Zombie 39

6.6K 287 8
                                    


Zombie 39: Protect

Nina's POV

Thursday ngayon at walang exercise sa training ground. Mag ta-tanghali na pero nasa kwarto parin ako at nakahilata sa kama. Yung mga boys naman ay nasa kabilang kwarto at nag papahinga din. Except nalang kay Justin na naka bantay kay Yvonne na mahimbing na natutulog.

Hindi kasi bumaba yung lagnat ni Yvonne at hindi pa sya nagigising mula kahapon.

Nanghihina akong umupo sa gilid ng kama ko at tumingin kay Justin.

"Justin ako na ang bahala sa kanya. Magpahinga ka na muna kahit saglit lang" saad ko. Hindi pa kasi sya nakakatulog mula kahapon.  Napatigil sya sa pag punas ng bimpo sa noo ni Yvonne at tumingin sa akin.

"No. Kaya ko pa. Ako na ang mag aalaga sa kanya" seryoso nyang sabi at pinagpatuloy ang pag punas ng bimpo sa noo ni Yvonne. Nag buntong hininga nalang ako at hindi na nag salita.

Ayan yung gusto ko kay Justin. Kahit siraulo, gago, manyakis, at higit sa lahat ay pakboi ay hindi pa rin nawawala yung pagiging maalaga nya sa mga minamahal nya. Isa na dun si Yvonne.

Naputol ako sa pag iisip ng makarinig ako ng katok galing sa main door. Agad akong tumayo at lumabas ng kwarto para buksan yung main door.

Nang pag bukas ko ng main doon ay bumungad sa akin ang nag aalalang Bianca. May dala-dala pa syang basket na may lamang prutas.

"Nahimatay daw si Yvonne kahapon?" nag aalala nyang tanong. Ngumiti ako ng malungkot at tumango.

"Oo, pero maayos na yung kalagayan nya ngayon" saad ko.

"I'm sorry kung ngayon lang ako dumating. May pinagawa pa kasi sa akin sila Anne tungkol sa gaganaping laban sa pasko" pag paumanhin nya.

May magaganap palang labanan sa araw ng pasko. Laban iyon ng mga sundalo at nung mga taong nag te-training na katulad ko. Kapag nanalo ka ay makakalaban mo yung mga sundalong may matataas na ranggo.

"Ok lang yun. Pasok ka na. Baka mamaya ay magising na si Yvonne" sambit ko at pinapasok sya sa loob.

* * *

One week has passed ay ganun pa rin ang takbo ng mga buhay namin. Patuloy pa rin ang paghihirap namin dito sa safe zone.

Lunchbreak na kaya dumiretso na kami sa cafeteria. Pwede naman kaming kumain sa bahay kaso masyadong malayo yung bahay sa training ground kaya pumunta nalang kami sa cafeteria kasi malapit lang.

Tungkol naman kay Yvonne ay magaling na sya. Kulang lang daw sa pahinga yung katawan nya kaya sya nilagnat, sabi nung doctor nung ipina check up namin sya sa hospital.

Habang nag lalakad kami papunta sa cafeteria ay napansin ko yung mga sundalong tumatakbo habang may dala-dalang armas.

"Ano yun?" Takang tanong ni Patricia. Nag kabit balikat nalang ako at nag patuloy sa pag lalakad. Baka meron lang silang labanan sa danger zone.

---

*Cafeteria*

Habang nag hahanap kami ng mauupuan sa cafeteria ay may naririnig akong bulung-bulungan ng mga tao.

"What? May sumabog na gusali malapit lang dito?"

"Oo malapit lang dito. Kaya hinahanap kung sino ang gumawa nun"

"Hindi pa ba nalalaman kung sino ang gumawa nun?"

"Merong nakakita pero wala pang patunay"

"Sino? sino ang gumawa?"

"Si---" hindi ko na narinig yung susunod na sasabihin ng babae ng malakas na bumukas ang pintuan. Biglang natahimik yung buong cafeteria at sabay sabay napatingin sa pintuan ng main door. Napatingin din ako sa pintuan pero para akong nag sisisi na ginawa ko yun.

Nandoon lang naman sila Anne at yung grupo ni Angelo. Palinga-linga sila sa paligid na para bang may hinahanap sila.

"Let's go. Mag hanap na tayo na mauupuan natin" malamig na sabi ni Eren at nauna ng naglakad. Mukhang napansin nya yung pagiging tahimik namin nung makita namin sila Anne at Angelo.

Hindi naman kami nag salita at sumunod nalang kay Eren kung saan sya pumunta.

Mga ilang sandaling naka lipas ay naka kita na kami na makakainan namin. Umupo agad ako at nag simula nang kumain.

Pero hindi ko pa nakakagat yung tinapay ko ng may humampas sa table kung saan kami kumakain.

"Nandito lang pala kayo! Diba ang sabi ko huwag muna kayong kakain at lilinisin nyo muna yung CR ng lalaki at CR nga babae?!" inis na sigaw ni Anne. Yung mga alipores naman nya ay nasa likod nya at naka ngising naka tingin sa amin.

Yung grupo naman ni Angelo ay dumudukot pa sa pagkain nila Justin. Pinipitkpitk pa ni Allan at Jason yung tenga ni Jai na para bang nang-iinis. Argfff!! Mga gagung to! Hindi na mahiya sa balat ng mga nanay nila!

"Pero ma'am Anne. Kakalinis lang po namin ng CR kahapon" magalang na sabi ni Patricia. Pero napayuko sya nung masamang tiningnan sya ni Anne.

"At sumasagot ka pa huh! Ang kapal talaga ng mukha mo!" sigaw nya at binuhusan ng tubig sa mukha si Patricia.

"S-sorry po" naiiyak na sabi ni Patricia.

Napatingin ako kay Yvonne at nakita ko yung pag tiim bagang nya. Mukhang mag sasalita na sya kaya agad kong hinawakan yung kamay nya na nasa ilalim ng lamesa.

Nang pag tingin nya sa akin ay umiling ako na nag sasabing wag na syang maki sali. Baka parusahan na naman sya at kakagaling pa nya sa sakit.

"Ayan kasi ang mahihirap sa mga katulad nyo eh! Bobo na nga tanga pa--" hindi pa natatapos yung sinabi ni Anne nung dumapo yung palad ni Yvonne sa pisngi ni Anne.

Gulat akong napatayo at ganun din sila Patricia.

"Did you slap me?" hindi makapaniwalang tanong ni Anne. Oh no!!!!

Yvonne's POV

"Did you slap me?" hindi makapaniwala nyang tanong. Ngumisi ako ng nakakaloko.

"Manhid ka ba para hindi maramdaman yun? gusto mo ng part two at sa kabila naman para mas ramdam?" parang nang-aasar kong sabi. Mukhang nainis sya sa sinabi ko kaya lumapit sya sa akin at sinakal ako. Tatayo na dapat sila Justin pero pinigilan sila ni Angelo.

"Wag ka ng makisali sa kanila. Away babae yan eh. Maganda kung tayo nalang ang mag lalaro" ngising sabi ni Angelo. Tumawa naman yung mga kasama nya at nag aapiran.

That Asshole!!!

Napahawak ako sa dalawang kamay ni Anne na naka sakal sa leeg ko. Hindi na ako makahinga ng mabuti dahil mas higpitan nya pa ang pag hawak sa leeg ko.

"Magaling ka talagang babae huh. Pwes makakatikim ka sa akin ngayon" sabi nya habang sakalsakal ako. Napapikit nalang ako. Gusto kong lumaban pero mas malakas si Anne kesa sa akin.

"I will give you a big.... big... punished, my dear~" ngising sabi nya at dapat sana akong sasampalin ng  may tumutok sa ulo nya na baril.

"Slap her and you will face the fucking hell" napasinghap si Anne at binitawan ako. Napahawak ako sa leeg ko at umubo ng umubo. Napa tingin ako sa nag salita. May tao na nasa likuran ni Anne. Hindi ko malaman kung lalaki ba o babae dahil naka yuko. Naka pang sundalo sya at naka sumbrero. Pero yung boses nya ay napaka pamilyar.

Tumalikod si Anne para mahakarap yung tao. "At sino ka para utusan ako? Hindi mo ba ako kilala?!" asik ni Anne. Binaba na nung tao yung hawak nyang baril pero hindi parin nag sasalita. Hindi rin nya tinataas yung ulo niya kaya hindi ko makita yung mukha nya.

"Tinatanong kita! ano yung pangalan mo at tatanggalin kita sa posisyon mo ngayon!" inis na sabi ni Anne. Akala ko hindi mag sasalita yung tao pero nag kamali ako dahil kumibo ito.

"Do you want to know my name?" ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko ng marinig ko yung boses nya. Ang malamig nyang boses na kasing lamig ng yelo ay palatandaan na sya nga yun. Hindi k-kaya.....

Napalunok ako nung dahan-dahan nyang inangat yung ulo nya at hindi ko maiwasang maiyak dahil sa saya. Sa wakas nandito na sya. Binalikan nya na kami.





































"Megan"


***

Zombie Hunter: The Safest Place on Earth (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon