok.

"Guys, pasensya na dahil kaunti lang yung nagawa naming pagkain. Tanging chicken soup lang yung nagawa namin ngayon" saad nung babaeng may dala-dalang kawali.

Inis na tumayo si Mich at masama akong tinignan.

"Marami sana tayong makakain kaso ng dahil sayo ay nawalan kami ng pagkain. Traydor ka kasi" galit nyang sabi. Kumuyom yung kamao ko at yumuko. Nakakaramdam ako ng galit sa sinasabi nya pero pilit kong pinapakalma yung sarili ko. Hindi ako nag salita at nakatingin lang sa dalawang paa ko.

"Ano? Wala kang masabi dahil totoo yung sinasabi ko?" hindi ko sya pinansin dahil baka hindi ko mapigilan yung sarili ko. Ayoko ng ganito. Ayoko ng gulo.


"Sana hindi ka na namin nakilala! Sana ikaw nalang ang namatay! Ang dapat sa'yo ay pinapapatay dahil isa kang masamang tao! Isa kang masamang tao---ACKKK!!!" hindi na nya natuloy yung sasabihin nya nung galit ko syang sinakal sa leeg. Nanlilisik yung mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

"Hindi ko pinatay si Sandy at mas lalong hindi ako mamatay tao tandaan mo yan!!" nanggagalaiti kong sigaw at mas lalong hinigpitan ko ang pag hawak sa leeg nya. Nanlaki yung mga mata nya nung itinaas ko sya sa ere habang sakal-sakal ko sya. Pero nabitawan ko sya nung may tumulak sa akin ng malakas.

Ang pinaka ayoko sa lahat ay yung tinatawag akong mamatay tao. Dahil kapag may tumatawag sa akin non ay naalala ko palagi ang pag patay ko kay kuya Derrick. Hindi ko ginustong patayin si kuya pero kahit balik-baliktarin ko pa yung mundo ay ganun parin ang magiging kasagutan.

"TUMIGIL KA NA!!" galit nyang sigaw habang masama akong tinitigan sa mata. Sa mapanghusga nyang tingin sa akin ay parang sinasaksak ng paulit-ulit yung  puso ko.

"Paano ka nakakasiguro na hindi ka talaga masamang tao?" mapanghusgang tanong nya. Hindi ako nag salita at matamnan ko lang syang tiningnan sa mga mata nyang malamig na nakatingin sa akin.


"Pinatay mo na nga si Sandy tapos isusunod mo pa si Mich? Iba ka din ano? Ano ba talaga ang plano mo sa buhay mo? To kill us?!!" galit nyang sabi. Lumapit sya sa akin at malamig akong tinignan. Those cold insulting eyes makes my heart break into million pieces. Ang sakit. Ang sakit sakit and i don't know why.

What's happening to me? Bakit parang sobra akong nasasaktan? Para na akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinasabi nya sa akin.

"Wag mo kaming idamay sa kasamaan mo. Oo alam ko'ng masama kang tao. Pero hindi ko inaasahan na meron pa palang mas hihigit doon. Hindi ka lang pala masamang tao, kundi isa ka ding mamatay tao" malamig nyang sabi. Napaawang yung bibig ko ng dahil sa salitang binitiwan nya.

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Where stories live. Discover now